"C-chanyeol, ano ginagawa mo dito?" Siya pala yung tao.
"Nandyan ba si Sehun at Luhan hyung?" Tanong niya pero hindi siya tumitingin sa akin. Sa likod ko mukhang sinisilip ang tao sa loob.
"Ah? Nasa loob sila. Halika, pasok ka." Nilakihan ko ang bukas ng pinto. Dire-diretso lang siya sa paglalakad papunta sa loob. Naamoy ko naman yung pabango niya. Nakakamiss.
Lumakad din ako papunta roon. Nakita ko naman na nakaupo na si Chanyeol at nakikipag bro fist kay na Kuya Sehun at Luhan.
"Kuya Sehun, Kuya Luhan. Aalis muna ako," Napatingin naman sila sa akin at tumango. "Kuya Chanyeol." Paalam ko rin sa kanya. Ngumiti lang siya. Tumalikod agad ako at hindi napigilang ngumiti.
Pano ba naman kasi, yung ngiti niya. Yung dating ngiting binibigay nya sa akin.
Pagkababa ko, umupo ako sa lobby at nagtingin-tingin sa magazines. Napatingin ako doon sa tabi ko, may umupo kasi.
"Mae??" Nakangiti siya sa akin.
"Hi!" Bati niya sa akin. Nagulat ako ng akbayan niya ako. Nginitian ko naman siya ng mkabawi ako sa pagkagulat. "Mukhang di ka na busy ah? So pede na tayo mag usap?" Tinaas taas niya pa ang kilay niya.
"Osige. Pero wag dito." Tumango naman siya at ngumiti ng malawak.
"Sure! Tara sa cafe, sa tabihan dyan." Tumayo na kami para pumunta na sa cafe na sinasabi niya.
Nang makarating doon, hindi ko alam kung bakit sa may dulo kami nag pwesto. Pero hindi ko na rin tinanong.
"Order lang ako dito ka na. Treat ko to wag ka na umayaw. Minsan lang to." Medyo natawa naman ko sa sinabi niya, agad rin naman siyang umalis. Di rin nagtagal bumalik na rin agad siya dala ang inorder niya. "Sorry natagalan hehe. Ito oh." Inayos na rin muna namin yung order at saka uli siya nagsalita. "Okay eto na ha. Di na ako magpapasikot pa. Bakit ka pumayag sa kagustuhan ni L?" Hindi agad ako nakareact sa sinabi niya, "oh, don't get me wrong. Ano kasi..." Hindi mahanap ni Mae ang sasabihin niya.
"Pano mo nalaman?" Akala ko ba walang makakaalam?
Tumingin muna siya sa paligid bago nagsalita ulit. "I didn't mean to eavesdrop pero nangyari eh, na pintig kasi ang tenga ko sa sinasabi ni L sa kausap niya sa phone. Narinig ko kasi name nyo." Pagpapaliwanag niya pero naguguluhan pa rin ako.
"Paanong narinig mo?"
"Boyfriend ko kasi si L--"
"Anong boyfriend mo!? Sa pagkakaalam ko si Ate IU ang gusto nun!" Tumango naman siya.
"Oo nga siya nga. Ako ang nanligaw dun kay L." Nagulat uli ako sa sinabi niya.
"Ano ba talagang---"
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Novela JuvenilLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!