Byuntae #10

2K 73 5
                                    

D.O's POV

It's been two years. Madami nang nagbago. Merong may girlfriend na, may brokenhearted, may nililigawan, at syempre may nag aantay.

"KAI! Ibalik mo nga yang candy dito! Sadya yang kasama sa decorates!" Sigaw naman ni Lara. Sila na ni Lara. Akalain mo yun?

"IU, gusto mo ikaw ang maglagay ng star sa taas ng Christmas tree?" Hulaan niyo kung sino ang natuloy kay IU? Syempre sino pa ba edi si Baekhyun.

"Tao!! Huwag mong buksan yang mga regalo! Napaka excited mo naman!" Si Kris yan, ang gulo nila ni Tao.

"Gusto ko makita gift mo sa akin eh. Sabi ni Chen panda with Gucci daw. Ingat na ingat mo pa nga daw ibalot eh!" Puno ng excitement ang boses ni Tao. Parang bakla lang. Peace Tao.

"CHEN!" Sa buong bahay narinig ang boses ni Kris. Tumakbo naman agad si Chen at nasagi si Lay.

"Oy oy. Dahan dahan kayo. Masagi niyo tong Christmas Tree." Siya kasi yung nag aayos nun.

"Jessica, tinanggal mo ba yung prices dun sa gift ko sa kanila?" Tumango naman si Jessica. And by the way guys. Jessica is Suho's Girlfriend. Akalain niyo yun!?

"Luto na kaya tong Baozi ko?" Tanong sakin ni Xiumin.

"Oo naman. Lagyan mo ng star dito. Tapos gawa ka din bg panda na ganyan para kay Tao." Nakangiti kong sabi kay Xiumin. Agad naman siyang bumalik sa kusina.

Sino pa ba ang hindi ko nababanggit? Si Chanyeol. Nasan nga ba yun?

"Si Chanyeol?" Tanong ko kay Baekhyun. Busy siya sa pagpupunas ng decorations kasama si Lara. Hmm, baka magselos si IU at Kai ha. Napalingon ako sa nagtatawanan si Kai at IU -,- Ay okay.

"Nasa garden ata." Sagot ni Lara.

"Hindi man lang tumulong." Sabi naman ni Baekhyun.

"Patugtog tayo!! Ano gusto niyo?" Tanong ni Lay.

"First Snow." Sagot ni Tao at Chen. Lumakad na ako, dumiretso na ako sa garden.

"Chanyeol, ano ginagawa mo dito?" Umupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Nag aantay." Hay, hanggan ngayon si Yoo Jung pa din?

"Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ko sa kaniya.

"Kahit kailan hinding hindi ako magsasawa. Wala akong pakealam kung may iba na siya o ano. Basta ako, siya lang." Boy lover here. Psh.

Living With My Byuntae OppasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon