Byuntae #6

2.5K 88 6
                                    

Kim Yoo Jung's POV

Aish, may pasok pa nga pala ako. Kailangan ko isubmit yung permit. As always 'NO' ang naka check dun. Tumayo na ako sa kama at nag punta sa banyo para maligo. After nun nang pababa na ako, inabot na sa akin ni Kuya Suho yung permit nilagay ko nalang agad sa bag.

"Yoo jung, bakit wala kang gana?" Tanong ni Kuya Kris. Umiling lang ako at nginitian siya ng tipid.

"Cause you're hurt right?" Napatingin naman agad ako sa nagsalita. Tss, sino pa ba? Edi si Lara. May mission pa nga pala ako. Kailangan ko siyang obserbahan. 

"Totoo ba yun?" Singit din ni Kuya Chanyeol. Isa pa to. Nakakainis sila. Tumayo na ako kahit di pa ako tapos. 

"Teka. Yoo jung ah!" Aishh, ingay talaga ni Kuya Baek. "Wait! Sasabay ako sayo!" Lumingon agad ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yun. 

"Sasabay ka?" Tumango siya at sinubo na yung sandwich na kinakain niya. 

"Tara na." Tiningnan ko lang siya ng naka kunot ang noo.

"Pshhh, nakain mo?" Iniwan ko na siya dun sa tabihan, tagal e nakikipagtitigan pa.

"Sandwich :D" Napa face palm nalang ako. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. "Ito naman hindi mabiro. Gusto ko lang naman sumabay. Dati kasi lagi tayong sabay nila Chanyeol e." Nako, narinig ko nanaman ang pangalan na yun

"Tss, dati yun. Iba na ngayon." Narinig ko naman siyang nag chuckle kaya tumigil ako at tiningnan siya ng masama.

"Oh bakit? Saka nag iba na nga ngayon." Magsasalita pa sana ako ng may sumigaw sa likudan namin.

"Pasabay ako!" Si Kuya Tao? 

"Ako din!" Si Kuya Chen?

"Waaa! Ako din!" Si Kuya Luhan na ka akbay si Kuya Xiumin. Lahat na sila nakisama. Ang wala nalang ay si Kuya Chanyeol at Laira. 

"Ahm, guys. Kami din?" Sabi ni Lara. Tumango lang si Kuya Baek. Hmm, parang nasisimulan na ata ang mission ko. Di bale na muna, Atleast ngayon kumpleto kami, may epal nga lang.

"So guys! Ano magandang laruin?" Tanong ni Kuya Chen, habang nasaharapan naming lahat, habang naglalakad. Tingnan mo to, ayaw pang maglakad ng ayos patalikod pa eh.

"Gawi, bawi, bo!" Sigaw ni Kuya Sehun

"Umayos ka nga Chen. Nasa kalsada tayo." Sumimangot si Kuya Chen sa sinabi ni Kuya Baek.

"KJ mo Baekhyun," Narinig ko lang ang tawa ni Kuya Kai sa likod. Naramdaman kong umakbay si Kuya Baek sa akin at nilapit sa kaniya. 

Living With My Byuntae OppasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon