Nakaupo ako ngayon sa garden.
Kanina pa ako dito, inisip ko kung paano ko iiwasan si Chanyeol, lalo na't alam kong mangungulit yun at tatanungin ako kung totoo ba 'to. Ewan ko, parang isang araw lang masaya pa kami, tapos ngayon? Gahh.
Patayo na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko, at hinila uli ako paupo. Nilingon ko ito at hindi ko inaasahan na nandon pala siya.
"Cha- Kuya Chanyeol?" Nakatingin siya kanina ng diretso, ngayon naman humarap siya sa akin,
"Ganyan ka ba talaga?" Hindi pa rin niya iniiwas ang tingin niya, pero binitawan niya na ang kamay ko.
"Ha?"
"Ang hilig mo kasing mang-iwan." Hindi ako naka-imik sa sinabi niya. Tama naman kasi siya, ang hilig ko nga naman mang-iwan.
"Huwag kang mag-alala darating din ang karma." Iyon nalang ang nasabi ko, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, magsasalita na sana siya, kaso mas nauna yung nasa likudan namin.
"Ehem! Yoo jung, tara na tulog na tayo." Napalingon ako, si Kuya Baekhyun. Napatingin naman ako kay Chanyeol, nakatungo siya, binitawan niya ang kamay ko at naunang maglakad.
Nakaupo pa rin ako doon, at tiningnan ang aking kamay. Kailan ko kaya mahahawakan uli ang kamay mo? At ano kaya dapat yung sasabihin mo? Tsk.
***
"Yoo jung, aalis ka na agad? Hindi ka ba muna mag aalmusal?" Salubong sa akin ni Kuya Dyo. Umiling lang ako sa kanya, at binaba sa hagdan ang maleta ko. Kasunod ko naman si Kuya Baekhyun, ihahatid niya daw ako sa condo.
"Ayaw niya. Sige, pasabi kay Suho hyung ihahatid ko lang siya." Singit naman ni kuya Baekhyun.
Nang palabas na ako, nakarinig ako ng yabag pababa ng hagdan, pasimple akong sumulyap sa tao na iyon, kasi may hinihintay ako. Kunwari sumulyap ako kay Kuya Baekhyun pero yun talaga ay doon sa taong pababa ng hagdan, tama nga ako, si Chanyeol yun, kanina ko pa siya hinihintay. Pero wala naman akong balak kausapin siya.
Ang totoo niyan, puyat ako kagabi, pati siya. Kasi nag send siya sa akin ng video na nag gigitara habang kumakanta ng Gone Gone Gone ni Phillip Phillips. Pinanuod ko yun magdamag. Mga 1AM yun, medyo naiyak pa nga ako kaya nagising si Kuya Baek, nakahiga siya nun sa couch.
"Yoo Jung!" Napalingon ako sa tumawag.
"Bakit kuya Xiumin?" Tanong ko. May inabot naman siya sa akin na paper bag. "Ano 'to?"
"Pabigay kay Luhan." Tumango nalang ako, inakbayan naman ako ni Kuya Baekhyun, tumingin uli ako ng pasimple sa hagdanan, nakita ko siya nakatingin kay Kuya Baekhyun, sa kamay niya na naka-akbay sa akin.
"Ge, aalis na kami." Humarap na kami sa pinto, at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Novela JuvenilLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!