04.

4.1K 115 39
                                    

I dropped Jace off at his place after we ate dinner before I went home.

"Anak, ginabi ka ngayon ah? Kumain ka na ba?" salubong sa'kin ni mama nang makita ako. Nakaupo siya sa sofa sa salas habang nanonood ng teleserye sa TV.

"Ah, opo ma. Kumain na po ako bago umuwi, dumaan pa kasi akong mall." I smiled at her and went near her to kiss her cheek.

"Oh, sige. Pagod ka ba? Gusto mo ipagtimpla kita ng gatas?" she asked and was about to stand up when I stopped her.

"Okay na po, Ma. Ako na po bahala." Tumango naman siya at nginitian ako pabalik.

Dumiretso muna ako sa kwarto ko para magbihis bago sumilip sa kwarto nila para magpakita kay Papa.

Nakita ko siyang nakahiga na at naghahanda nang matulog.

"Hi, Pa." I called. Napalingon siya sa'kin at ngumiti.

"Nakauwi ka na pala. Nauna na kaming kumain ng mama mo, nagutom na kami eh. Kumain ka na ba, anak?" he asked and I nodded.

I had a short conversation with him before I said good night and went back to my room. Kaagad akong umupo sa may table ko at linabas ang laptop para ituloy ang trabaho ko.

May mga che-checkan pa akong papel bago mag record kaya nag play nalang muna ako ng music.

I was humming along the Taylor Swift song that was playing while checking my students' activities when my phone vibrated. Napalingon ako doon at nakita ang pangalan ni Mindy sa screen na kaka-on lang dahil sa notification.

Binaba ko saglit ang ballpen na hawak at dinampot ang phone para tignan.

@lopezmindy replied to your story

lopezmindy: hoy gaga ka?? sino 'yan?? nagbakasyon lang naman ako tapos may jowa ka na agad?!?!

Napailing ako at natawa.

astraeli: jowa agad? hindi ba p'wedeng naki-friendly dinner lang?? HAHAHAHAHAHA

lopezmindy: si jace 'yan 'no?

Nangunot ang noo ko at nagtaka kung paano niya nalaman. In-open ko ulit 'yung story ko para tignan kung kita ba si Jace pero dibdib niya lang naman, imposibleng makilala niya agad. May mata ba 'to na nakadikit sa'kin?

astraeli: no

lopezmindy: may chicharon sa chao fan mo, may siomai sa lauriat ng kasama mo. ako pa talaga niloko mong gaga ka??

Natawa ako at na-realize na hindi talaga ako makakapagsinungaling sa bestfriend ko kaya inamin ko nalang din na si Jace nga 'yon.

lopezmindy: gagi, nagkabalikan na ba kayo? ang bilis naman, hinay hinay lang! 😭

astaeli: friendly date lang, gaga ka.

lopezmindy: weh? 🤨

astraeli: oo nga, 'wag mo nga muna ako istorbohin. nagche-check pa ako ng mga activity. 😠

lopezmindy reacted 😛 to a message you sent

Checking my students' activities was tiring. Anong oras na ako natapos sa isang section palang ng grade 10, natagalan talaga kasi binasa ko pa isa-isa ang mga essay nila. 300 words kasi ang word count na sinabi ko kaya chineck ko pa kung naka-300 words nga ba sila. May isa pa nga akong nakita, nagsingit ng lyrics ng kanta sa gitna! Akala yata hindi ko binabasa mga pinapasa nila at basta lang chine-checkan.

A week had passed and everything was the same for me. Bukod sa lunch at dinner namin ni Jace, 'di pa kami nagkikita ulit. Not that I'm expecting to see him again, alam ko namang busy siya sa trabaho at gano'n din ako.

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon