06.

3.3K 100 29
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero mas napapadalas ang pagkikita namin ni Jace nitong mga nakalipas na araw. Minsan sa school, sa mall, madalas sa Chowking, at ngayon naman ay sa bahay nila Mindy.

"Teh, bakit parang ang close niyo naman na kaagad bigla?" tanong ni Shiela.

"Oo nga? Hindi ba awkward?" takang tanong din ni Diane na ngumunguya ng chocolate na inuwi ng mag asawa 'nung nag honeymoon sila.

"Bakit naman magiging awakard?" I laughed, glancing at Jace who's laughing with the guys at the other side of the room.

"Siyempre, mag ex na kayo. Tsaka heller, 'di ba medyo magulo break up niyo noon?" umupo sa tabi ko si Tessa at inabutan ako ng wine glass at sinalinan habang hawak ko.

"Hmm, hindi naman. Tsaka madalas nga kami sabay kumain kapag tanghali, 'di naman weird or awkward." I shrugged, sipping on my wine.

"Talaga? Alam mo, may nabasa ako." sumingit si Mindy at nakiagaw sa chocolate na kinakain ni Diane.

"Kapag daw kaya mo pang maging friends with your ex, it's either you still have feelings for him or you never really loved him." aniya.

Napangiwi ako at umiling. "And you actually believe that?"

"Oo naman. Gano'n daw talaga 'yon." she nodded so surely.

"I doubt. Being friends with your ex either means something or nothing at all. As for us, it's maturity, I guess? And come on, we already moved on from the past." I explained and opened a bag of chips.

"Naka-move on na nga ba?" Shiela smiled meaningfully and glanced at the side. Napalingon din ako doon at nagtama ang tingin namin ni Jace. He smiled at me before looking away to continue talking to his friends.

"Of course." I mumbled.

Simula 'nung hapon na napag-usapan namin 'yung tungkol sa love life niya, hindi na namin ulit 'yon brining up. Kahit anong related sa love ay hindi na namin ginawang topic. We just settled with talking about random things aside from that.

"Okay, so dahil indenial ang ating friend, mag change topic nalang tayo. Kawawa naman." ngumisi si Mindy at linabas ang phone niya. Kaagad akong napairap at sumimsim sa wine.

"May one week break kayo sa school, 'di ba?" tanong niya sa'kin.

"Oo, next week magisismula."

"Good. And you guys can do something about your schedules, right?" baling niya sa mga kaibigan. They all nodded.

"Yes! Tuloy ang ating beach vacay next week! I-confirm ko na 'yung resort na binook ko." she cheered happily.

"What? Next week na kaagad 'yon?" I asked and they all nodded.

"Yep, hindi p'wedeng hindi sasama ha! Wala ka namang pasok kaya walang dahilan na hindi ka sasama."

At dahil nga naayos na nila ang lahat ng para sa bakasyon namin, kinabukasan ay nagkayayaan na kaming mag shopping ng mga dadalhin na susuutin.

"Ay, ito oh, Elise! Bagay sa'yo 'to!" nakangiting sabi ni Diane at inabutan ako ng white na two piece. "Tapos ito pa." inabutan niya din ako ng cover up.

I looked at it and nodded. Nagtingin pa ako ng ibang kulay at style at nang makuntento ay inantay nalang sila na matapos ding mamimili.

I bought three different bikinis and two cover ups. Bumili din ako ng summer dresses and tops para kapag magpi-picture kami. We even bought matching sun glasses and flipflops, nagpa-nail salon pa kami.

"Ayan! Matching nails pa tayo oh!" Shiela giggled while looking at her newly painted nails. We all had the same designs and color, it's beach inspired.

The thing about us kasi, we take vacations seriously dahil once lang kada-taon 'to nangyayari. Talagang pinagiipunan namin 'to dahil parang treat na din namin 'to para sa sarili namin.

"Ayan, mga shuta kayo. Wala na akong pera." numiwi si Diane.

"Same." we all said in unison and laughed.

We also went grocery shopping to buy road snacks. After no'n ay nagsi-uwian na kami para makapag empake na.

"Mag ingat ka doon ha? Naku, mabuti naman at makakapag bakasyon ka na. Palagi kang babad sa trabaho eh!" masayang sabi ni Mama habang tinutulungan akong magtupi ng mga dadalhin kong damit.

"Opo nga, Ma. Tagal ko na din hindi nakapag relax."

"Sabi ko naman kasi sa'yo, 'wag mo masyadong pinapagod sarili mo. Tsaka kung kailangan mo ng tulong sa pagche-check ng mga test paper, kaya kang tulungan ni mama diyan!" she merrily said and my heart thumped happily. Napangiti ako at lumapit sa kanya para yumakap.

"Thank you, Ma. Thank you sa inyo ni Papa."

Alas singko palang ng umaga kinabukasan ay nasa labas na ng gate ng bahay namin ang sasakyan nila Zian. Van 'yon, hiniram niya sa parents niya. Siya na din ang driver namin.

"Girl, halika na! Excited na kami, dito ka sa likod oh, ayan, solo mo diyan." Shiela smiled. Tumango naman ako at nakipagbatian sa kanila bago pumirmi sa p'westo. Mag isa ko sa likod which made me happy. Makakahiga ako mamaya sa byahe! Alam din kasi ng mga kaibigan ko na mahilig akong humihiga sa byahe kung pwede kaya taon taon ay mag isa ko sa pwesto sa likod.

"Ay, oo nga pala. May inaya akong kasama ko, okay lang ba?" biglang sabi ni Zian at sinulyapan kami sa rearview mirror ng sasakyan.

"Huh? Sino, babe?" takang tanong ni Mindy na nakaupo sa passenger's seat.

"Susunduin muna natin. Elise, tabi kayo, kung okay lang? Mag isa lang naman siya, wala na din space sa may harap kasi." aniya.

"Sure, okay lang. Maluwang naman dito." I nodded.

Tumingin ako sa labas ng bintana para tignan kung saan kami papunta at agad nangunot ang noo ko nang mag park si Zian sa tapat ng familiar na building.

Bumukas ang pinto ng van kaya napalingon ako doon. And there, I saw Jace.

"Hey, uhm, mind if I join?" he smiled.

"Halla, gagi, of course! Doon oh, tabi kayo ni love mo-ay este ni Elise mo! Ay, mali. Elise lang pala, gagi." Tessa was too quick to answer.

Natatawang sumakay si Jace at agad pumunta dito sa pwesto ko. "Good morning." he greeted me. I smiled and greeted him back.

"Halla, omg. Ang sikip na pala dito. Uhm, Elise? Okay lang ba kung ilagay namin mga bags namin diyan?" Diane asked me. There was a hint of playfullness in her tone pero hindi ko nalang pinansin at tumango nalang.

Dahil medyo may kalakihan ang mga bag nila ay napaisod ako kay Jace kaya halos magdikit na kami sa sulok.

I sighed. I already have a feeling that this is all my friends' plan. Nakita ko pwesto nila kanina, maluwang pa naman! Pinagtri-tripan lang na naman nila ako eh. Humanda talaga 'tong mga 'to sa'kin mamaya!

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon