It's already 1 AM pero hindi talaga ako pinapatulog ng story na 'to. HAHAHAHAHAHA
Okay, seryoso na, tatapusin ko talaga kaagad 'to (legit na 'to, promise). Ang dami ko nang tambak na drafts but this story really makes me want to write so why not? Muhehe. Next time nalang ulit si Chase, sino ba naman siya para unahin. 😭
Anyways, ito na nga. Enjoy, Callunas!<3
. . .
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. Congratulations, you may now kiss the bride." the priest said and my smile widened even more.
After years of being together... countless fights and make ups. Muntik pang maghiwalayan. Who would've thought na sa kasalan din pala ang bagsak?
Parang mapupunit na ang labi ko sa kakangiti habang pinapanood ang dalawang kaibigan sa harap ng altar. I'm too happy for them.
"Congratulations! I love you both!" I almost screamed when the ceremony ended. Kaagad akong yumakap sa kanila at yumakap naman sila pabalik.
"Thank you, Elise. I'm glad you're here." My best friend, Mindy, smiled sincerely.
"Of course naman. Kasal 'to ng best friend ko, hindi ako p'wedeng absent." I chuckled. "And hello? Bride's maid ako kaya present talaga dapat!"
"Oo nga, ang mahal kaya ng binayad ko sa gown mo." singit ni Zian, kaibigan at ngayon ay asawa na ng best friend ko.
"Aba, deserve ko ng mamahaling gown. Tsaka kung makasalita ka diyan, eh siguradong barya nalang naman na sa'yo 'yun." I teased and the three of us laughed.
They had a photoshoot after so I excused myself. Pinalibot ko ang tingin ko sa simbahan at napatingin sa altar. I smiled.
Napatingin ako sa gawi ng kaibigan ko na kasama ang asawa niya na grabe ang ngiti habang nagpi-picture sa labas.
I'm so happy she had a happy ending. An ending I never had. After everything they've been through, they both deserve this.
"Ay, ang ganda naman ng bride's maid na 'to!" my friend, Diane, suddenly caught my attention.
"Girl, matagal ko nang alam 'yan." I flipped my hair and we both laughed. Lumapit kami kay Tessa at Shiela na nagkwe-kwentuhan sa gilid para makigulo. They're also mine and Mindy's friends. Abay sila ngayon at naka-light blue na gown dahil 'yun ang motif. Ako naman ay iba ang kulay at style ng gown, faded blue siya na nagmumukha nang color white at habang off shoulder ang style ng kanila, ang sa'kin naman ay backless.
"Nakakatuwa, kasal na ang isa sa'tin." Shiela giggled. Tumango naman si Tessa at nang magkalapit kami ay umangkla siya sa braso ko.
"Sino na kaya susunod, hmm?" Diane smiled teasingly.
"Ay, hindi pa ako. Taking things slowly palang kami ng bebe ko eh." humagikhik si Shiela.
"Mas lalong hindi ako, busy pa kami both." Tessa shrugged and laughed.
"Hmm, nag iipon palang din kami. Tsaka focus palang kami sa work so," nagkibit balikat si Diane. Nagtinginan naman silang tatlo sa'kin kaya kaagad akong natawa.
"Definitely not me." I shook my head.
"Malamang, sa ating lima kasi, ikaw nalang ang single. Paano ka mag-aasawa niyan?" ngumiwi si Shiela.
"Wala naman akong balak."
"Hay nako, sana mabusog ka kapag nakain mo 'yang mga salita mo." Tessa laughed at me.
"Ay, may chika ako!" agaw pansin ni Diane. Nagtinginan kami sa kanya kaya kaagad siyang nagsalita.
"So 'di ba kanina, muntik akong na-late?" paalala niya, tumang naman kami. "'Nung nasa parking na ako, 'pagbaba ko ng sasakyan. My gosh, nagulat ako kasi may nakita akong multo!" her eyes widened.
"Well, simbahan naman 'to so 'di na ako magugulat kung may lost souls 'man dito." Tessa shrugged.
"Eh, ayun na nga. Hindi siya lost soul." ngumiwi siya.
"Oh? Eh ano?"
"Multo ng nakaraan, mga sis! Nakaraan ni Elise!" she gasped.
"Ha?" nagtatakang tanong ko.
"Nakita ko si ano!" she exclaimed. Napatakip sa bunganga si Shiela at nanlalaki pa ang mata.
"Sinong ano?" naguguluhang tanong ni Tessa
"Si ano ay!" bahagya siyang pinalo ni Diane sa braso.
"Oh my gosh, don't tell me si ano 'yan?" nanlaki na ang mga mata niya.
"Oo, si ano nga!" Diane nodded and the three of them gasped dramatically and looked at me.
Napataas ako ng kilay at matagal silang tinitigan. "'Wag niyo akong tignan ng ganyan, wala akong naintindihan dahil puro kayo 'si ano'." I rolled my eyes.
Although I kind of have a clue about who they're talking about by the way they looked at me, I refuse to belive it's him. Imposibleng siya.
Hanggang sa makarating kami sa reception ay nagkakaguluhan pa'rin silang tatlo at ako naman ay hindi maka-relate dahil hindi ko naman talaga gets kung sino si 'ano' na sinasabi nila.
They tried explaining it to me pero wala silang sinasabing pangalan kung hindi puro si 'ano'. Ewan ko ba sa tatlong 'to kung ano ang trip sa buhay.
The event started kaya natahimik ang mga kasama ko sa lamesa. Linabas ko ang cellphone ko at hinanda ang camera para mag picture. Nagkayayaan pa kaming apat na mag selfie at nakailang ulit pa kami dahil palaging may isang nakapikit.
"Let's all welcome our newly weds, Mr. and Mrs. Lopez!" the host in front said at nasundan 'yon ng palakpakan at ang pagpasok ng bagong kasal. I smiled proudly and took photos of them.
The host announced na magbibigay daw ng messages and mga importanteng tao sa buhay ng dalawa and that includes the four of us kaya mas nagkagulo ang tatlong kasama ko kakaisip kung anong matino daw ang p'wedeng sabihin.
Natawa nalang ako at napailing habang pinapakinggan ang message ng mama ni Mindy sa kanila.
I was called shortly after that kaya kaagad akong tumayo at pumunta sa harap. Nagkatinginan kami ni Mindy at natawa.
"Okay, so how should I start this? Uhm, Congrats! You both already know how happy I am for the both of you and I can't wait to see how you two will handle married life." I laughed. "Zian, thank you for loving my bestfriend. I know how much of a drama queen she is so, thank you sa pagtitiyaga." I chuckled. Ngumuso si Mindy at pabiro akong inirapan bago natawa.
"Take care of her, okay? Mahal na mahal ko 'yan kaya kapag 'yan umiyak, matatamaan ka talaga sa'kin." maangas na sabi ko kaya nagtawanan ang mga bisita.
"And as for you, my dearest best friend. 'Wag mo masyadong pahirapan 'tong asawa mo, ha? 'Nung nakaraan lang eh nagreklamo sa'kin 'yan kasi daw hindi mo siya pinansin 'nung nakalimutan ka niyang batiin ng 'good morning' sa text." pambubuking ko.
Madami pa akong sinabi hanggang sa mag iyakan na kami ng kaibigan ko sa harap. Nang makabalik ako sa upuan ay nakangiting yinakap ako ng tatlo at nag iyakan na naman kami dahil kasal na talaga ang lukaret na si Mindy.
Madami pang nagsalita 'pag katapos ko, kasali ang mga kaibigan namin at akala ko ay huli na ang best man, which is kaibigan ni Zian pero may pahabol pa daw ang host.
"Okay, so bukod sa best man, may isa pa pong kaibigan ang ating groom na kakauwi lang galing ibang bansa! Hmm, taray 'no? Buti nakahabol pa!" the host clapped once.
"Okay, last but not the least, Mr. Sorin Jace!" he exclaimed and my heart went wild.
Nagkagulo ang mga kaibigan ko at si Shiela ay inalog-alog pa ako habang napatulala nalang ako sa lalaking umaakyat na papuntang stage.
He looked slightly different now but I immediately recognized who he was. His jawline became more prominent and his facial features has matured but I'll always recognize those pair of grey eyes.
I blinked twice to see if I was actually seeing him and when our eyes met, I was so close to fainting.
He's here. And I'm not dreaming or hallucinating this time. He really is here.
BINABASA MO ANG
After We Ended
Roman d'amour𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...