Jace was silent when he came back. Pati ngayong nasa library kaming dalawa ay tahimik lang siya na nagtitingin sa mga dating school newspaper at yearbooks sa isang gilid.
I sighed heavily and put a big rock against the door. Sira kasi ang lock kaya hindi mabubuksan mula sa loob kapag naisara.
In-on ko ang mga ilaw dahil medyo madilim at kawawa naman si Jace doon. Pumunta nalang din ako sa pwesto niya at nakisali sa pagtingin sa mga yearbook dati.
Naisip ko tuloy na hanapin 'yung mga yearbook 'nung nag-aaral palang ako dito, sure akong nandito 'yun eh. Nakita pa ng mga estudyante ko 'yung mukha ko noon.
"Anong year na nga ulit tayo sumali sa pageant?" wala sa sarili kong tanong at nang ma-realize ay kaagad na napatakip sa bibig.
"Na-"
"20xx." he answered coldly kaya napatango ako at hinanap nalang ang yearbook 'nung taon na 'yon.
"Ito kaya 'yon?" I mumbled when I found one with the exact year that Jace told me.
I sat on the floor and flipped through it pero wala pa ako sa unang page ay biglang narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya kaagad akong napatayo.
Nahalata yata 'yon ni Jace dahil natigil siya sa pagtitingin sa shlef at liningon ako. "Why?"
Hindi ko siya pinansin at kaagad akong dumiretso sa pinto. "Shit." I murmured when I saw that it was now closed.
Alam kong sira 'yun pero lumapit pa'rin ako para i-check dahil baka sakaling mabuksan ko pa.
"Is everything okay?" tanong ni Jace na sumunod pala.
"We're trapped in here. You can only open the door from outside, hindi ko alam kung sino ang nagsara." I explained. Napabuntong hininga siya at sinubukan din na buksan.
Linabas niya pa ang kamay niya sa bintana para subukang abutin ang knob mula sa labas pero hindi niya maabot.
"I guess we should just wait here. Mamayang recess may mga napapadaan naman dito. Tapusin nalang muna natin 'yung kailangan mong gawin." I told him.
"Anong oras ang recess?"
"3:30." I sighed. It's only 1:45 P.M.
"Do you have your phone?" he asked. Umiling naman ako.
"Iniwan ko sa faculty room. Ikaw?"
"Nasa bag ko na nasa Principal's Office. I only have my camera."
Napatango ako at bumalik nalang sa puwesto namim kanina. Umupo ako sa sulok at sumandal sa isang bookshelf para buklatin nalang ang yearbook na kinuha ko kanina. Si Jace naman ay bumalik na din sa ginagawa.
Tahimik lang ako habang binubuklat ang yearbook. Hinahanap ko talaga ang mukha ko at ng mga kaibigan ko.
I saw Shiela's award winning poem. May kasama pang drawing ni Mindy sa baba.
I smiled widely and checked the page. Tinandaan ko 'yon dahil babalikan ko 'tong yearbook na 'to at pipicturan kapag nakuha ko na ang cellphone ko para ipapakita ko sa kanila.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Jace kaya liningon ko siya. There was still a small space in between us.
"Look what I found." mahinang sabi ko at pinakita ang poem at drawing.
Ngumiti naman siya at linipat ang page. My mouth parted when I saw him, Zian, and Joseph in their basketball jerseys. Kasama nila ang mga teammates nila.
"Ang liit niyo pa dito." tumawa ako habang tinitignan ang mukha nila. He chuckled.
I flipped the page again and saw random pictures during foundation programs and intrams.
"May mga pageant photos kaya dito? Gusto ko makita." mahinang sabi ko habang binubuklat ang libro.
"Here." he said and pointed a page. Napanganga ako at maya-maya ay napangiti.
"Ang liit natin!" na-excite ako bigla habang tinitignan ang ilang pictures 'nung sumali kami sa pageant. May mga nasa stage at suot ang iba't-ibang attire, may mga pictures din habang naghahanda kami.
"We were in green team back then, right?" he asked. Tumango naman ako at binuklat ang sunod na pahina.
Napatigil ako nang makita ang sunod na picture. Mukhang nagulat din si Jace.
Coronation picture na 'yon at malawak ang ngiti namin pareho dahil kami ang nanalo. Sa baba no'n ay picture na tumatawa ako at si Jace naman ay nakangiti habang tinititigan ako, magkahawak pa kami ng kamay. May isa pa sa baba pero picture na 'yun kasama ang ibang mga contestants.
"We look happy there." he mumbled. Napatango naman ako at mahinang bumuntong hininga.
"I still don't understand what happened between us before, Elise." mahinang sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay namamasa na naman ang mga mata ko kaya pumikit ako ng mariin.
"I was really hoping to have a future with you back then. I loved you so much and all I wanted was to be with you. And in those seven years when we were apart, I always couldn't help but wonder, where did it all go wrong?" he asked. Liningon ko siya at nakita kong tinititigan niya ang picture namin.
"Masaya naman tayo noon. But then all of a sudden, biglang nag-iba. Hindi naman tayo nag-away, wala din naman tayong problema. Bigla nalang tayong nagbago. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit." mahininang sabi niya at ngumiti.
"It was my fault." I spoke. "One day, I just thought that I don't love you anymore. I was so certain that I fell out of love. It was just so sudden. But now, I've realized that maybe, I was just emotional that time and didn't think twice about my decisions. Baka pagod lang ako noon." I sighed.
"So you decided to end it?" he asked bitterly kaya napayuko ako at marahang tumango.
"I was so impulsive back then, hindi ko pinag-isipan ng mabuti."
"Napagod din naman ako pero kahit kailan hindi ko naisip na sumuko." mahinang sabi niya at tinitigan ako.
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.
"Ilang beses din naman akong napagod, Elise. Pero kahit kailan hindi ako sumuko. Mahal kita eh."
Napaiwas ako ng tingin. "Pero bakit mo ako binitawan noon? Sabi mo, hindi mo na din ako mahal. Hinayaan mo lang akong hiwalayan ka noon." I told him.
"Kasi sabi mo. Alam mo naman na gagawin ko lahat ng gusto mo." he shrugged.
Tuluyan akong naiyak. All along, it was just me.
"Mahal na mahal kita pero 'nung sinabi mong ayaw mo na, hinayaan kita. I don't want to keep you when you no longer want to be with me. I loved you too much. And maybe, that was the problem. Nasakal ba kita noon, Elise?" he asked.
Humikbi ako at umiling. "Kasalanan ko lahat, Jace. Nagpadalos-dalos ako sa desisyon na akala ko tama. I-I'm sorry."
"It's okay. It's all in the past now." aniya at hinaplos ang balikat
"Galit ka ba sa'kin? Sa ginawa ko noon?" mahinang tanong ko. Kasi ako, oo. Galit ako sa sarili ko.
"I can never get mad at you, Elise." he said assuringly.
"Thank you." I smiled. Tumango naman siya at nag-iwas ng tingin.
"How were you these past few years? Nabanggit ni Mindy noon na may manliligaw ka daw? Ipakilala mo naman sa'kin." he joked but I noticed that his smile looked sad.
"Hmm, I'm not entertaining any. Wala akong pinapayagan na manligaw sa'kin. I just think that love is no longer good for me." I shook my head.
"What do you mean?" mukhang nagtaka siya.
"The last time I had someone who loves me, I took him for granted. I made bad decisions and ended up losing him. I don't think I can ever be capable of loving someone again if it's not him."
Natahimik siya at maya-maya'y napabuntong hininga. Matagal niya akong tinitigan bago siya nagtanong.
"Ako pa'rin ba?"
Napangiti nalang ako ng malungkot at marahang tumango.
"Ikaw naman palagi."
BINABASA MO ANG
After We Ended
Storie d'amore𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...