"Hi, good morning." bati ko sa isang section ng mga grade 10 'nung kumatok ako sa classroom nila.
"Good morning, Ma'am Elise!" they all greeted. Nginitian naman ako ni Ma'am Bia na subject teacher nila.
"P'wede ko ba i-excuse 'yung mga member ng photo journalism? May itatanong lang sana kami. Ma'am, okay pang?" I asked them.
"Go lang, Ma'am." she smiled and nodded. "Mga photo journalist, kausapin daw kayo ni Ma'am niyo." she even announced.
May apat na lumabas kaya pinakausap ko nalang kay Jace dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin.
"Okay, thank you." Jace smiled at them. Sinabi ko naman sa kanila na bumalik na sa loob bago nag paalam sa kanila at sa techer nila.
"I need pictures around the campus and some pictures of your students during classes, recess, lunch break, and dissmisal." he told me.
"Oh, sige lang. Samahan kita." I told him. Naglibot kami sa mga classroom at halos isa-isahin na. Naglibot din kami sa campus habang inaantay na mag recess.
Nagtataka pa'rin ako kung bakit parang inuulit lang namin 'yung ginawa noon pero hindi ko nalang pinansin.
Nang mag recess ay nasa canteen na kami. Nakatayo lang ako sa gilid niya at nginingitian ang mga estudyante ko na napapadaan.
"I'm done here. Let's just wait until lunch break." he told me. Tumango naman ako at linabas ang pitaka na nasa bulsa.
"Bili lang muna ako ng pagkain, nagugutom kasi ako." paalam ko. Tumango naman siya at umupo muna sa isang lamesa.
Fried rice at barbecue ang benta ng canteen ngayon kaya bumili ako ng dalawang bowl ng kanin at apat na barbacue para 'tig-dalawa kami ni Jace.
Buhat ko 'yon habang papunta sa lamesang pinagpuwestuhan niya. "Kain muna tayo, matagal pa ang lunch break." I told him and placed the foods on the table.
"Bili lang ako saglit ng tubig." paalam ko at bumalik sa mismong tindahan ng canteen. Dalawang tubig sana ang bibilhin ko pero nang mapadaan ako sa side na nagtitinda ng palamig at nakitang blue lemonade and benta nila kaya dalawang gano'n nalang.
"Oh, they still sell these?" napangiti si Jace nang ilapag ko ang baso sa harap niya.
Tumango naman ako at umupo sa tapat niya. "Mas mahal na ngayon kasi mas malaki na 'yung baso."
"Oh, uhm, magkano nga pala babayaran ko sa'yo?" tanong niya at akmang kukunin na ang pitaka sa bulsa pero kaagad akong umiling.
"It's on me."
We ate silently. Hindi siya umiimik kaya tumahimik nalang ako.
Naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante ko mula sa table sa likod ni Jace at nang lingunin ko ay nginisian nila ako.
""Yan ba 'yung boyfriend mo, Ma'am?" one even mouthed kaya natawa ako at umiling.
"Hmm? Why are you laughing?" takang tanong ni Jace at uminom sa lemonade niya.
"Ah, nadapa kasi 'yung isa kong estudyante, nakita ko." palusot ko at siya naman ang natawa.
"Tinawanan mo talaga?" he asked, smirking. I shrugged and chuckled.
After eating ay tumambay nalang muna kami sa canteen. Sinabi kasi sa'kin ni Ma'am Lena na 'wag na muna akong magturo ngayong araw, samahan ko nalang daw si Jace. Nagbigay nalang ako kay Cass ng activity na ipapasagot niya para naman may gagawin sila habang wala ako.
I just was on my phone while Jace was looking through his camera.
We stayed there until lunch break came. He took pictures at nang matapos ay bumalik kami sa Principal's office para balitaan si Ma'am Lena.
"Ah, salamat, hijo. Nagpabili na nga pala ako ng tanghalian niyo, antayin niyo nalang dito." she smiled. Tumango naman ako at umupo sa sofa. Kaagad akong tinabihan ni Jace.
"Is the library open?" he asked.
"Sarado yata kasi wala 'yung librarian, pero pu
wede kong hiramin 'yung susi.""Is it okay? May hahanapin lang sana ako, p'wedeng idagdag sa concept ng school news paper." He told me.
"Oh? Ikaw din mage-edit?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango.
"Sideline habang wala pang photoshoots." he shrugged.
"Hmm, sige. Punta tayo mamaya kapag nag start na ang klase, may mga tumatambay kasing grade 10 sa tapat ng library kapag lunch, presko daw kasi."
Sa concrete table malapit sa Principal's Office kami kumain nang dumating ang pinabili ni Ma'am Lena.
We ate silently and when I was done eating and was already fixing my plate, Sir Troy suddenly went up to me.
"Ma'am Elise, busy ka ba?" he asked. Pinunasan ko ng tissue ang bunganga ko at umiling.
"Hindi naman po, Sir. Bakit?" I asked. He scratched his nape and smiled shyly.
"If it's okay with you, ayain sana kitang lumabas this weekend, sa Sabado? Uhm, may lakad ka ba?" straightforward niyang tanong kaya nanlaki ang mga mata ko at biglang napabaling kay Jace na walang imik na tinatabi ang pinagkainan.
"H-Hindi ko sure, eh. Baka lalabas kami ng mga kaibigan ko." sabi ko naman at ngumiti ng alanganin.
"Ah, okay. Okay lang. Kung kailan ka nalang available. Sa Sunday kaya?"
"Uhm, if you don't mind me asking, Sir. Ano ganap, bakit tayo lalabas?" I asked awkwardly.
"I already told you last month, 'di ba? Na I like you and I want to know you more?" paalala niya. Pakiramdam ko ay masasamid ako sa sarili kong laway nang sabihin niya 'yon. Sa harap talaga ni Jace?
"I just want to shoot my shot." he chuckled and shrugged.
"Tignan ko pa kung available ako, Sir." sabi ko nalang para matapos na.
"Sige, Eli. Balitaan mo nalang ako." he smiled at me before walking away.
Napahilot ako sa sentido ko at napapikit. At least I didn't say yes. Madali lang magpalusot.
"Excuse me, CR lang ako." paalam bigla ni Jace at agad na tumayo at umalis sa harap ko.
BINABASA MO ANG
After We Ended
Romance𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...