22.

2.4K 68 35
                                    

"Hi, I'm Jace." narinig kong nagsalita si Jace pero hindi ko nalang siya pinansin at nag focus nalang sa binabasa ko. Next week na naman kasi ang exam kaya nagre-review na kami.

"This is my best friend and future girlfriend, Eli!" he cheerfully said.

"Shh, ingay mo naman." kunot-noong sita ko. Hindi ko maintindihan 'yung binabasa ko dahil nadi-distract ako sa mga sinasabi niya.

"Mamaya ka na kasi mag review, nagde-date pa tayo eh." reklamo niya at inagaw ang notebook ko. Napasimangot tuloy ako.

"Sorin, akin na 'yan." I glared at him.

"Ayaw, Eli ko. Mamaya na 'to, sabay nalang tayong mag review. Hi ka muna sa video, ipo-post ko 'to." Bigla siyang kumaway sa kung saan. Doon ko nalang napansin na nagvi-video pala siya kaya napanguso ako at kumaway nalang din.

"So ganito kasi 'yon." aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Itong si Eli ko, five months ko na siyang liniligawan. Tapos palagi kaming nagde-date. Oh, 'di ba? Tapos 'di katulad sa iba, hindi na Jace ang tawag niya sa'kin. Sorin na! Sorin! At siya lang p'wedeng tatawag sa'kin no'n, huh." malaki ang ngiti niya habang sinasabi 'yun kaya natawa ako.

"Kapag may tumawag sa'yo na Sorin, ano gagawin mo?" I asked.

"Hmm, sabihin ko hindi siya si Eli ko kaya 'wag niya ako tatawaging gano'n." he smiled widley kaya natawa ako.

Kinuha ko ang cellphone niya at pinatay muna. "Eh bakit 'nung tinawag kang Sorin ni Lanah kahapon, hindi mo sinita." sabi ko naman at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Weh? Hindi ko yata narinig?" nangunot ang noo niya.

"Ikaw talaga, hindi mo pinapansin 'yun. Halata naman na may gusto sa'yo." I told him.

"Oh? Tapos?" parang wala lang na tanong niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"'Di ka kinilig? 'Di ka natuwa?" tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya at umiling. "Matutuwa lang naman ako kapag ikaw ang tumawag sa'kin no'n. Hayaan mo, next time kapag narinig ko, sisitahin ko na."

Bumalik kami sa school nang mag 1PM na, 1:30 kasi ang simula ng klase. Madalas na kaming sabay mag tanghalian, kasama namin si Mindy at ang mga kaibigan niya. Pero ngayon kasi, sabi niya, date daw muna kami sa Chowking kaya pinagbigyan ko.

Tahimik akong nakikinig sa subject teacher namin habang nangongopya ng notes nang may kumalabit sa'kin mula sa likod.

"Bakit?" tanong ko sa kaklase ko.

"May extra ballpen ka daw? Nawawala daw kasi 'yung ballpen ni Jace, wala siyang magamit." bulong niya. Napalingon ako sa third column kung saan nakaupo si Jace. He smiled at me hesitantly. Napailing ako at binuksan ang bag ko bago kinuha ang extra ballpen ko para iabot sa kaklase ko.

"Pakiabot nalang, thank you."

Nang matapos kasi ang periodical exam namin ay nagpalitan ulit kami ng upuan. Ngayon ay nasa fourth column na ako, sa pinakaharap. Si Jace naman ay nasa third column, sa second row. Hindi naman gano'n kalayo pero nasanay na din akong katabi ko siya kaya naninibago pa ako. Naaasar pa nga ako kasi si Lanah ang katabi niya ngayon.

Puro tukso tuloy sa'kin si Mindy. Sabi niya, baka daw nagse-selos ako. I mean, selos is a big word so I don't want to say that I'm jelous. Naiinis lang ako. Well, it's obvious that Lanah has a crush on him. Napansin ko na 'yon simula pa 'nung nagpre-prepare kami para sa foundation day at na-confirm ko 'nung nag volunteer siya as partner ni Jace sa pageant. Hindi naman siguro coincidence 'yon, 'di ba?

At pati 'yung pagpapapansin niya sa kapatid ni Jace! Kapag daw may kailangan si Jen, 'wag daw siyang mahihiyang lumapit sa kanya, pwede na daw siyang maging ate niya. Excuse me? Ako kaya nauna!

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon