Hello! Sorry for not updating. May mga hinabol lang akong projects sa school kaya hindi ko pa naharap. :)
. . .
"Jace, pakopya nga ng assignment sa Math. Shuta, hindi ko nagawa!" umagang-umaga ay 'yun ang bungad ko kay Jace. Sumimangot siya kaya tumawa ako at umupo sa tabi niya.
"Sige na, please?" pinagsiklop ko ang mga palad ko at ngumuso.
"Pangit mo." umirap siya at binuksan ang bag niya. Maiinis na sana ako kasi tinawag niya akong pangit pero mukhang papakopyahin na niya ako kaya mamaya ko nalang siya aawayin.
"Thank you!" I cheered when he handed me his notebook.
Tahimik kong kinokopya ang mga sagot niya at siya naman ay inaantay lang akong matapos.
"Sa susunod aralin mo na. Malapit na ang exam, hindi na kita mapapakopyahan." seryosong sabi niya. Nag-angat ako ng tingin.
"Hindi ko nga kasi maintindihan. Turuan mo nalang ako?" I suggested.
Umirap siya kaya natawa ako pero natigil ako nang tumango siya. "Hindi naman ako busy."
Matagal ko siyang tinitigan at inaantay kong sabihin niyang joke lang 'yon pero mukhang seryoso talaga siya.
"Tapusin mo na 'yan, malapit na mag start ang first period." sabi niya at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya kay Joseph at Zian, mga kaibigan niya.
It's been two months since class started. May mga naging kaibigan na siya at kami naman ay medyo close na. Palagi kasi akong nangongopya sa kanya.
"Nakakairita siya, grabe!" napatingin ako kay Mindy na nagdadabog na umupo sa tabi ko.
"Huh? Sino?" tanong ko habang nagsusulat sa notebook ko.
"Si Zian! Naiirita ako sa kanya, ang pangit niya." pagmumuryot niya.
"Crush mo nga siya 'nung grade 8 eh, pinag-awayan niyo pa ni-"
"Manahimik ka nalang." sita niya at tinakpan ang bunganga ko. Natawa ako at tinanggal ang kamay niya at nag focus nalang sa pangongopya habang siya ay bunganga nang bunganga.
Nang dumating si Ma'am ay bumalik na si Mindy sa upuan niya at tumabi na ulit sa'kin si Jace.
"You done?" he asked. Tumango ako at ngumiti bago binalik ang notebook niya.
"Tuturuan mo ako ha? Sinabi mo na, bawal bawiin."
"Hmm, kailan ba?" tanong niya at inayos sa bag ang notebook.
"Bukas? Saturday naman na." I told him. Tumango siya at pinihit ang upuan ko dahil hindi pala nakapantay sa linya.
"Good morning, class." bati ni Ma'am na kakapasok lang. We greeted her back.
"May announcement muna ako bago tayo mag klase." she informed us while connecting her laptop to the TV in front.
Nang maayos na niya ay tumayo siya at may sinulat sa white board.
"I think you all know by now na malapit na ang Foundation Day ng school natin. It will be in two weeks. Each 10th grade class is tasked to have their own booths as a part of the program. Since kayo ang highest sa Junior High, kayo ang naka-assign dito." aniya at tumabi para makita namin ang nasa board.
'38th Foundation Day'
"There are 36 students in this class so I want you to group yourselves by 6 members para makabuo tayo ng 6 groups. Balanced dapat, hindi puro babae or puro lalaki lang sa isang group." she told us.
BINABASA MO ANG
After We Ended
Romance𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...