"Good morning, Ma'am Elise. Kamusta bakasyon?" malawak ang ngiti na sinalubong ako ni Sir Troy. Kaagad ko din siyang nginitian at kinawayan.
"Okay naman, Sir. Nag bonding ako with friends. Ikaw?"
"Oo nga, nakita ko mga post mo sa IG. Ako naman, umuwi sa probinsya namin kasi na-miss ko pamilya ko." aniya.
"Kamusta nga pala 'yung mama mo?" tanong ko. Noon kasi ay nabalitaan naming may cancer pala ang mama niya. Nag-ambagan pa nga kami ng mga faculty members para makatulong sa gastos nila sa operasyon.
"Maayos na, Ma'am. Salamat sa tulong niyo ha?"
"Naku, maliit na bagay lang 'yon. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi 'rin lang tayo?" I smiled widely.
Nang makarating ako sa classroom ay nagkakagulo na ang mga estudyante ko at mukhang nagkwe-kuwentuhan tungkol sa kung ano mga ginawa nila nitong nakaraang linggo.
Hinayaan ko nalang muna sila. Maaga pa naman at matagal din silang hindi nagkita-kita kaya siguradong na-miss din nila ang magkuwentuhan.
"Ma'am Elise, nakita po kita 'nung bakasyon!" biglang sabi ng isa kong estudyante.
"Talaga?" tanong ko at umayos ng upo. Tumango naman siya. Lumipat sila ng mga kaibigan niya sa mga upuan sa harap ng lamesa ko para makipagkuwentuhan.
"Sa Puerto Galera, ma'am. Kasama mo po mga kaibigan mo."
"Ay, oo nga, pumunta kami doon. Pero bakit hindi ka nagpakita sa'kin?" nakangiting tanong ko. Ngumuso siya at mahinang tumawa.
"Lalapit dapat ako, ma'am, kaso po busy ka. Sa island po 'yon, nasa kabilang bangka kami. Tapos 'nung malapit na ako sa'yo, may kausap ka na lalaki. Nagtatawanan pa kayo kaya ayoko manggulo. Laki nga mg ngiti mo, ma'am. Boyfriend mo po ba 'yun?" tuloy-tuloy niyang sabi at nagdagdag pa ng tanong.
Nangunot ang noo ko. "Boyfriend? Kayo talaga." napailing ako, natatawa. "Wala akong boyfriend."
"Friend ko po sa FB 'yung kaibigan mong flight attendant, ma'am. Nakita ko post niya!" biglang lumapit 'yung isang estudyante kong lalaki na mukhang kararating lang.
Umupo siya sa lamesa ng armchair ng isa sa mga kaklase niyang nakaupo sa harap ko at linipat ang bag sa harap niya para saklutin nalang.
"Tapos alam niyo ba, girls? May nakita akong picture ni Ma'am na may katabing lalaki." ngumisi siya.
"Baka si Zian 'yon. Ano ba kayo, asawa 'yun ng kaibigan ko." tunawa ako.
"Hindi, Ma'am. Jace po yata pangalan no'n. Model 'yun eh, nakita ko sa billboard sa EDSA!" he insisted.
"Jace? Jace Castuares?" tanong naman ng isa.
"Oo, 'yun! Crush ng ate ko 'yun eh." ngumiwi 'yung lalaki kong estudyante kaya natawa na naman ako.
"Ay, si Ma'am oh. Tawang-tawa siya eh, oh. Ikaw po ma'am ha, sino 'yun? Boylet mo?" asar nila kaya napanguso ako at umiling.
"Secret lang natin ha?" I whispered. Nagsitanguan naman sila at mas lumapit sa'kin. Halos magsiksikan na sila sa harap ko.
"Ang totoo kasi niyan... time na!" I announced all of a sudden. Mukhang nagulat pa ang mga batang malapit ang mukha sa'kin. "Go back to your proper seats." I crossed my arms and hid a smile when they all looked disappointed. Mga batang 'to talaga, mga chismosa!
I started my lecture a few moments later at nang ma-explain ko na ng maayos ay nagbigay ako ng seatwork.
I was waiting for them to finish when someone suddely knocked at the door. Tumayo ang nasa malapit sa pintuan para buksan at silipin kung sino 'yon.
"Good morning po!" ang nakangiting si Cass ang bumungad sa'min.
"Yes, anak?" tanong ko at naglakad palapit sa kanya.
"Pinapatawag ka po ni Ma'am Lena, kausapin ka daw po. Ako nalang daw po muna ang magbabantay dito." she informed me.
"Huh? Bakit daw?" takang tanong ko at lumabas para maisara ang pintuan.
"Ay, hindi ko din po alam, ma'am. Makikisuyo po yata. May ginagawa po ba kayo?"
"Ay, sakto at tapos na ako mag turo, nagsasagot na sila ng activity." I said and glanced at my wrist watch. "Paki-check niyo nalang after 10 minutes, mag exchange papers nalang sila, kamo. 'Yung answer sheet, nakaipit lang sa laptop ko." bilin ko sa kanya. Kaagad naman siyang tumango.
"Noted po, Ma'am."
Nagpaalam muna ako sa mga estudyante ko at binilinan silang magpakabait bago ako lumabas at naglakad papuntang office ni Ma'am Lena.
On my way there, nakasalubong ko pa si Sir Troy. He smiled at me so I smiled at him, too.
"Pinatawag ka ni Ma'am Lena?" he asked curiously when he noticed where I was heading to.
"Ah, opo, Sir. Hindi ko nga alam kung bakit eh."
My questions were kind of answered when I got there and saw someone siting on the visitor's couch in the office but I shook my head and told myself na baka coincidence lang.
But hell no! Kasi sa ngiti palang ni ma'am Lena nang makita ako ay alam ko na kaagad kung ano ang ibig sabihin.
"Elise, my favorite teacher!" she grinned at me pero napatigil nang may ma-realize. "'Wag mo sasabihin kahit kanino na sinabi ko 'yun ha." pahabol niya kaya mahina akong natawa.
"So, uhm, busy ka ba? Sorry talaga kung ikaw palagi kong ine-excuse ha? Alam ko kasi na magkakilala kayo nitong si Jace eh." she murmured.
"Ah, okay lang po. Ano po ba ang gagawin?" tanong ko at bumaling kay Jace na bahagya akong nginitian. I nodded and smiled a bit before looking back at our principal.
"Ay, nag suggest kasi 'yung photographer na mas damihan 'yung shots ng mga estudyante habang nasa klase. Para na din kasi 'to sa student handbook at school paper. May mga photos na 'yung mga journalist and news writer natin dito sa school pero parang kukulangin kasi." she explained.
"Eh, bakit daw po wala pa 'yung totoong photographer? Bakit siya pa'rin po?" hindi ko mapigilang itanong. Nagkibit balikat lang siya at sinabing baka daw busy.
"Sige, hija ah? May tatapusin pa ako eh. Ikaw na bahala kay Jace, sagot ko na tanghalian niyo mamaya." she smiled at me. Alanganin naman akong tumingin kay Jace na busy sa pagkalikot ng camera.
"Jace, let's go?" tanong ko. Nag angat siya ng tingin at tumango bago tumayo.
I sighed and bit my lower lip. Hindi ko alam kung bakit kailanganpalagi kaming magkasama eh. Hindi ba gets ng universe na hindi kami okay? Ayaw mag move on, gano'n?
BINABASA MO ANG
After We Ended
Romance𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...