"Libre mo nga ako ng Lauriat 'paglabas natin dito. Nagugutom ako."
Nakasimangot na liningon ko si Jace at bahagyang sinipa ang tuhod niya. Kaagad naman siyang napangiwi pero maya-maya'y natawa.
"What? Lauriat lang eh."
"Ako naman ang i-libre mo! Kasalanan mo kung bakit tayo na-lock dito eh." umismid ako at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Huh? Sino ba nahuling pumasok? Ikaw, 'di ba? So it's your fault." bintang niya bigla kaya sinapok ko na siya.
"Napaka-epal mo talaga. Mag Lauriat ka mag-isa mo, sasama nalang ako kay Sir Troy."
"Oh? Really? That's good, para naman hindi ka tatandang kawawa." asar niya pa kaya halos daganan ko na siya habang sinasabunutan.
Luckily, some students saw us stuck inside the library after a while so they immediately opened the door. Papunta daw kasi sila sa banyo pero napansin na nakabukas pala ang ilaw sa library kaya sinilip nila.
Kinukulit ako ni Jace na manlibre pero ayaw ko at hindi ko nalang siya pinapansin, iniirapan pa kung minsan. Tinapos niya ang mga kailangan niyang gawin at picturan bago kami bumalik sa Principal's office. Naabutan namin si Sir Troy doon na mukhang palabas na. Baka may ipinasa lang na papel kay Ma'am Lena.
"Oh, Ma'am. Nakabalik na pala kayo. Tapos na kayo?" he asked when he saw me.
Tumango ako at ngumiti. "Ie-edit at print nalang daw. P'wede na tayo mag distribute next month."
"Mabuti 'yan, Ma'am. Ay, oo nga pala, may gagawin ka ba ngayon? Tapos naman na ang klase. Kain sana tayo? Alam kong sinabi ko na this weekend pero may biglaang meeting pala tayo no'n eh."
Napalingon ako kay Jace na tahimik habang may kinakalikot sa camera niya.
I could at least try, right?
"Sige, sir. Kunin ko lang bag ko." I smiled at him.
Nanlaki ang mga mata niya at mukhang nagulat pa kaya mahina akong natawa at umalis para kunin ang bag sa faculty room.
"Uwi ka na?" tanong ni Jace nang makita ako.
"Hindi pa, punta akong Chowking." pag-iinggit ko.
"Sama ako!" his brows creased at akmang kukunin na ang bag pero pinigilan ko.
"Hindi p'wede, kasama ko si Sir Troy."
"Ah, sige. Uwi nalang ako." pabiro siyang umirap.
"Oo, dapat lang! Doon ka na, tsupi!" pag tataboy ko at inaasar siyang tinulak.
Hindi kami sa Chowking pumunta. 'Nung tinanong ako ni Sir Troy kung saan ko gustong kumain, siyempre sinabi kong sa Chowking. But he said he didn't want to bring me to a 'cheap' restaurant. Medyo nagulat nga ako sa sinabi niya eh. Ang alam ko naman ay kumakain din siya doon minsan. At isa pa, hindi naman sila mayaman para magsabi siya ng gano'n. Pero hinayaan ko nalang.
We ate at a fancy restaurant. Nag offer pa ako na makikihati sa bayad kasi nakakahiya naman, feeling ko mahal ang pagkain dito. Pero sabi niya ay okay lang dahil kakasahod naman daw.
Tahimik akong kumakain, naiilang kasi ako. We're not really that close, hindi ko alam kung ano ang p'wede naming pag-usapan. Siguro kung si Jace ang kasama ko, kanina pa kami nag babardagulan.
Jace na naman.
I suddenly missed him. Dapat yata ay nag Chowking nalang kami no'n.
"Are you okay, Eli?" biglang tanong niya kaya napaangat ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
After We Ended
Romance𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...