20.

2.7K 71 46
                                    

10 more chapters to go before Epilogue!

. . .

Madali lang ang exam namin ngayong Monday dahil nakapag review ako, thanks to Jace. Kinakabahan lang ako para sa Math bukas.

Habang nakasakay kami sa tricycle ay binabasa ko ang nasa index cards na binigay niya 'nung sabado. Papunta kami ngayon ng Chowking para doon nalang kami mag lunch at mag review.

"Naintindihan mo na ba lahat?" tanong niya sa'kin. Ngumuso ako at umiling.

"Medyo naguguluhan pa ako sa iba pero kaya ko naman na siguro bukas kapag inaral ko ngayon. And malaking tulong 'tong reviewer na ginawa mo."

Nang makarating kami sa Chowking ay naghanap lang ako ng bakanteng upuan at umupo, busy pa'rin sa binabasa ko. Nasabi ko naman na kay Jace ang order ko.

"Here's your Siomai Chao Fan." dumating si Jace at linapag ang tray sa lamesa. "Itabi mo muna 'yan, kain muna tayo."

Linagay ko sa bag ko ang index cards at tinulungan siyang ayusin ang mga pagkain namin.

Napatingin ako sa siomai na nasa plato ko at binigyan siya ng isa.

"Thank you."

"Anong 'thank you'? Hindi libre 'yan, pahingi ng chicharon." sabi ko at tinuro ang nasa plato niya. Chicken Lauriat kasi ang kanya kaya may kasamang chicharon, sa'kin wala.

Tumawa siya at linipat ang mga chicharon niya sa plato ko. "Ayaw mo?" I asked him. Umiling siya at sinabing sa'kin nalang daw.

We ate in silence. Ingay lang sa paligid ang naririnig. Napalingon tuloy ako sa kanya para sana kausapin siya pero biglang nagtama ang tingin namin.

He smiled at me.

Kaagad akong napaiwas ng tingin nang may maramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Para akong nakikiliti.

Tumabi na siya sa'kin nang matapos kaming kumain para maturuan na niya ako.

Hindi na ako nahirapan sa exam kinabukasan dahil sa kanya. Naintindihan ko na 'yung pinaka-hate kong subject thanks to his help kaya confident akong nag sagot ng exam.

Foundation day was next kaya ngayon ay kasama ko ang mga ka-grupo ko dito sa bahay nila Jace.

"Okay, complete naman na ang engredients natin, pati equipments. We should start." sabi ni Mindy habang tinitignan ang listahan namin.

"Jace, may water kayo? Nauuhaw ako eh." biglang sabi ni Lanah.

Tumango si Jace at nagpaalam muna na pupuntang kusina. Sakto naman na bumaba si Jen at kaagad akong nakita.

"Ate Elise!" masayang sabi niya at binilisan ang pagbaba. Muntik pang madapa sa hagdan kaya bigla akong napatayo.

"I'm good." tumawa siya at lumapit sa'kin para yumakap. I chickled and hugged her back. Halos magkasingtangkad na pala kami.

"Kapatid nga pala ni Jace, si Jenevive." pakilala ko kay Jen sa mga kaibigan ko.

"Ano meron, ate?" tanong niya sa'kin.

"Para 'to sa booth namin bukas." I told her. Tumango naman siya at kumaway saglit sa mga kaibigan ko bago nagpaalam na pupuntahan ang kiya niya.

Nang makaalis siya ay bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sofa. Si Mindy naman ay kaagad akong inasar, bakit daw kilala na ako ng kapatid ni Jace. Sinabi ko nalang na magkakilala kami 'nung elementary, mas aasarin kasi ako nito kapag nalaman niyang magkasama kaming nag review ni Jace.

The next daw was the first day of our foundation program. Nagkalat ang iba't-ibang mga booth. May mga booths na nagbebenta ng pagkain, may mga booths naman na for fun and games, tulad ng jail booth, confession booth, dedication booth, and all those.

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon