Last na 'to! 'Yung sunod na special chapter, sa published book na. Emz.
Anyways, Happy 1K Reads sa Epilogue! Mas madami pang reads 'yon kaysa sa ibang chapters. HAHAHAHAHA
Mindy's POV
"July 17 bukas."
Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Zian, ang fiancé ko. Napanguso ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Napaisip ako sa sinabi niya at napabuntong hininga nalang. Parang bumalik na naman sa'kin 'yung nangyari 'kila Elise at Jace noon.
"I know, I'm worried about Jace. Alam mo naman 'yun." I sighed heavily. July 17 is their breakup anniversary. And Jace, well, he takes it really emotionally.
I honestly feel bad for him. It's been years since it happened but I know that he never moved on. I don't think he even tried to.
"Puntahan natin siya bukas, babe. Hindi ako matatahimik eh. Baka uminom na naman 'yun maghapon." he sighed. Tumango naman ako kaagad.
"I was actually planning to visit Elise tomorrow, pero sa hapon nalang siguro. Hindi naman na din niya masyadong iniisip 'yung tungkol doon, so I think it's fine." I said.
I think my bestfriend has finally moved on. Si Jace nalang talaga ang hindi pa'rin makalimot. I mean, sino ba naman ang makakalimot kapag gano'n? He loved her so much kaya naiintindihan ko kung bakit even after seven years ay dinadamdam niya pa'rin ang hiwalayan nila.
We woke up early the next day. Five palang yata ng umaga ay nakaligo na kami at kumakain na. Me and Zian live together in a small apartment, nagpapatayo palang kasi kami ng bahay.
Alas sais ng umaga kami nakarating sa condo unit ni Jace. Walang sumasagot 'nung nag door bell kami pero may sariling susi si Zian kaya kaagad kaming nakapasok.
"Babe, baka tulog pa." mahinang sabi ko at linapag ang bag ko sa coffee table sa salas.
He sighed and walked around, looking for his bestfriend. Sumilip siya saglit sa kwarto at kaagad lumabas.
"He's still asleep. Maybe we could cook him breakfast?" he asked. Kaagad naman akong tumango at nagpunta sa kusina.
-
Natapos kaming nagluto at naghahain na nang marinig naming bumukas ang pinto ng kwarto ni Jace. Sabay kaming napalingon doon at nakita siyang nagkukumahog na lumabas at pumunta sa salas.
Mukha siyang may hinahanap kaya nagkatinginan kami ni Zian.
"Jace." tawag niya. Napalingon siya sa'min at nanlaki ang mata.
"Si Elise? Nandiyan ba siya? Nakita niyo ba kung nasaan siya?" he asked.
"Wala, bakit?" umiling ako, nangunot ang noo at nagtataka siyang tinignan. He muttered a curse and went back in his room.
May narinig kaming kumalabog kaya nagkatinginan ulit kami ni Zian bago mabilis na sinundan si Jace.
"S-Sigurado kayo? Nandito siya kanina, Mindy. S-She was here a while ago." his voice broke.
"D-Dito oh, kanina. Tabi kami." he pointed at his bed. He looked so scared, parang batang iniwan ng magulang. I felt so bad. This isn't the first time that this happened.
Napaluha ako nang mapadapa siya sa lapag at humagulgol.
"D-Dito si Eli ko kanina eh. S-Sabi niya balik na daw siya ulit." his voice broke, followed by his sobs.
Kaagad akong lumapit at umupo sa tapat niya para yakapin siya. "Shh, it's okay." I whispered and caressed his back.
I looked back at Zian and saw him staring at his friend. Just like me, he looks so sad and worried.
BINABASA MO ANG
After We Ended
Romans𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen if two exes who didn't end up well, meet again? Astra Elise Monteverde had always believed that love...
