12.

3K 87 37
                                    

Hi, Eli ko. Four years na tayo uy! Hindi ko naman in-expect na aabot tayo sa ganito pero alam mo? Ang saya ko pa'rin. Kasi magkasama tayo hanggang ngayon. Sana palaging ganito, palagi tayong masaya. Sana hindi tayo maghiwalay. Huwag mo 'kong iwan, ha? Promise ko sa'yo, dito lang ako. Unless sabihin mo sa'kin na iwan kita (pero alam ko naman na hindi mo sasabihin 'yon). Love na love kita! Mas love pa kita kaysa sa Chicken Lauriat ng Chowking. Happy Anniversary, mahal ko! To more years with you! I love you!

-Sorin mo. ♡

I sobbed while I read his letter from years ago. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?

Tinanggal ko lahat ng laman ng box. May maliit pang box sa loob at CD na itinabi ko lang saglit. Tumayo ako para kumuha ng pamunas para matanggal ang alikabok at malinis ang kahon.

Nang matapos ako sa takip at sa gilid-gilid ay sinunod ko ang baba pero napatigil ako nang may makitang puting sobre na nakadikit.

My brows furrowed while opening it and inside was a piece of paper with something written on it.

Hindi ko alam kung babasahin mo 'to pero sana oo. Elise, ang sakit mo naman. Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hindi mo ako iiwanan. Bakit ngayon bigla mong sasabihin na hindi mo na ako mahal? May nagawa ba ako na kinagalit mo? Nagtatampo ka ba? Nasaktan ba kita? Sana kasi sinabi mo para alam ko. Hindi 'yung lalayuan mo ako ng ilang araw tapos saktong anniversary natin makikipaghiwalay ka. Hindi mo 'man lang pinatapos 'tong araw na 'to?

Sabi mo pagod ka na. Paano naman ako? P'wede ka naman magpahinga kung gusto mo, aantayin naman kita. Pero kailangan ba talaga natin maghiwalay? 'Di ba nag promise tayo na kahit anong mangyari, tayo pa'rin sa huli? Hindi ka naman sumusunod sa promise eh. :(

With shaking hands, I hugged the paper and continued crying.

"I'm sorry, Sorin ko. S-Sorry." I sobbed harder.

Naguguluhan ako pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili ko. I really made an impulsive decision back then and now, I'm suffering because. I should've thought about it more before. Sana okay pa ang lahat ngayon.

I calmed myself and wiped my tears before looking at the small box. I feel like my heart dropped when I saw a necklace inside of it.

It's a gold chain necklace with a sun pendant that had two tiny diamonds on the side.

I smiled despite the pain. Sorin... it means sun. And I used to call him my Sorin because like the sun, he gives light to my days.

I remembered the CD so I took it out of it's case and stared at it.

'4 years :)'

It was written with a black marker.

I sighed and stood up. I looked for my old DVD and when I found it, I tried to turn it on. It worked, fortunately.

I loaded the CD to see what's inside. It only has one video with the title 'my star'.

I played it and Jace was the first one I saw. Mukhang inaayos ang camera.

"Ay, naka-play na ba?" he asked himself and scratched his nape.

"Hi, Eli ko!" he smiled widely and waved. I found myself smiling back.

"So sure ako, pinapanood mo 'to sa araw ng anniversary natin tapos kakauwi mo lang galing date natin? Hmm, tapos sure akong busog ka pa kasi ikaw umubos ng chicken ko?" he predicted. I ended up sighing and shaking my head. Although I know that he can't see me, I still feel like he's actually in front of me.

"Miss na kita. Tagal nating hindi nagkita, lagi tayong busy eh. Ay, alam mo ba? Nanalo 'yung team namin sa championship ng basketball. 'Yung naganap sa kabilang school? Sayang hindi ka nakapunta. Pero okay lang, alam ko naman na busy ka. Dumaan nga kami sa mall 'nung pauwi na kami para kumain tapos napadaan ako bigla sa jewelry shop 'nung nag banyo ako. May nakita akong kwintas. Ilalagay ko nalang din sa box na gift ko, binili ko 'yun para sa'yo." He giggled cutely.

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon