Tahimik na naghihintay si Mika sa labas ng board room, kinakabahan at hindi mapakali. Ngayon ang araw kung saan mag-uusap ang mga magulang niya kasama ang board ng paaralan, para sa isyung kanyang kinasangkutan.
"Miks relax ka nga lang. para kang kiti-kiti diyang eh." Puna naman ni Kiefer sa kanya.
"Kinakabahan nga ako eh. Paano kapag ma-expel ako? Kief naman hindi pwede yun."
"Kalma nga lang eh. Kaya nga andun yung mama mo eh, para ipagtanggol ka. I'm sure hindi naman aabot dun ang parusa mo. Isa pa, naniniwala naman ako na hindi mo talaga yun magagawa."
"Kayo naniniwala, pero paano na lang yung iba? Kita mo naman na pati ebidensya idinidiin ako eh."
"Tiwala lang okay? Lalabas din kung ano ang totoo."
Palakad-lakad na lang si Mika to and fro, parang tanga lang talaga. Sobrang kabado na kasi siya eh, lalo na't hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari.
"Miks umupo ka na nga lang rito! Ako ang nahihilo sa paglalakad lakad mo eh! Para kang may bulate sa pwet!" utos ni Kiefer sa kanya sabay turo sa tabi nitong upuan.
"Eh sa kinakabahan nga eh!"
"kaya nga umupo ka! Tanggalin natin ang kaba mo!"
Parang tuta, sumunod naman si Mika kay Kiefer.
"Hindi ka pa ba uuwi? Hapon na rin oh." Tanong nito.
"Hihintayin kita."
"Huwag na. baka hinihintay ka na rin ng sundo mo."
"Paano kita maiiwan kung ganito ka? Daig mo pa ang taong pinapaso ang pwet. Hindi ka mapakali."
"Nikakaba nga talaga ako. Ang kulit eh."
"Oh eh di wag mo akong pauwin! Tanggalin natin ang kaba mo!"
"Paano naman aber?"
"Umupo ka muna ng maayos. Para kang hindi babae pag umupo eh."
Umayos naman si Mika ng upo.
"Geh. Inhale exhale." Saad ni Kiefer.
"Ako ba pinaglololoko mo?" kunot noo namang sabi ni Mika.
"Hindi ah. Ang linaw ng sinabi ko. Inhale saka exhale."
"Malamang ginagawa ko na yan! Humihinga nga ako diba? Hindi mo na kailangang iutos pa!"
"Ang pangit pala pag kinakabahan ka noh? Para kang may sanib! Ang galing mong mambara!"
"Eh hindi ka naman kasi nakakatulong eh. Wa effect."
"Ang dami mo kasing satsat eh. Imbes na sumunod na lang. hmp. Bahala ka nga diyan." Patampo effect ni Kiefer.
Nagkibit balikat na lang si Mika.
"Magrelax ka lang kasi." Mahinang sabi ni Kiefer. "Masyado mong iniisip. Paranoid ka na tuloy."
"Paano nga kung worst ang aabutin ko?"
"hindi yan. Kaya nga pinag-uusapan eh di ba?"
"Ewan." Walang ganang sabi ni Mika.
Natahimik na lang ang dalawa. Ilang sandali pa, nagbukas na ang pinto ng board room saka unti unting iniluwa ang mga board members.
Huli namang lumabas ang magulang ni Mika.
"Ma." Tawag ni Mika sa mama niya.
"Aereen." Sabi naman nito at niyakap si Mika.
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...