I - THEY MET

462 7 0
                                    

ONE

THEY MET

It was again a very sunny day. The sun shone like there was no tomorrow. A perfect day to play and enjoy, especially to a young Mika Reyes.

Dala dala ang favorite niyang stuff toy, she went out of their house para maglaro sa labas. It was a happy thing to play, only if she had playmates, but she had none. Hindi niya alam kung bakit, for what reasons, children on her neighborhood are not befriending her. She is a nice kid, a kind one. Marunong siyang magshare. Hindi siya ang tipo ng batang madamot at spoiled brat, unlike what the majority thinks of kapag ang isang anak ay galing sa isang marangyang pamilya.

Yes, they came from a rich family. Well known sila sa lahat. They own different businesses, including resorts ang the like. Kaya minsan, fellow kids doubt to befriend her, thinking that she will just discriminate them. And this made her sad.

All her life, she played alone. Sometimes with her yaya, but mostly alone. Gustong gusto nya ng makakalaro, but no one ever approached her. This made her life lonely.

Dahan dahan niyang pinihit ang lock ng gate nila, at tahimik na lumabas. For the uncountable times she did this, bihasa na siya. Bihasa na siyang tumakas sa bahay nila at maglaro sa labas. Dahil nga sa alam ng kanyang mga magulang na wla naman siyang makakalaro, pinag-stay na lang siya sa loob ng bahay nila which saddened her more. Kaya kahit na bawal, lumalabas pa rin siya. Wala na siyang pakialam kung mahuli soya at mapagalitan, basta makalabas lang siya at ma-enjoy ang paligid, okay na siya.

She went to her favorite place. A place where she can be happy, though she is just alone. Under the cold shade of the old mango tree, she find solace. Ito na ang naging tambayan niya, and she stays here until she can hear her yaya calling out for her name.

Umupo siya sa malambot na damuhang nakapaligid sa puno. Katulad ng dati, mag-isa niyang nilalaro ang kanyang paboritong teddy bear. Bigay ito sa kanya ng kanyang ate Aereen noong nakaraang birthday niya. Kulay pink at green ito, pawang ang kanyang mga paboritong kulay, kaya ito ay labis niyang nagustuhan.

"Paano na yan Yeye, dadalawa na naman tayong naglalaro rito.", pinagsasalita niya ang kanyang laruan.

"Oo nga eh, Pinky, katulad pa rin ng dati. Kailangan na nating masanay."

"Nakakalungkot lang kasi wala tayong kalaro. Bakit kaya noh?", muli nyang pinagsasalita ang laruan na tila ito ay isang buhay na nilalang."

"Hindi ko rin alam Pinky. Nakakalungkot nga, pero wala naman tayong magagawa. Kahit naman tayo na ang lumapit, tayo pa rin ang pinagtatabuyan nila."

Patuloy niyang nilaro ang teddy bear, nililibang ang kanyang sarili. Kahit na ganito't mag-isa lang siyang naglalaro, kahit papano'y nababawasan ang kanyang lungkot.

Ang hindi niya alam sa di kalayuan, may mga batang pinaguusapan siya.

"Bestfriend, nakikita mo ba kung sino ang nakikita ko?", saad ng isa.

"Oo naman. Anong akala mo sa akin bulag. Anong silbi ng mga mata diba?", sagot naman ng isa.

"Oo na. oo na. pasalamat ka nga itinanong ko pa. oh alam mo na ang gagawin ah."

"Haha, oo naman. Tara, huwag ng magpatumpik tumpik pa."

Maglalakad na sana ang dalawa patungo kay Mika ng may biglang nagsalita.

"Kambal, saan na naman kayo pupunta ni Carol?"

"Teka lang kambal. Diayn ka lang at manahimik ka. Maglalaro lang naman kami ni Carol eh. Hindi naman kami lalayo."

"Eh saan nga kayo maglalaro? Bahala ka kambal, kapag ikaw napahamak, tandaan mo, pareho tayong mapapagalitan."

"Doon lang naman oh.", at tinuro niya ang kinaroroonan ni Mika.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon