EPILOGUE

211 8 0
                                    


 


"Aray naman kasi Victonara! Kanina ka pa ah! Ang sakit na ng mga braso ko sa iyo!" himutok ni Cienne kay Vic.

Magmula ng lumitaw si Mika, magmula ng mangyari ang hindi pinakainaasahan ng lahat, hindi na tumigil si Vic sa panghahampas kay Cienne habang ikinukwento niya ang lahat ng nangyari.

"Paano naman kasi! Nakakainis kayo! Paano niyo nagawa ang lahat ng yun!" saad ni Vic.

Nakarating na sila sa kanilang dorm, pero parang hindi pa rin nagsisink-in kay Vic ang lahat ng pinagsasabi ni Cienne.

"Paano namin nagawa? Simple! Magaling kaming lahat! Hahaha, dalang-dala kayo sa set up!" saad ni Cienne na tatawa-tawa.

Ng lumabas sila mula sa korte, sinimulan ng ibunyag ni Cienne ang lahat ng nangyari, ang lahat ng ginawa nila para maisakatuparan ang set up nilang ito. Parang hindi kapani-paniwalang set up lahat dahil parang totoo, ngunit hindi, set-up lang talaga ang lahat ng mga bullies, set-up para mapili ni Mika kung sino sa tatlo ang pinaka-karapat dapat na manalo ng kanyang puso.

Planado ang lahat ng nangyari. Planado nina Cienne at ng ibang mga bulies pwera si Vic ang lahat ng nangyari mula sa pagpunta nila sa bar, hanggang sa nangyari sa korte kanina.

"Eh kasi hindi naman kapani-paniwalang set up lang pala ang lahat ng yun Cienne! Parang totoo!"

"Kasi nga pulido yung pagkaka-plano namin di ba?"

"Umamin ka nga sa akin, yun yung pinag-usapan niyo ni Kim dati noh? Yung ayaw niyong ipaalam sa amin especially sa akin nung araw na late kang umuwi."

"You guessed it right Vic Vic hahaha. And doon namin plinano ang lahat, lahat ng kinwento ko sa iyo."

Umiling na lang si Vic. "Ang galing niyo grabe, ibang klase ang diskarte niyo."

"I know right Vicky."

Napakaraming kinuntsabang tao nina Cienne para maisakatuparan ang lahat. Magmula sa bar, sa ospital, sa libingan, lahat scripted, lahat nakaplano. Lahat ay minanipulate.

"Don't tell me pati yung paglalasing niyo ng sobra scripted niyo rin?"

"Exactly! Syempre kailangan naming gawin yun para mas maging kapani-paniwala, at saka para mag-end up tayo sa condo ni Cha. Even the division kung sino ang pupunta sa condo ni ganito at ganyan at plinano rin namin. And it's a good thing nakisabay pa kayong tatlo sa plano hahaha. Kaya walang kahirap-hirap."

"Tsk. Eh kung plano nga ang lahat, anong tunay na nangyari kay Mika? Bakit nung nilapitan ko siya nung nakahandusay na siya eh malamig na siya? Parang wala na talagang buhay?"

"Well, credits yan dun sa potion nung student na nakilala ko the day na umuwi ako ng late hahaha. Kay Mika namin sinubukan, and it was effective! Di ba Ye?"

Tumango na lang si Mika.

"What? Ginawa niyong tester si daks?"

"Naah, hindi naman tester, kasi sure naman na siyang gumagana yung potion niya, and it surely did hahaha."

"Paano sa ospital?"

"Scripted din yun hahahaha. Acting lang lahat ng incident sa ospital." Saad ni Carol. "In fairness, ganda ng acting dun nina Kim at Cienne hahahaha."

"Hindi na talaga ako makapaniwala sa inyo."

"Hindi mo lang kasi inaakala talagang ganito kami kagaling hahaha."

"Eh sino naman yung nilibing niyo? Yung nakita kong nakalagay sa kabaong?"

"Wax ni Mika hahahaha. Akala mo siya na noh? Ikaw talaga Vic, ang dali mong madala!" saad ni Camille.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon