XIII - TRIUMPH OR TROUBLE

103 6 0
                                    

"Sigurado ka na ba talagang okay lang ito sa iyo Ye?" tanong ni Bhaby kay Mika.

Dalawang araw matapos ang birthday niya, her parents decided na magtravel na pabalik ng US to settle the deal with the investors. Ilang beses naman ng kinakausap ni Bhaby si Mika, asking her kung okay lang talaga, and Mika always says a yes. Hindi rin kasi ito maalis ni Bhaby dahil sa lahat ng anak niya, si Mika ang pinakaclose sa kanya.

"Ma, after ata ng birthday ko wala ka ng ibang tinanong kundi yan. Okay nga lang po ma, ikaw naman. Kulit din po?"

"Eh, sigurado ka na bang you can manage? Kaya mo na ba?"

"Ma, thirteen na po ako, hindi grade one. Kayang kaya ko na po. Isa pa andito naman si Ate at kuya, hindi po nila ako pababayaan. Don't worry about me ma, I'll be alright."

"Hindi ko kasi maiwasang mag-aalala Mika eh."

"Ma, don't worry na nga po, Mika Reyes ata ito. Kaya sige na po ma, go na po. I know how important is that deal with the investors sa US, hindi niyo pwedeng palagpsin yun. Isa pa, andito na po tayo sa airport oh? Ngayon ko pa ba kayo pipigilan?"

"Promise me you'll take care of yourself."

"I'll always will ma, buh, mahal ko ata sarili ko, hindi ko po hahayaan na may mangyaring masama rito."

"Sus, ayan ka na naman sa mga hirit mo eh. Promise mo na lang."

"Sige po ma, pinky promise, I will take care of myself. You have nothing to worry po."

Yumakap naman si Bhaby kay Mika. Matapos magpaalam ni Bhaby, bumaling naman si Mika sa dad nito.

"Dad, thank you nakauwi kayo nung birthday ko. I know sagad na ang thank you na ito pero sobrang salamat po talaga. Sobrang naging masaya po ako."

"Ako rin naman Ye, masaya na napasaya kita. But before I'll forget."

May kinuha ang dad niya sa bag niya. Isang box, saka ibinigay kay Mika.

"Gift ko pala sa iyo."

Gusto namang tumanggi ni Mika, pero inilagay na ito ng dad niya sa palad niya.

"Dad, nag-abala pa kayo. Presence niyo lang sa birthday ko, masaya na ako, tapos ngayon may regalo pa. yung pagpunta niyo nga, regalo na po yun para sa akin."

"Tanggapin mo na lang Ye, huwag na maraming satsat. Hahaha, sana magustuhan mo."

Agad naman itong binuksan ni Mika. Nagulat na lang ito sa laman nito.

"Dad? Susi? Don't tell me—"

"Oo, susi ng kotse yan. Kotse mo."

"Pero dad, hindi ko naman po yun kailangan eh."

"Sa ngayon, pero sooner or later, you'll need that also. Saka to be fair enough, binilhan na rin kita. Ang ate mo meron, pati kuya mo, so dapat ikaw rin."

"Pero dad I think I am too young to own such stuff."

"Anak, you'll have your driver naman eh. Sa iyo lang maipapangalan ang kotse pero you won't drive that pa. isa pa, ako rin ang humiling nito sa dad mo when he told me na he needs my help sa States."

"But why ma?"

"Wala kasing maghahatid sa iyo. Wala kao remember?"

"But kuya Perry is there naman po, si Ate Aereen, meron pa po yung car mo. Okay naman na po yun, saka I can commute naman po eh."

"Para hindi na rin hassle sa mga kapatid mo. Ibinilin kita sa kanila, they had the responsibility to look after you, pero may mga buhay din sila, at ayoko naman na maistorbo yun dahil sa iniwan kong duty sa kanila. Mas ayoko naman na magcommute ka, hindi na nga ako makaalis-alis dahil sa nag-aalala ako sa iyo, tapos gusto mo magcommute ka pa?"

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon