XII - SPROUT FROM AFAR

85 3 0
                                    

Nasa sala sina Mika, ang kanyang ate Aereen at ang kanyang ina, nanonood at nililibang ang sarili habang hinihintay si Perry na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating.

"Aereen, nagrereply ba sa iyo ang kapatid mo?" tanong ni Bhaby habang tinitignan ang phone. "Gabi na hindi pa umuuwi, hindi naman nagpaalam, hindi pa nagrereply ngayon."

"Ma hindi nga rin po eh, nakailang text at tawag na ako sa kanya, hindi naman po niya sinasagot."

Kitang-kita naman ang pag-aalala sa mukha ni Bhaby.

"Naku naman talaga ang batang yun, kasabi sabi na uuwi ng maaga anong oras na wala pa. dala pa man din niya ang kotse niya. Susko, kapag yun lang talaga ay nasira niya, bahala siya. Lagot siya sa dad niyo."

"Ma, mas naging concern pa po ata kayo sa kotse ah." Singit naman ni Mika.

"Haha, hindi naman nak, pero kasi naman, ay, nakakastress ang kuya mo. Hindi nagpapaalam, kaya ayan tuloy lahat tayo rito nag-aalala. Hindi pa sumasagot."

"Relax lang ma, yakang yaka ni Kuya ang sarili niya. Yun pa! hahaha."

"Hay naku pero sana naman magreply siya kahit isa lang, para naman malaman ko na buhay pa naman siya."

Natawa na lang ang magkapatid.

"Ma talaga, ibang klase kapag naii-stress, hahaha."

Tuloy na lang sa panonood ang magkapatid, habang si Bhaby naman, walang patid ang pagtetext kay Perry. As their mom, kahit na gaano kaloko si Perry, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala lalo na't alam niya na maloko talaga si Perry. Naku, baka kung ano ano ng kabalbalan ang ginawa nun.

Minutes passed, wala pa rin Perry. Palalim na ng palalim ang gabi, pero ni anino niya, wala pa, dahil nga gabi. :P

"Mika, Aereen, bakit hindi na lang muna kayo matulog? Alam ko pagod na kayo, ako na lang ang maghihintay kay Perry."

"Ma, kami bang dalawa ni ate ang tinutukoy mo?" tanong naman ni Mika. "Or ako lang? hahaha, pangalan ko kasi yun ma eh."

"Haha, sorry, dapat pala may pause, or binaliktad ko na lang. eh basta, kayong dalawa na yun, ayaw niyo pa bang matulog? Maghihintay pa ba kayo?"

Tumango na lang ang dalawa. Kapwa hindi pa naman inaatok ang mga ito kaya maghihintay na rin lang sila. Isa pa, may inaabangan din si Mika na kung anuman bukod sa pagdating ni Perry.

Matapos ang isang milenyo, isang pihit sa doorknob ang narinig. Dumating na rin ang pinakahihintay nilang si Perry sa wakas.

Sinalubong naman siya ni Bhaby ng magkasalubong na kilay.

"Saan ka galing?" tanong nito.

"Good evening ma! Good evening ate!" masayang bati nito saka lumapit kay Mika at kinurot ang pisngi nito. "Good evening Ye!"

"Good evening? Eh pang good night na ang oras ng dating mo!" sarkastikong saad naman ni Bhaby.

"Haha, ma talaga, ang sungit sungit minsan. Ngayon lang naman ako nalate ng uwi, ng konti lang naman."

"Eh saan ka nga nanggaling? We have been texting ang calling you hindi ka man lang sumasagot. Wala ka pang ipinaalam kanina. Lahat kami dito nag-aalala."

"Eh sorry ma, bigla na lang po kasi eh, kaya hindi ako nakapagpaalam kanina. Tapos hindi ko napansin na lowbat na pala phone ko, hindi ko nacharge kaya eto namatay na, hindi ko na tuloy nasagot ang mga text at tawag niyo. Sorry po."

"Saan ka nga kasi nanggaling? Anong ginawa mo at inabot ka ng ganitong oras?"

Tumabi naman si Perry kay Bhaby na nakaupo sa couch saka umakbay dito.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon