"KAMBAL!!!!" masayang masayang tawag ni Cienne kay camille pagdating nila sa bahay.
"Oh?" walang buhay na tugon naman ni Camille.
"Grabe ka naman. Hindi ako nasabihan na napaaga ata ang semana santa."
Inirapan ni Camile si Cienne. "Fine. Ano nga? Kung makatawag ka naman sa akin akala mo wala ng bukas. Siguraduhin mong maganda iyang ibabalita mo or else."
Hindi na pinatapos pa ni Cienne sa pagsasalita si Camille. "This is a good news okay? A very good news."
"Sabihin mo na. paligoy-ligoy ka pa eh."
"Fine. Excited much kambal? Hmm. Kasi naman, ako lang naman ang gaganap na Belle sa stage play natin sa school!"
"Oh. Eh di good for you! Galingan mo or else, tatawanan kita."
"But wait there's more!!!" ngiting ngiti naman niyang sabi.
"Shoot."
"Si Kiefer yung prinsipe."
Nag-iba agad ang mood ni Camille sa sinabi ni Cienne. "Seryoso?"
"Yes!"
"Exciting yan kambal!"
"Ahuh!!! Destiny na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami!"
"I can't wait for that play."
"Practice na nga namin next week eh. Grabe, I'm so excited!"
"Hmm, ganito, remember this kambal ha. This is your time to impress him. Dapat galingan mo, dapat mapansin ka niya through this, pero hindi sa way na sobrang obvious na may gusto ka sa kanya. Do you get my point?"
"Well understood. Pero dapat kambal lagi kang nandoon ah, baka mapaaway ako kay Mika."
"Bakit? Kasama rin siya roon?"
"Yeep, unfortunately siya yung parang head namin na namamahala sa lahat."
"Oh. I think that's a good game. Hahaha, anyway, oo lagi akong sasama sa mga practices ninyo. Akong bahala kay Mika."
"Thanks sissy! The best ka talaga!"
"We're partners in crime Cienne, remember that."
**************************************************
"Paki sukat na lang po ang mga costumes niyo guys para malaman natin kung may kailangan pang i-adjust."
Agad namang sumunod kay Mika ang iba. Ilang araw na lang foundation na ng school nila, at ipepresent na nila ang matagal na nilang pinagpapaguran. Si Mika as head ay hindi na magkanda-ugaga sa dami ng gagawin niya. Hindi na niya alam pa kung ano ang mga uunahin niya. Simula sa flow ng play hanggang sa costumes at props, siya ang namamahala.
"Miks, okay na lahat ng costumes." Saad naman ng isa.
Tumango na lang si Mika. "Break muna for a while guys then practice na tayo ulit."
Nagsilabas na ang iba sa theatre para kumain at magpahinga. Si Mika naman, sa sobrang busy, hindi na niya maharap pang gawin ang mga ito. Ni wala na siyang oras para sa sarili niya at kung titignan ang ayos niya ngayon, haggard, pawis na pawis at pagod na pagod.
"Kumain ka muna kaya?"
Napatigil naman si Mika sa nagsalita ay may nakitang pagkaing iniaabot sa kanya.
"Marami pa akong kailangang gawin."
"Pwede naman iyan mamaya eh. Sige ka, mamamayat ka niyan."
"hindi iyan. Kaya ko pa."
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfic"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...