"Hindi mo man lang ba ako hihintayin?" tanong ni Kim habang patuloy pa rin na inaabutan si Cienne.
Si Cienne naman, sige lang sa bilis maglakad tulak tulak ang cart nila na may ilang goods nang laman.
"Hoy Cruz! Ano ba! Parang hindi mo ako kasama rito ah!"
Tumigil naman si Cienne matapos ihulog sa cart ang isa pang item na bibilihin nila.
"Bakit, sino ba kasing nagsabi sa iyo na samahan mo ako? Choice mo yan eh, panindigan mo. Alangang ako pa ang maghintay sa iyo? Humabol ka kung gusto mo."
"Tingin mo sa ginagawa ko ngayon hindi pa ako naghahabol? Cienne naman, pagod na pagod na ako. Hindi ka ba pagod na pahirapan ako? Tama na. Nagmumukha na akong tanga kakahabol sa iyo eh."
Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Cienne sa makahulugang pahayag ni Kim. Hindi niya alam kung nagddrama lang ba ito, or may laman na ang lahat ng sinasabi niya.
Tumitig lang siya kay Kim ng ilang sandali then nagbawi rin ng tingin. Wala. Walang ibang kahulugan ang sinabi ni Kim. Nagddrama lang ito at nag-aasumme naman si Cienne.
Tulad ng nakagawian, inirapan na lang niya ulit ito.
"Kung pagod ka na, umuwi ka na. Kaya ko na itong mag-isa."
"Hindi kita kayang iwan, alam mo yan."
Isa na namang makahulugang pahayag ang binitawan ni Kim, kaya hindi na ulit maiwasan pa ni Cienne ang mapaisip. Hindi siya kayang iwan ni Kim? Oh yeah, dahil lagot siya kay Camille. Cienne shook her head.
"Pwede ba Kim, kung wala ka rin lang sasabihin kundi ang pagddrama mo, tumahimik ka na lang okay?"
"Hindi ako nagddrama, seryoso ako."
Napalunok si Cienne. Si Kim? Seryoso? Saan banda? Sa mga double meaning niyang pahayag?
Tinubuan na lang ng kakaibang kaba si Cienne. Hindi niya alam kung bakit, pero para matigil na ang strange niyang nararamdaman, pasimple niyang ipinikit ang mga mata niya, inhaled and exhaled, bago muling binara si Kim.
"Wala akong pakialam kung seryoso ka or nag-iinarte lang. Pero para sa ikapapanatag ng loob mo at sa gratitude kong sinamahan mo ako rito kahit na sobrang ayaw ko, babagalan ko na ang lakad para hindi ka na mapagod kakahabol. Hindi ko kasi alam na ganito ka ka-slow."
At tulad ng sinabi ni Cienne, binagalan na niya ang pace niya para hindi na siya habulin ni Kim na parang aso. Magkasabay na silang naglalakad at kumukuha ng goods mula sa mga shelves.
"Oy Cienne." pigil ni Kim kay Cienne sa pagkuha ng isang item sa shelf. "Ang mahal masyado niyan."
"And so? Parang hindi ka La Sallista ah."
"Walang kinalaman ang pagiging La Sallista rito. Ang mahal niyan oh, bakit yan pa kung meron namang mas mura na kasing quality rin naman niyan."
"Oh, so you mean, nagtitipid ka? Wow ah. Poorita much Kim?"
"Hindi pagiging mahirap ang pagtitipid Cienne. Pagiging responsible ito."
"Whatever ugly Kim Fajardo. When I say ito, ito ang bibilhin natin. Huwag mo nga kaming tipirin! Tsk. Daming satsat, ako pa rin ang masusunod."
"Hindi nga kasi, matuto ka ngang magtipid Cienne, palibhasa spoiled ka eh. Hindi naman ganyan si Cams, I wonder bakit ikaw—"
"Don't you dare compare me to my sister. We may be twins but we're different. We're different in many things. We're good sisters pero wala kang alam sa amin, okay?"
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfic"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...