Loud ring of the alarm clock.
Inabot ni Mika ito with her right hand saka pinatay. She slowly opened her eyes. Antok pa rin ang nararamdaman nito, pero kailangan na niyang gumising. Today is a new day to start. She has early classes, they'll have their trainings, but most of all, today shall be the start of Vic and Kiefer to be officially courting her. The battle for her heart now begins.
She stood up at ibinalik na sa kanyang bedside table ang alarm clock. She was about to enter the bathroom ng biglang hanapin ng kanyang mga mata si Vic. Hindi na niya ito naabutan sa paggising. Ang naabutan na lang niya ay isang cup sa kanyang bedside table. Lumapit siya to see it. Ang specialty ni Vic para sa kanya.
She smiled and read the note that came with it.
"Everyone is born for a reason, to love you is mine."
Kinuha niya yung note at inilagay sa box na pinagtataguan niya. Naligo na rin muna siya bago tuluyang bumaba, dala ang hot chocolate na tinimpla ni Vic para sa kanya.
"Good morning Ye!" Carol greeted her with glee as she steps down on the stairs.
"Morning Carol! Morning kambal! Morning ate Kim. Morning, tomsy." Greetings niya pabalik, with a big smile sa pagbanggit ng tawagan nila ni Vic.
"Woahkay, kapag kay Vic may special na ngiting kasama." Saad ni Cienne saka nagkibit-balikat na lang. "Well wala eh hahaha, dati pa naman."
"At ano naman yang hawak mo Ye?" tanong ni Camille bigla.
"Ah, eto? Ano pa nga ba? Hahaha, Victonara Galang's most delicious hot chocolate ever."
"Ayun, Victonara, one pogi point hahaha." Ani Cienne saka naupo na para kumain.
"Hala Cienney, bilangan talaga noh?" saad ni Vic saka naupo na rin, pero ipinagtulak muna niya si Mika ng chair at pinaunang umupo bago siya naupo.
"Oo hahaha, dami niyo kasi eh, kung hindi sana, eh di hindi na ako magbibilang. Pagiging gentleman? Hahaha, basta yun, second pogi point. Nakakadalawa ka na ngayong araw Vic ah. Push mo yan."
"Paanong hindi eh siya lagi ang kasama? Malamang, maaga yang makakalamang." Angal naman ni Camille.
"Oh eh wala tayong magagawa, akay Vic ang advantage eh, tanggapin na lang hahaha." Dipensa rito ni Kim.
"Tsk, it's unfair, paano na lang si Jeron?" angal muli ni Cienne.
"Woah Cams." Saad ni Carol. "After Cienne quited supporting Jeron, ikaw naman ang pumalit? Wow ah! Magkapatid nga talaga!"
"Luh hahaha, wala lang, trip ko lang eh."
"After what Jeron did kambal, he still got your support? Hala, ni hindi na nga natin alam if Ye would still permit him to court, tapos lakas mo na maka-JeMik?"
"Eh sa bakit ba kambal? Kanya-kanyang trip lang yan. Saka kung makapagsalita ka parang hindi ka die hard JeMik dati ah."
"Dati nga eh, hindi na ngayon dahil sa ginawa niya. Ye doesn't deserve someone like him. Duh."
"Hindi pa naman natin alam ang tunay na story kambal eh. Malay mo, may deeper reason."
"Deeper reason, or alibi kamo? Tsk, kambal, ang linaw linaw, Ye is just a bet for them. Wala ng ibang tunay sa story dun noh."
Patuloy lang na nagtalo ang kambal tungkol kay Jeron, at dahil nagkakainitan na sila, napagpasyahan na ni Mika na gumitna na.
"Twins, awat na please. Parang mag-aaway pa kayo dahil diyan eh. Cienne, Camille, may punto kayo pareho, so please huwag niyo na lang pagtalunan ito."
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...