"Kambal dalian mo! Ikaw na lang hinihintay namin dito!" pasigaw na tawag ni Camille kay Cienne.
Dali-daling bumaba si Cienne mula sa kwarto nito. Sunod niya si Kim.
"Madaling-madali kambal? Ano ba kasing meron huh? Parang biglaan naman ata ang lakad na ito."
"Luh, biglang nag-aya si Ye eh, di ko alam why, pero yaan na natin, at least libre di ba. So, leggo na?"
"Teka, aya ni Ye? Pero asan siya? Si Ara pala?"
"Nauna na sila ni Ara sa restau, kaya dalian na natin kasi naghihintay na sila sa atin dun."
"Woahkay, ano pang hinihintay, eh di tara na!"
Pumunta na rin ang apat sa restau kung saan andun sina Ara at Mika. Ye set a lunch date with them pambawi sa lahat ng breakfast, lunch at dinner na hindi nila ito nakakasama. Palagi kasi siyang ipinagluluto ng mga ito pero dahil sa project niya, hindi na niya nasasamahan ang mga bullies sa pagkain, so this time, it's her moment para bumawi.
Not long after, nakarating na rin ang apat. Tumungo na sila sa pinareserved na table ng dalawa kung saan nandun na sila at nakaupo. Kasalukuyan na ring sini-serve yung food.
"Woah, talagang hinintay kami ah." Bungad ni Kim.
"Naman ate Kim, hindi kami magsisimula rito hangga't hindi tayo kumpleto." Saad ni Mika.
"Ang daming inorder Ye ah, anong meron?" tanong ni Camille saka naupo. "Birthday mo? Hahaha."
"Haha hindi Cams, wala lang, gusto ko lang bumawi sa inyo."
Ipinaghila naman ni Kim si Cienne ng upuan. Pero instead na magpasalamat, pinandilatan na lang ni Cienney si Kim, bully eh, saka ito umupo then upo na rin si Kim.
"Bumawi? Bumawi saan Ye?" tanong ni Cienne pagka-upo.
"Sa mga meals na hindi niyo ako nakakasama. Di ba, you always cook good food for me, para pagsalu-saluhan natin, pero lagi akong wala, kaya ito, babawi ako sa inyo."
"Nuxx, sweet naman ni Ye, pero bakit dito pa, pwede namang magluto na lang ulit tayo sa dorm tapos sabay-sabay na lang kakain, okay na kami dun, di ba guys?"
Tumango naman lahat kay Kim.
"Hahaha, eh ate Kim di ako magaling magluto eh, kaya mas mabuti ng dito na lang, tapos mamaya diresto—"
"Diretso malling! Hahaha." Putol ng lima sa sinasabi ni Mika.
"Pagdating talaga sa ganyan nagkakasundo tayong lahat eh." Kumento ni Camille. "That's why I love your company guys."
"Naman, best bullies are the best forever and ever amen!"
Nagsimula ng kumain ang lahat. Sarap na sarap sila sa mga pagkaing inorder ni Ye. Puro kasi favorite nila ang mga ito. Sing-sarap din ng pagkain nila ang nagiging kwentuhan nila. Mika told a lot about sa project nila, kung paano nia ito pinaghirapan, at kung paano naging maganda ang resulta nun. They talked about many things until sa makarating sila sa bago nilang project ni Jeron.
"What? May bago ka ulit project? So hindi mo na naman kami masasabayan? Gaano katagal yan?" sunod-sunod na tanong ni Cienne.
"Cienney, OA? Isa-isa lang ang tanong hahaha."
"Oh sorry." Apology niya. "So meron ka nga namang bagong project? Sobrang hirap ba ulit?"
"Hmm, hindi naman siguro, depende, saka may kasama naman ulit ako eh."
"Si Jeron na naman?" hula ni Camille
Mika nodded.
"Teka, anong project ba yan at kayo na naman ang magkasama?" this time, si Carol naman na kanina pa nananahimik ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfic"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...