VIII - STEPPING STONE

105 1 0
                                    

"Ano?" hindi naman makapaniwalang tanong ng mama ni Mika sa sinabi nito.

"Sabi ko po ma, I have decided na na sa St. Scholastica na lang po ako mag-aaral."

"Okay na sa iyo na doon mag-aral? Pero hindi ba sinabi mo na-"

"Ma." Putol ni Mika sa mama niya. "Mahabang rason. Bukas na lang po natin pag-usapan. Basta sa ngayon, isa lang ang sigurado, sa St.Scho ako mag-aaral."

Huminga ng malalim ang mama ni Mika. "Okay. Kung yan ang gusto mo, so be it. But we will still talk tomorrow, okay?"

"Yes ma."

"Good night darling."

"Good night po."

Tuluyan ng lumabas ng kwarto ang mama ni Mika. Pagkasara ng pinto, agad na ding nahiga si Mika. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata, pero hindi niya pa rin mapigilang mapaisip sa naging desisyon niya.

Tama nga kaya ito? O nagpadalos-dalos lang siya at nadala sa balita ni Kiefer ng paglipat niya?

She sighed, whatever it is, she has made up her mind. Sa St. Scho na siya, at hindi na magbabago yun.

Tuluyan na ring siyang pumikit at natulog. Night passed, day came. Dahil sa pagod dahil sa party, medyo tinanghali na rin ng gising si Mika. Naalimpungatan na lang siya at narealize na umaga na ng madapuan na ng sinag ng araw ang kanyang mata mula sa bintana.

"Umaga na pala." Bulong nito sa sarili sabay tingin sa clock sa tabi nitong mesa. "Alas nuebe na. hahaha. Lagot ako neto, late na ako nagising."

Agad na siyang bumangon at inayos ang higaan niya. Tumungo na rin siya sa banyo para makapagtootbrush at makapaghilamos, saka ito bumaba.

Nadatnan naman nito ang kanyang ate at kuya na nasa mesa na at handa na para kumain.

"Hinintay niyo talaga ako noh? Natouch naman ako." Biro nito.

"Porket kakain pa lang hinintay ka na agad? Pwede bang nahuli rin lang kami ng gising kaya eto?" pananabla naman ng kanyang kuya Perry. "Feeling mo naman VIP ka Miks. Hahaha."

"Hay nako Perry, ang aga aga niloloko mo si Mika." Saad naman ni Aereen. "Lika na dito Ye, sabay ka na sa amin. Huwag mo ng pansinin ang kuya Perry mo."

"Haha. Talaga naman pong sasabay ako ate. Bahala yang si Kuya."

Pinandilatan naman ito ni Mika saka naupo na sa tabi ng kanyang ate. Kumain na lang sila ng tahimik.

"Oh Miks, bakit hindi ka naimik diyan? Okay ka lang?" tanong ni Perry.

"Hala ka diyan Perry, ikw kasi ang aga aga nambabara ka, ayan tuloy." Ani Aereen.

"Okay lang po ako, ate, kuya." Sagot naman ni Mika. "Haha, wala lang siguro akong maidadaldal."

"Well, kamusta pala ang pag-uusap niyo ni papa kahapon?" tanong ni Aereen.

"Maayos naman ate." Sagot ni Mika. "Binati niya ako, kinamusta, haha, usual lang, saka nagsorry kasi wala na naman siya sa important event na yun sa buhay ko."

"Oh. Intindihin mo na lang si Papa ha, Miks. Para sa atin din naman itong ginagawa niya eh. Don't worry, you have still two more graduations to come, and hopefuly, baka nandito na siya sa mga panahong iyon."

"I know it naman ate Aereen. Naiintindihan ko po si papa. Para sa benefit naman po natin kaya niya ito ginagawa."

Ngumiti na lang ang tatlo.

"Si mama po pala?" tanong naman ni Mika saka hinanap ng mga mata ang mama niya.

"Ah, maagang umalis, nag grocery ata. Alam mo naman si mama, gusto niya siya ang pumipili at bumubili ng mga hinahanda dito sa bahay." Sagot ni Aereen.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon