Tahimik na tinatapos ni Vic ang kanyang mga assignments ng magulat sa biglang padabog na pagsara ng pinto.
Nilingon niya kung sino ang gumawa ng ingay na yun.
"Daks." Saad niya.
Hindi naman mawari ang expression ni Mika habang titig na titig kay Ara.
"Totoo ba?" pagalit na tanong nito.
Halata ang pagkagulo sa utak ni Vic. "Totoo ang alin daks?"
"Totoo ba yung sinasabi nila? Totoo ba na mahal mo ako? Ano huh Ara? Ano ba talaga ako sa iyo?" pataas na ng pataas ang tono ng pananalita ni Mika.
"Daks I can explain."
"Sumagot ka na lang Ara! Ano ba ako sa iyo huh?"
"Daks kita Mika."
"Daks? Eh ano yung sinasabi nila huh? Ano yung narinig ko kanina mula sa mga kaklase mo? Ako, mahal mo?"
"Ye, let me explain."
"So totoo nga?"
"Daks."
"TOTOO NGA!?" sigaw ni Mika to the top of her voice.
Napayuko na lang si Vic. "Oo, oo daks, mahal kita. Mahal kita, di lang bilang kaibigan mo. Mahal kita, gusto kita, daks, sorry."
Mika smirked. "Mahal? Seryoso ka Ara? Hahahaha, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! How come na mahal mo ako? Ara magkaibigan lang tayo."
"Pero daks, hindi ko rin alam, basta naramdaman ko na lang na iba na, na mahal na pala kita, and I'm so sorry sa ganitong paraan mo pa malalaman."
"Naramdaman mo na lang na mahal mo na ako? My goodness Ara, mandiri ka nga sa sinasabi mong mahal mo ako. Pareho tayong babae! Nakakahiya ka!"
"Daks, sorry, di ko sinasadya, pero mahal talaga kita eh."
"Mahal mahal, kadiri ka. Nakakahiya yang nararamdaman mo, immoral, kasalanan. All this time, you've took advantage lang pala sa friendship natin. Akala ko you are a genuine friend, yun pala may black plan. How wicked are you Ara."
"Daks, sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, pero let me explain first. Hindi ko sinasadya, I didn't intend to tke advantage of our friendship. Basta bigla na lang ganito na ako, at hindi ko na mapigil. Daks, huwag ka namang magalit sa akin."
"Enough Ara, wala akong gana makinig sa explanation mo. I can't take it. And please, starting this time, wala ka ng kaibigan. Huwag mo na akong matawag-tawag na daks. I don't want any connection to you anymore, dahil sa tuwing nakikita kita, nadidiri lang ako, pakiramdam ko, I'm close to sin if I'm with you. Wala akong kaibigang katulad mo. Traydor. User."
Pinihit ni Mika ang knob saka lumabas, pero nahigit pa rin ni Vic ang kamay niya.
"Daks."
"Bitawan mo ako."
"Ye."
"Let go of me Ara."
"MIKA!" sigaw ni Vic ng pagkalakas lakas.
"Daks, please."
"YE! YE! Kausapin mo ako!"
"Mika!"
"Vic!"
"Mika! Mika huwag mo akong iiwan!"
"Vic!"
"DAKS! PLEASE!!!"
"VICTONARA!!!!!"
Napabalikwas si Vic sa malakas na pagkakasabi ng pangalan niya.
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...