VI- VENGEANCE

116 2 0
                                    

Kahit ilang buwan na ang nakalipas matapos ang matagumpay na play ng school, hindi pa rin dito makamove on ang karamihan. Bukam-bibig pa rin iyon ng lahat. Bidang-bida pa rin si Mika dahil sa galing na ipinakita niya. Dumami na rin ang kaibigan niya ng dahil dito. Naging sikat siya. Pero batid pa rin niya na ang kasikatang ito ay matatapos din, kaya hindi na lang niya gaanong pinapansin kung marami pa rin walang tigil sa kakapuri sa kanya. Hinahayaan na lang niya ang mga ito, pero masaya na rin siya kahit papano dahil alam niyang kaproud proud ang ginawa niya.

Kung paano siya hindi makamove on ay ganoon din si Cienne. Dalawang araw pagkatapos ng play, gumaling na siya at bumalik ng school. Hindi siya sinisi ng mga kasama niya sa pagkakalagay nila sa alanganin, pero ramdam si Cienne ang discrepancy, lalo na kapag si Mika ang pinupuri nila. Naiinis siya, naiinggit, nanggagalaiti sa tuwing naririnig niya ang mga taong pumupuri sa ginawa ni Mika ng araw na iyon. Those praises are meant to be hers, kaso naagaw ng bigla bigla na lang.

"Kambal okay ka lang ba?" tanong ni Camille kay Cienne dahil hindi na naman maipinta ang mukha nito.

"Nakakainis kasi sila eh, sobra. Kung makapuri kay Mika akala mo nanalo ng Oscars. Tsk."

"Kambal, yun pa rin yung issue mo? Ang tagal na nun ah! See, final exams na natin tapos ikaw andun ka pa rin sa event na yun? Hindi ka ba talaga makakamove on dun?"

"Paanong makaka-move on kung puro naman throwback ang ginagawa ng mga tao hindi ba? Kita mo, ang tagal na nun pero yun pa rin yung topic nila. Kesyo Mika ang galing mo, bagay sayo yung role, yung gown, ang ganda mo, UGHHHHH! Nakakrindi na! ako kasi dapat yun eh! Ako dapat ung sinasabihan ng ang galing, ang ganda, kung hindi lang sana ako nagkasakit AT KUNG pinayagan niyo lang sana ako!"

"Pwede ba Cienne, matagal na iyong tapos! Eh so what kung wala sa iyo ang spotlight ngayon, pwede namang mapasaiyo yun maybe bukas or the other day. Sisikat ka rin yun ay kung gagawa ka ng paraan para tingalain ka rin nila. Kaya instead na mainis at mainggit ka sa mga complements kay Mika, why not make it as a tool and a motivation to strive para kilalanin ka rin nila?"

"What do you mean?"

"Make your own mark on history."

"BY?"

"Well, its up to you on how you'd do that. Ang advise ko lang, move on first."

"Well, before I'll finally move on and make history, I'll get back muna sa Mika na yan for ruining everything. Kailangan numa niyang magbayad sa pang-aagaw na ginawa niya."

"Kambal, your plan doesn't sound as good as you think. Tingin ko ikapapahamak mo na naman iyan."

"Trust me on this kambal. Hindi ko naman siya sasaktan, gagantihan ko lang siya."

"Kambal kung ako sa iyo huwag mo na lang ituloy. Kinakabahan ako sa gagawin mo eh."

"Huwag ka ngang nerbyosin! Sinabi ko naman kasing huwag kang magkakape ayan tuloy."

"Walang kinalaman dito yung kape okay? Yung plano mo ang likas na nakakakaba."

"Huwag ka ng kabahan. Malinis akong maghiganti. Isa pa, kapag sumabit ako, hindi naman kita idadawit eh."

"Hindi mo nga ako idadawit pero ikaw naman yung mapapahamak. Mas lalo naman atang hindi ko papayagan yun."

"I can manage myself kambal okay? Saka hindi ko naman siya sasaktan. Tuturuan ko lang siya ng leksyon not to meddle with Cienne Cruz again. Kaya relax ka lang diyan."

"Cienne, huwag mo ng ituloy please. I'm begging you."

"No one could ever stop me kambal."

Tumayo si Cienne at akmang lalabas na ng tanungin siya ni Camille. "San ka pupunta?"

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon