Balik eskwela na muli ang lahat pagkatapos ng kanilang bakasyon sa Pangasinan. Ang mga bullies ay balik na sa dating buhay na puno ng stress at hindi magkamayaw na mga gawain. Pinagsasabay na muli nila ang kanilang pag-aaral at puspusang training sa pagpasok ng unang season nila sa UAAP.
Lahat ng pahinga at enjoyment ay unti-unti na ulit napapalitan ng pagod, puyat at hirap. Ngunit naiintindihan naman nila ang ganitong set up dahil unang-una, ginusto naman nilang pumasok sa La Salle at maging Lady Spiker, at ikalawa, they enjoy every bit of hardship that becomes their key to success.
Meanwhile, dahil walang nanalo sa plinano nilang larong dapat na tatapos sa lahat, tuloy pa rin ang panliligaw ng tatlo kay Mika. Wala pa ring sumusuko kahit na sino at lahat ay pursigidong patunayan na dapat sa kanila mapupunta ang mahiwagang "oo" ni Mika.
Maagang nagsipasok ang bullies ngayon liban kay Mika. Maya-maya pa ang klase nito kaya minabuti niyang magpaiwan muna sa kanilang dorm para mag-ayos-ayos doon ng kaunti, kesa naman tumambay na lang sa DLSU.
Doon, naglinis siya ng mga kalat. Nagwalis, nagtapon ng basura, naghugas ng mga pinggan. She kept their dorm clean and orderly para maging magandang tignan. At this way, nagagamit niya sa makabuluhang paraan ang oras at hindi na lang basta nasasayang.
Pagkatapos ni Mika sa mga gawain sa dorm, nagready na rin siya para pumasok sa school. She packed her things and prepared herself. After preparing, may kaunting time pa siya para mag-chill chill kaya tumambay na lang siya sa kanilang sala saka nagcellphone.
Ilang sandali pa, sunod-sunod na doorbell ang kanyang narinig.
Agad siyang tumayo upang tignan kung sino ang dumating na bisita.
"Uy best! Mela!" ani Mika pagbukas at pagkarecognize sa dalawa.
"Hi best!"
"Hello Ye!"
Ganting bati naman ng tatlo.
Pinapasok na ni Mika sina Jessey at Mela saka ipinaghanda ng snacks.
"Nabisita kayo?" ani Mika sabay abot sa kanila ng mga pagkain.
"Namiss kita best." Sagot naman ni Jessey.
"Namiss mo ako o namiss mo ang pasalubong ko sa iyo?"
Napangiti na lang si Jessey. "Hmm, grabi ka naman best, pero sort of. Part na rin siguro haha. Teka, asan na nga ba ang mga pasalubong ko?"
"Nasa taas. Hindi ka na talaga nakapaghintay na ihatid ko eh noh. Tsk. Eh ikaw Mela dear, napadalaw ka po? Wala na dito si ate Kim, pumasok na eh."
Sumagot naman si Mela. "Hindi okay lang Ye. Ikaw talaga ang sadya namin ni Jessey dito, saka yung mga pasalubong mo na rin sa akin, yun ay kung meron lang naman. Hahaha."
"Grabi, makakalimutan ba naman kita Mels? Hahaha. Syempre meron pero nasa taas lahat. Later ko na lang kukunin. What's our agenda ba? Bakit bigla na lang atang sinadya niyo ako dito sa dorm namin?"
Nagsikain muna ang tatlo bago itinuloy ang pag-uusap.
"Jessey first." Ani Mela sabay turo kay Jessey.
Jessey just nodded. "Okay."
She then referred to Mika.
"Best, hindi naman masyadong importante yung reason kaya kita binulabog dito. Gusto lang naman kitang kamustahin noh. You know, bestfriend."
"Ah, yeah I see. Thanks best, pero okay lang naman ako haha. Nothing to worry about."
"Sure?" paninigurado ni Jessey.
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fiksi Penggemar"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...