THIRTY TWO
TODAY WAS A FAIRYTALE
"Saan ka galing?" tanong ni Kim kay Cienne na kulang na lang daigin na niya ang nanay nito.
Dumiretso lang naman si Cienne sa pagpasok na parang hindi narinig ang tanong ni Kim. Matapos mailapag ang bag niya, she then reffered to Kim.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. May problema ka ba?" tanong naman nito ng hindi man lang sumasagot na paunang tanong ni Kim.
"Eh ikaw? Bakit ngiting-ngiti ka diyan?"
Nagbawi naman si Cienne ng ngiti sa kanyang mga labi. Oo nga, magmula ng pumasok siya sa kwarto nila, hindi na napawi pa ang abot tengang mga ngiti nito. Pero sa ngayon, binawi niya muna ito at tinarayan si Kim.
"Sabi ko, gusto ko lang na maging close tayo. Pero hindi ibig sabihin nun na pati ang pananabla ko, gagayahin mo na. Okay? Tsk."
"Eh saan ka nga kasi galing at ganyan ang mga ngiti mo?"
"Eh bakit ka nga rin ganyan kung makasimangot? Anong nangyari sa iyo?"
"Ako unang nagtanong okay? Kaya pwede, huwag mo na rin ako ulit sagutin ng tanong. Nagtatanong ng maayos ang tao rito eh."
"Woah, easy lang ate Kim okay? Tsk. Alam mo hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, pero para hindi na madagdagan pa, fine. Galing lang ako sa labas, at masama bang ngumiti? So now, mind to tell kung bakit ka nagkakaganyan?"
"Cienne, hindi ako tanga okay? Alam kong galing ka sa labas. Wala ka nga dito sa loob ng dorm di ba? Eh di malamang nasa labas ka. Pero saan nga sa labas?"
"Teka, teka nga. Bakit ba kasi atat kang malaman. Nanay ba kita? Si Cams nga hindi tinatanong kung saan ako nagpupupunta, then ikaw?"
"Eh di fine! Kung ayaw mong sabihin eh di huwag! Di ko na problema yun. Gusto maki-close pero ayaw namang mag-open up ng mga nangyayari sa kanya. Bahala ka diyan!"
Natahimik si Cienne sandali sa sinabi ni Kim. Natauhan siya. Oo nga, hiling niya na maging close sila parang sina Mika at Vic, but then, eto siya, nagmamatigas magkwento kung saan siya galing. Malayong-malayo ito sa KaRa, na halos lahat ay alam nila when it comes to each other.
"Sorry. Sorry Kim. Galing lang akong mall, kasama si Riri." Matinong sagot ni Cienne at last.
"S-si Riri? NA NAMAN?" ani Kim with matching emphasis sa NA NAMAN.
"Huh? Eh ano namang masama? Saka ngayon ko lang naman ulit siya nakasamang lumabas ever since that game sa San Juan."
"Kayong dalawa lang?"
"Yep. Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman, kaso Cienne, hindi mo pa siya ganun kakilala para sumama na lang sa kanyang lumabas ng ganun na lang. Hindi niyo pa nakikilala ang isa't-isa. Ni hindi mo nga lama kung ano ang motibo niyang Riri na yan sa iyo eh, tapos sasama ka ng lumabas sa kanya ng kayong dalawa."
"Kim, matanda na ako okay? I can handle myself na. oo, recent ko pa lang nakilala si Riri, pero mukha naman siyang mabait eh. She's harmless Kim. Saka paano ko siya lubusang makikilala kung hindi ako lalabas kasama siya? Kim, it's part of knowing each other."
"Oo, alam kong parte yun, but you shouldn't have left alone Cienne. Tulad nga ng sinabi mo, mukha siyang mabait. MUKHA, pero hindi ka pa sigurado. Hindi pa natin nakikita ang tunay niyang kulay. Kaya sana, hindi mo naman ito ginawa."
"Wait lang Kim huh, tunay na kulay? Ni Riri? Bakit, is she something like may super deep and dark secret na kailangan ko munang alamin bago ako magtiwala? Kung makapagsalita ka naman parang kriminal, witch, mangkukulam si Riri dati na hindi ko dapat pakitunguhan. Bakit ikaw, do you know her that much? Para sabihin mo ang mga ganyan sa kanya?"
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...