Bothered na isinara ni Kiefer ang kanyang laptop. Humiga na lang siya sa kanyang kama habang nag-iisip ng malalim. Dumating si Nico at napansin ang pagmumuni-muni niya.
"Ang aga ng Biyernes Santo ah, Ravena."
Kiefer just smirked at Nico at hindi na sumagot pa.
Nilapag ni Nico ang bag niya, then after naupo rin sa kama paharap kay Kiefer.
"Problema mo bro? Bakit dinaig mo pa ang Semana Santa sa aura mo?"
"Wala." Tipid lang na sagot ni Kiefer.
"Eto akala mo kung hindi kami magkaibigan. Ano nga?"
"Wala nga, wala to. Bad mood lang."
"Oh, bakit wala ka sa mood? May nakaaway ka? Tara, gantihan natin."
"Hindi, wala akong kaaway Nico. Di ako palaaway na klase ng tao."
"Oh, eh bakit ka nagkakaganyan? Imposibleng walang dahilan at trip mo na lang?"
"Basta."
"Haha, parang alam ko na ata, si Mika noh? Aysows."
"Tsk."
"Hahaha, bakit? Anong sabi ng bestfriend mo? Nililigawan na nga siya ni Jeron."
"Hindi, wala siyang sinabi. Hindi ko pa siya nakakausap."
"Kaya ka nagkakaganyan? Hahaha, malay mo nga, she's just getting even with you, kasi ganyan ka rin sa kanya noon."
"Kaibigan ba kita or ano?"
"Haha, joke lang, so ano nga?"
"Ayun nga, hindi ko na rin siya tinanong about kay Jeron, kasi ramdam ko naman sa mga tweet at post niya na nililigawan na siya eh."
"Oh? May bagong tweet? Si Mika or si Jeron?"
"Si Mika. Ugh, tanga ko kasi bakit ko pa ini-stalk, ayan tuloy."
"Ayan tuloy nasaktan hahaha. Ano ba kasing sabi sa tweet?"
"Mag-sign in ka na lang kaya para malaman mo, at hindi mo na ako tanungin pa?"
"Haha, chill, sorry. Sige, I'll sign in and stalk her hahaha. Matignan nga."
Ginawa nga ni Nico ang sinabi ni Kiefer, and upon signing in, punta agad siya sa account ni Mika. There, nakita niya ang mga tweets ni Mika, yung mga note kasi na natatanggap niya araw-araw, sini-share niya sa twitter, para hindi lang siya ang kilig vibes. Ang hindi alam ng dalawa, hindi talaga ito nanggagaling kay Jeron. But since akala nila, there goes Kiefer, greatly bothered and affected.
"Grabe bro, ibang klase tong si Jeron, in fairness, nakakakilig itong mga hirit niya."
"Pwede ba Nico kapag pupurihin mo rin lang ang panliligaw niya itigil mo na. Hindi ako interesadong makinig."
Nico smirked and cast an evil smile. Ilang sandali pa, binasa na niya ang ilan sa mga tweets ni Mika.
"@mikareyesss You are my life, you are my breath, you are my inspiration and you are the love of my life." Malakas na basa ni Nico.
"Isa Nico, itigil mo na yan." Saway sa kanya ni Kiefer, pero dahil dito, lalo siyang ginanahan magbasa.
"@mikareyesss Why is it that I have to climb mountains to get your heart? When you only have to smile to get mine?" basa muli ni Nico. "Ang sweet naman pala ng Teng na ito eh."
"Nico, tama na pwede. Tahimik ka na lang na magbasa, kakarindi ng boses mo."
Nico just smirked then cast an evil smile. Maasar nga niya si Kiefer.
![](https://img.wattpad.com/cover/20329294-288-k607516.jpg)
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...