XXXVIII - EXECUTION

92 5 2
                                    


Halo-halong emosyon ang bumabalot sa dorm ng mga bullies ngayong araw. Magkakahalong kaba at saya ang nadarama ng bawat isa. May mga hindi magkanda-ugaga sa excitement, habang ang iba may hindi maipinta ang mukha sa sobrang kaba.

Halos nasa kanya-kanyang kwarto muna ang lahat at ayaw lumabas. Nakakain na sila, nakaligo at handang-handa na para pumasok, but for some reasons, parang may nagtutulak sa kanilang mamaya na lang muna umalis for school. It maybe the tension, the pressure, o ang kaba dala ng isang katotohanang mangyayari ngayong araw.

This day, malalaman na ng mga bullies at ng buong studentry ng La Salle ang bunga ng kanilang pinaghirapan sa loob ng isang semester ng pag-aaral. Ngayong araw irerelease ang kanilang mga gradong nakamit in their first semester studying at De La Salle. Kung kaya't hindi na lang mapagsidlan ang mga nararamdaman ng lahat lalo na ng mga bullies. May kinakabahan, may exicted, at lahat lahat na.

Hindi excused sa ganitong pakiramdam si Vic na halatang aborido sa kanyang mga grades. Si Mika naman, chill chill lang at sobrang excited na makita ang mga ito, kaya kanina pa niya kinukulit ang aboridong si Vic na sila ay dapat ng umalis at magpunta na sa La Salle.

"Tomsy ano ba kasing ikinakakaba mo? Tara na! Baka tayong dalawa na lang ang hinihintay nung apat sa baba."

"Yung grades ko mismo! Dun ako kinakabahan daks! Ayoko pang umalis. Ayoko na lang palang umalis. Hindi ko na lang yun titignan, pwede naman di ba? Di ba?"

Umiling si Mika. "Anong hindi mo titignan? Hindi pwede! Kailangan mong makita yun tomsy! Today is your first card giving day in life as a La Sallian. Papalampasin mo ba naman yun?"

"Oo, kasi hindi ko na gustong makita yung mga grades ko."

"Bakit nga kasi hindi mo gustong makita? Hindi ka naman lalamunin ng mga yun eh! Saka pinaghirapan mo yun, ayaw mo man lang tignan?"

"Lalamunin ako nun. Lalamunin ako sa labis na kahihiyan dahil mababa. Daks ayoko, ayoko na lang makita."

"What made you think naman kasi na mababa? Like duh, ang talino mo kaya tomsy, kaya dali na tara na tumayo ka na diyan."

"Ayoko daks. Hindi ako matalino. Ramdam na ramdam ko, mababa yun daks. Mababa. At hindi ko kayang makita ang reaksyon sa akin ng mga classmates ko once na nalaman nila yun. Alam mo naman sila daks, di ba? I can't stand their eyes on me."

"Ayun naman pala, kaya ayaw makita at natatakot eh, kasi natatakot sa sasabihin ng iba. Eh so what kapag mababa ka? Anong paki nila? At least alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat para sa grade na yun. Pinagtrabahuhan mo ang gradong yun sa marangal at malinis na paraan, so you should be proud of it. Saka bakit kasi ang nega nega mo mag-isip? Tomsy, I know you. Hindi mo naman hahayaan ang grades mong bumagsak di ba? So why bother?"

"Kasi nga kapag bumagsak ako hindi na ako pwedeng maging Lady Spiker."

"Eh sa hindi ka nga bagsak. Ang kulit naman tomsy eh. Tumayo ka na lang diyan at tara na. Sabay nating titignan ang mga grades. If ever mang may lumait sa iyo, humanda sila sa akin, spike ko mukha nila. Tayo na!"

Hinila na ni Mika si Vic patayo at palabas ng kanilang room. Meanwhile, kung nahirapan si Mika na pilitin si Vic na pumasok na, sina Kim at Cienne naman ay parehong excited na pumunta ng La Salle, at walang humpay pang nag-aasaran tungkol sa mga grades na pwede nilang matanggap.

"Kim dalian mo kasi. Kanina ka pa sintas ng sintas diyan hindi ka naman natatapos. Magtsinelas ka na lang kaya?" inis na saad ni Cienne na nabuburyong na kakahintay kay Kim.

"Loka. Hindi ako papapasukin ng nakatsinelas. Saka bakit kasi hinihintay mo ako? Mauna ka na kung gusto mo." Dipensa ni Kim.

Binigyan naman siya ni Cienne ng makahulugang tingin, na agad din namang naintindihan ni Kim.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon