XXXIX - HIDING

79 6 0
                                    


Nawala ang tama ng mga ininom ng mga bullies sa bar ng malaman ang nakagigimbal na balita. Ang kaninang mga parang tulog na mantikang sina Camille at Carol ay daling nagpunta sa ospital matapos malaman ang nangyari sa kaibigan. Ang apat ay naghihintay doon ng balita, ilang minuto matapos ipasok si Mika sa emergency room. Walang patid ang kanilang pagluha, lalo na si Cienne na siya mismong nakasaksi sa nangyaring ito kay Mika.

Ilang sandali pa dumating na sa ospital sina Bhaby at Perry, at ng makita sila ni Cienne ay lalo itong napaiyak. Marahil ito ay sa dahilang wala siyang mukhang maiharap sa kanila dahil sa nangyari kay Mika, dahil sa hindi nito naprotektahan ang kaibigan. Wala siyang nagawa para kay Mika, wala siyang nagawa upang pigilan ang tatlong gawin iyon kay Mika, wala siyang nagawa upang iligtas ito.

"Asan si Mika? Anong nangyari sa kanya?" maluha-luhang tanong ni Bhaby matapos makalapit sa apat na umiiyak na bullies.

"T-tita." Ang tanging nasagot na lang ni Cienne saka napaiyak na naman ito lalo. Napayuko na lang ito ng kanyang ulo habang niyakap siya ni Camille.

"Bakit ganyan kayo kung makaiyak?" parang nag-eencourage na saad ni Bhaby para mabuhayan ng loob ang mga bullies. "Hindi naman malala si Mika di ba? Hindi niya tayo iiwan, hindi."

Pero matapos ang ilang sandali ay bumigay na rin si Bhaby at napaiyak na rin.

"Tita kritikal si Mika." Saad ni Kim after. "W-wala na siyang hininga nung nadala namin siya rito. Wala ng pulso, wala ng tibok ng puso, wala na."

Tumulo muli ang mga luha sa pahayag ni Kim.

"Huwag mong sabihin iyan Kim, mabubuhay pa si Mika. Babalik ang vital signs niya, alam ko yun. She's a fighter, alam ko hindi siya susuko, not in here. She'll survive."

Niyakap na lang ni Bhaby ang mga bullies na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Ng medyo kumalma na sila, sakto namang paglabas ng doktor mula sa emergency room. Bumalik sa kanila ang kaba, ang lungkot, halo-halong mga emosyon. Hindi nila alam kung anong balita ang dala ng doktor sa kanyang paglabas, kung maganda ba o hindi, pero labis silang umaasa sa sasabihin nitong stable na si Mika.

Ngunit hindi.

Taliwas sa kanilang inaasahan ang kanilang narinig.

Namayani ang lungkot at sakit sa mga bullies, at muling pumatak ang mga luha mula sa mga mata ng lahat.

Paulit-ulit na naglalaro sa kanilang isipan ang mga salitang binitawan ng doktor.

Paulit-ulit itong nagdadala ng sakit sa kanilang puso.

"We did our best, pero siya mismo ay sumuko na. We're very sorry. Time of death, 4:53 AM. "

"Time of death..."

"Time of death..."

"Time of death..."

"Time of death..."

Parang namanhid ang lahat sa narinig, hindi makapaniwala. Parang tumigil ang paggalawa ang oras. Hindi, hindi pwede. Hindi nila kayang tanggapin ang narinig. Hindi pwedeng mawala si Mika. Hindi siya pwedeng mawala ng ganun ganun na lang. Hindi sa isang iglap ay mawawalan sila ng isang napakabuting kaibigan.

"Hindi. Hindi doc, hindi kami naniniwala sa sinabi niyo. Si Mika? Hindi sumusuko yan, alam ko buhay pa siya doc, gawan niyo ulit ng paraan." Halos nagsusumamong saad ni Bhaby sa doctor. "Hindi pwedeng mawala ang anak ko, hindi pwede, buhayin niyo siya!"

Umiling na lang ang doktor senyales na wala na silang magagawa, at napaupo na lang doon si Bhaby, tumatangis, hindi matanggap ang naging kapalaran ng anak.

KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon