Madaling-madali si Mika papalabas ng kaniyang school. Kanina pa naghihintay si Bhaby sa kanya.
"Ma." Sabi nito sabay hingal. "Sorry to keep you waiting."
"It's alright dear. Ano ba kasing ginawa mo pa?"
"I had just this sort of group assignment to finish. Mantakin mo ba naman ma, kay hirap hirap tapos gusto ng subject teacher namin ngayon na ipasa. Edi wow!"
"Hay naku Miks, simula pa lang iyan, marami pa ang mas lalala diyan. Anyway, sakay na, kanina ka pa hinihintay nina Perry at Aereen doon."
Agad namang sumakay si Mika at nagdrive na ang kanyang ina pauwi.
"Mabuti na lang po weekends bukas. Maloloka na ako sa dami ng trabaho. Hindi na po ata maputol putol."
"That is high school life Mika, hindi na pwede ang pa easy easy. Kung dati pwede niyo pang bola bolahin ang mga teachers niyo para sa extension ng isang project, ngayon, hindi na. kapag sinabi nila, sinabi nila."
"Hay, magkakawrinkles ata ako rito ma." Tudyo ni Mika. "Pero okay lang, kaya ko ito."
"Yeah. Alam naman naming kayang-kaya mo iyan dear. Ikaw pa. Ang kuya Perry mo nga rin eh, ang daming mga hinaing, natatawa na lang ako."
"Oh? Talaga po? Ano naman po mga pinagsasasabi niya?"
"Kesyo ang sungit daw nung mga professors niya, ang strikto, terror, haha, lahat na ata ng nakakatakot na salita eh. Kulang na lang idescribe niya ang mga ito na nightmare."
"Si kuya talaga, parang hindi college oh. I'm sure pinagdaanan niya rin iyan sa high school noon."
"Oo nga eh. Mabuti na lang kamo andiyan ang ate Aereen mo. Ayun, medyo naliliwanagan naman siya, konti konti na lang kung magreklamo."
Patuloy nilang binagtas ang daan pauwi until finally, they reached home.
After maipark nung sasakyan, agad ng bumaba si Mika at pumasok sa loob. Malugod naman siyang sinalubong ng kanyang ate at kuya.
"How did our sweetie's day go? Bakit ngayon lang kayo ni mommy?"
"It's a long story to explain ate."
"Mika, you change clothes first, para makakain na tayo. Saka na tayo magkwentuhan mamaya." Utos ni Bhaby.
Tumango na lang si Mika at sumunod. Hindi nagtagal, bumaba na siya at nagsimula na silang kumain.
"Oh Mika, share na dali, bakit ka ginabi?" tanong ni Perry habang naglalagay ng kanin sa plato.
"Kasi nga po kuya, may group work kami, and it is really very difficult, tapos ang gusto ng teacher within this day ipapasa, my goodness, syempre kailangan talaga naming madaliing tapusin!" sagot naman ni Mika.
"Anong klaseng group work ba yun Miks?" tanong naman ni Aereen.
"Compilation of ancient civilizations po ate Aereen." Sagot naman ni Mika tapos subo ng kanyang pagkain.
"Ancient civilizations?" ani Perry. "yun ba yung mga Sumerians, Babylonians, hittites ganun?"
"Got it right Kuya, pero yung hindi lang sa Asia, pati sa Africa saka sa America, kaya ayun, inabot kami ng siyam siyam."
"San naman kayo kumuha ng mga information?" tanong ulit ni Aereen.
"Sa library po, mabuti na lang at maraming libro dun. We also surfed the internet, para mas marami pang data. Natagalan lang talaga kami sa pagtatype kasi puno yung computer lab, then sa library yung limang dsktop isa lang yung na-occupy namin. Ayun, ang tagal tuloy naming natapos."
BINABASA MO ANG
KAPARES NI TRES (the battle for the Taft Tower's heart)
Fanfiction"Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kapag dalawa ang mahal mo, paglabanin mo. Matira matibay kamo." Oh, natawa ka sa quote hindi ba? Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang isa ang nagmamahal sa iyo, hindi rin lang dalawa, kun...