Forbidden Life Choices : #8

373 12 1
                                    


STELLE CANONIZADO

Pagdating namin sa Bangui, madaming sumalubong. Halos hindi makapasok ang sasakyan sa sobrang daming tao. May hawak hawak na cellphone, payong at mga banners.

Mas malala pa ang dami ng tao dito kesa sa Sarrat.

"Andaming tao," Sabi ni Sandro habang nakatingin sa bintana ng van na sinasakyan namin.

"Kaya pala parang walang tao sa Windmill farm, andito sila lahat" sabi naman ni Gov. Matthew.

Oo tama siya, napansin ko ding walang masyadong tao kanina sa Windmills, saka halatang dayuhan yung iba, may suot pang sumbrerong pang-beach.

Mabagal ang usad nang sasakyan dahil halos lahat ng tao nakaharang sa daanan, meron ding sumisilip sa bintana nang van na sinasakyan namin.

I'm glad that the windows are tinted. Hindi kami gaanong maaaninag ng mga nasa labas, pero itong mga sumisilip, ang lakas ng loob.

Tumigil ang van hindi kalayuan sa covered court ng brgy. Plaza. Wala na kaming choice kundi bumaba dahil hindi na makapasok pa ang van duon banda.

Pagbukas nang pintuan ay sabay sabay silang nagsitilian lahat. Nagtutulakan din sila sa harapan ng van kaya hindi pa kami makababa, kulang nalang sumakay sila eh.

Pababa na sana ako dahil ako ang nakaupo sa malapit sa pintuan, pero bigla akong napatigil nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino yon dahil baka isa lang kila Jem Nicole at Jane ang humawak pero mali ako.

Si Sandro.

I looked at him and he's already glaring at me, narinig ko namang nagfake cough isa sa mga tropa ko sa likod, pati din si Gov. Matthew. Nakita ko kasi nasa likod lang siya ni Sandro.

"Baka naman gusto niyo nang bumaba?" Narinig kong tanong ni Jane,

Dahil sa sinabi niya, naisipan ko nang bumaba pero naunahan ako ni Sandro. He guided me down to the Van.

May mga bodyguards na nakatayo medyo malayo sa van para harangan yung mga gustong lumapit para makababa kami nang maayos. Tuloy pa din ang sigawan nila saka mas nagtulakan.

Dahilan para hindi macontrol yung  dami nang tao na sumama sa tulakan.

Sandro held me closer to him and secured me in his embrace, pati ako hindi na gaanong makagalaw dahil nagkagulo na silang lahat at lumapit kay Sandro.

May mga bodyguards naman na kaagad na rumesponde sa amin ni Sandro kaya medyo napalayo yung mga tumutulak kanina.

After a few minutes, we arrived infront of the stage. Meters na ang layo nang tao sa amin. Si Sandro naman binitawan ko na saka umupo sa upuan na ihinanda nila since naapakan yung paa ko kanina. Hindi ko alam kung nasugatan o naipit. Jem noticed, kaagad siyang lumapit pati si Sandro napansin. Worries were the only thing you will see in his eyes and expression.

"Okay kalang ba?" Tanong ni Jem. Tumango naman ako.

"Oo, naapakan lang yung paa ko kanina nung dinumog tayo ng mga tao, ang problema hindi ko alam kung nasugatan ba o naipit," sabi ko. Tumayo naman si Jem,

"Let's wait for Nicole and Jane to arrive, since si Jane naman palagi ang may dala ng first aid natin," sabi ni Jem saka tumingin sa crowd. Anduon parin sa bandang gate yung dalawa, mukhang nahihirapan nang maglakad papunta dito.

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now