Forbidden Life Choices : #32

254 6 0
                                    

SIMON MARCOS

"Call and tell Stelle that I want her to attend the family dinner tomorrow at Fort Ilocandia." Sabi ni Pops. Um-oo naman ako saka umalis na sa Malacañang.

Nagyaya bigla ng family gathering si Jamie at Matt kaninang umaga. They said the venue's already fixed kaya naman pumayag nalang kami and besides, saturday naman bukas.

Habang nasa daan papuntang Airport, I dialed Stelle's number. After three rings she immediately answered the phone.

"Hello? Si?" She said from the other line.

"Hello? Stelle? Are you free tomorrow? Dad wanted your presence sa family gathering bukas," diretsa oong saad sa kanya

"Ah? Yung inarrange ni Ate Jamie at Kuya Matt? Pwede ako bukas. Actually I'm already here at Ilocos, kakarating lang." Sagot niya. Tinignan ko naman ang time na nakalagay sa taas na bahagi ng phone ko. 5:46pm.

Maybe nasabi na nila Jamie sa kanya ng maaga.

"Did they told you earlier?" Tanong ko, I heared her hummed.

"Ok see you, I'll fly to Ilocos na ngayon. Kakapasok ko lang ng Airport. Btw, saan ka nga pala tumutuloy?" Tanong ko ulit. Inabot ko naman yung isang backpack na dala dala ko saka tuluyan nang pumasok sa Waiting Area.

"Andito ako kila Ate Jamie. I was about to check in sa hotel pero she insisted na dito na daw muna ako tumuloy." She said. Maya maya pa tinawag na yung Pangalan ko sa speaker. Nakakahiya dahil special mention.

"Gotta go, talk to you later. Dadaan ako diyan," sabi ko , narinig ko naman siyang nag oo.

"Sige, take care." Sabi niya saka naunang ibinaba yung tawag.

I stared at her name on my phone's screen. Napag isip isip ko, how could Sandro cheat on her? Stelle is sweet and caring, an understandable and patient. Girlfriend material.

Kung mahal man ni Sandro si Kiara, sana hindi na siya naghanap ng kakalinga sa kanya kapalit niya. Ginawa niyang rebound si Stelle. 

Dali dali naman akong naglakad papunta sa boarding gateat dumiretsong pumasok sa Plane.

Napabuntong hininga nalang ako.

''''''''''

"Stelle, Simon's here." Tawag ni Ate Jamie.

"Just a minute!" Sigaw pabalik ni Stelle.

I already arrived and went here straightly. Bago pa man makababa si Stelle ay pumunta muna sakin si Ate Jamie.

"We actually planned this Dinner sa Fort Ilocandia to see Sandro and Kiara tomorrow. Na-taon naman na tinawagan ako ng manager ko na kailangan kong pumuntang New York para sa isang photoshoot kaya iyon ang idadahilan ko kung sakaling magtanong sila kung bakit kami nagplano ng Family Gathering." Sabi ni ate Jamie at maya't mayang  tumitingin sa itaas kung bababa ba si Stelle.

"Simon, Sandro is cheating on Stelle kaya naman ang gusto ko ay matapos na sila agad. Stelle doesn't deserve that." Dugtong niya.

Paano nalaman ni Jamie 'to? Why is she minding Sandro and Stelle's relationship? Usually hindi suya ganito at pinapabayaan niya lang ang nangyayari sa paligid niya.

"Pinagbantaan ko si Sandro kanina na kung sakaling nambababae siya ay huwag siyang papahuli. If ever na malaman nila na totoong may namamagitan kay Kiara at sa kanya habang in a relationship kay Stelle, maaaring maitakwil siya sa pamilya natin Simon." Banggit bigla ni Matthew

Napaisip naman ako sa sinabi ni Matthew. He's right. Isang kahihiyan ang ginagawa niya sa pamilya namin kaya kung sakaling malaman nila Dad ang tungkol dito, si Sandro ang kawawa.

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now