Forbidden Life Choices : #20

321 6 1
                                    

STELLE CANONIZADO

"Hello?" Saad ko nang biglang tumawag si Sandro at the middle of the night.

Humahagikgik pa ito sa kabilang linya at mukhang nasa bar dahil maingay ang background. Rinig ko rin ang sigawan nang mga kasama niya na sa tingin ko ang mga pinsan niyang Marcos.

"Atty Stelle!!!" Sigaw niya sa kabilang linya dahilan para ilayo ko ang cellphone mula sa aking tenga dahil naka loudspeaker ito.

"Shit" I cursed before bringing the phone back into my ears.

"Sandro? Why did you call? Its already 2 am!" Bulong ko dahil baka marinig ng mga kasama ko dito sa kwarto, its Nicole, Jem and Jane who sleepover here at nasa sahig with their own airbed and comforters.

"*hik* I *hik* L-Like You Atty!! *hik*" sigaw niyang muli sa linya habang nauutal pa ito. Tila natigilan naman ako sa sinabi niya.

"What did you say?" I asked gently. Not sure If I heard it right.

"I like you Atty!" Malinaw na saad niya saka tuluyang pinatay ang tawag.

"If that's a sort of prank, I'll never buy it. Jusko ang mga lasing nga naman talaga," saad ko saka napailing at inilagay ang cellphone ko sa bedside table saka humiga muli at napatitig sa kisame.

Then I realised, ito ba yung tinatanong ni Nicole the other day if totoo daw ba ang drunk confession? Napailing na lamang ako saka muling pinikit ang aking mata para makatulog.

"Mahal na prinsesa, gumising napo kayo at mag-aalmusal na." Sabi nang kung sino sabay yugyog ng katawan ko dahilan para magising ako.

Iminulat ko ang aking mata saka kinusot yon, napagtanto ko namang si Nicole yung gumising sakin at bihis na. Wala din sila Jem sa paligid.

"Mabuti naman at gumising kana, tinatawag na tayo nila Tita Nabelle sa baba mag aalmusal na raw." Sabi ni Nicole saka umalis mula sa pagkakaupo sa higaan ko.

I looked at the time on the bedside table, its already 8:17am. Mukhang nadugtungan pa nang medyo mahaba abg tulog ko dahil nagising ako sa tawag ni Sandro kagabi.

Bumangon ako saka naglabas ng damit sa closet ko before going inside the bathroom. Umalis naman si Nicole at isinarado ang pinto k ng kwarto ko.

After a couple of minutes, I finished cleaning my body. Hinablot ko naman ang tuwalya sa rack saka ibinalot iyon sakin.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na akong magbihis kaya nagtungo na ako pababa sa living room.

Nakita ko silang lahat na nasa dining table na at naguumpisang kumain.

Kuya Brian noticed me kaya naman tinawag niya ako para sumabay nang kumain sa kanila.

"Bunso, hindi ko na kayo masasamahan sa kampanya niyo later sa Brgy Burgos ha? I also have my own proclamation rally together with Dad on Palauig e." Kuya Brian said the moment I sat on the chair beside Nicole.

"Its okay Kuya. Andito naman si Nicole saka si Gabby andun din, I also wanted to campaign on my own para makilala ako ng publiko nang walang pag aalinlangan dahil anak daw ako ng Mayor." Saad ko naman habang tumatawa.

Its true. Ang gusto ko ay mangampanya ako nang walang tulong ni Dad or ni Kuya Brian. Although hindi na maitatanggi na anak at kapatid nila ako na binabanggit nila tuwing ipapakilala ako, okay lang basta hanggang duon lang yon.

After all ganun din naman ang ginagawa nila kay Gabby everytime na ipapakilala siya ng mc, na apo daw siya ng dating Mayor ng San Antonio na si Don Juan which is cannot be denied naman.

"Nga pala. Goodluck ha. See you later." Saad ni Kuya Brian saka naunang tumayo sa dining table at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng mansion.

I just sighed. Ngayon araw na talags mag uumpisa ang tunay na pangangampanya namin and I will do my best para patunayan ang sarili kong nararapat ako sa posisyon.

"Guys, alam niyo ba ang weird ng panaginip ko kagabi." Basag ng katahimikan ni Nicole

Tumingin lang kami sa kanya na tumigil kumain.

"Actually hindi ko alam kung panaginip ba yon or in real life e, basta ang pagkakaalala ko, gumising ako kagabi dahil sa tunog ng cellphone pag may tumatawag, then naidlip ulet ako pero naririnig ko pa yung usapan. Nagconfess daw yung lalaki sa tawag na parang lasing," she paused saka uminom ng tubig.

"Pero! Hindi ko alam ha, baka panaginip lang yon or what. Hindi ko talaga sure e basta yung diwa ko natutulog pa yata basta yon na yon." Sabi niya na ikinakunot nang noo ni Jem at Jane samantalang ako ay natigilan.

Narinig niya pala yon kagabi?

"Narinig mo yon?" Tanong ko, ngayon saakin naman nabaling ang tingin ni Jem at Jane

"Omg, don't tell me totoo yon? Sino yung lalaki?!" Sabi ni Nicole sabay tayo sa upuan.

"S-Si Sandro." Nahihiyang saad ko saka yumuko.

"OMG!!!!" Sabay sabay na sigaw nilang lahat na may kasamang patalon talon.


"Hala te, bat nakikisali ako sa inyong magcelebrate na may gusto si Sandro kay Stelle? Kay Gabby kaya ako boto," biglang sabi ni Jane na ikinatigil ni Jem at Nicole.

"La, ako den bhe Team Gabby pala akesh, ikaw nalang magcelebrate magisa diyan." Sabi din ni Jem.

"Tangina niyo," malutong na mura ni Nicole sa dalawang kaibigan na siyang nagsihagalpakan ng tawa.

Napatigil silang tumawa nang tinawag na ang pangalan naming dalawa ni Nicole sa stage, malapit na raw mag umpisa ang Salvo meeting kaya naman nagpaalam na kami kila Jem at Jane na nakaupo sa audience pero malapit samin dahil nasa harapan sila.

Pagkadating namin kanina ay nakihalubilo muna kami sa tao at nagbigay nang ilang campaign materials. Kasama rin namin yung ilang electorals na tatakbo bilang councilor sa team ni Doc Enzel.

Makalipas ang ilang minuto, agad na inumpisahan ng emcee ang meeting. Maraming tao dahil nag paparade kanina bago magtipon tipon dito sa Brgy. Burgos kung saan gaganapin ang meeting.

Napalinga naman ako sa paligid at tumigil ang paningin ko kay Gabby na nakatingin na saakin. Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako pabalik.

---

HI everyone! Sorry for not updating this book. Naging busy po ako at walang time para isingit ang pagu-update tapos sumabay pa yung paguumpisa ng campaign ng mga locals dito saamin which is kailangan attendan ni mother ko yung mga pa meeting nila dahil nga gusto niya daw masubaybayan si Gabby Angeles kuno.

Then alam niyo na finals nadin namin and I'm graduating. Hindi ko alam kung makakaya kong mag update kahit konting part lang sa bawat chapter, nadelete din kasi yung mga drafts ko. But don't worry, If I have a time po I'll update very soon! And Stay tuned!

-looneaesil💙

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now