STELLE CANONIZADO
Isa isang nagsi alisan ang mga tao dito sa restaurant na pinag ganapan ng dinner nila Ate Jamie at Kuya Matt. Pati na din ang mga Marcos ay isa isang iniwan si Sandrong umiiyak.
Hindi ako umiyak ng matagal dahil alam kong sayang na sayang ang luha ko kay Sandro kaya agad akong inabutan ni Simon ng tissue at nagpunas ng mga natuyong luha.
Huminahon ako agad saka umupo sa inupuan ko kaninang kumakain pa kami. Umalis na din sila Simon at mga pinsan nila at hinayaan kaming mag usap ni Sandro. Pinaalalahanan naman nila ang lahat ng nakakita na sana ay huwag nilang ilalabas sa publiko ang kanilang nasaksihan.
Nandito pa din si Kiara. Shempre, kasama pa din si Sandro. Tinitigan ko nalang silang dalawang kinokomfort ang isa't isa habang walang ekspresyon ang mukha. Ayaw kong ipakitang mahina ako. Hindi. Hinding hindi ko hahayaan yon.
Binasag ko naman ang katahimikan para mag umpisang magsalita. Mas magandang andito si Kiara habang sinasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin.
"Ako na ang lalayo, Sandro. Fix your family." Saad ko kay Sandro na tumigil nang umiyak dahil sa nangyari at nakatigin sa kawalan.
"You are the reason why they hated me so much!" Biglang sigaw ni Sandro na ngayon ay sobrang sama na ng tingin sakin. Napatawa naman ako.
"At ako pa talaga? Hindi ba't ikaw 'tong nag entertain ng ibang babae whille in a relationship?" I said with sarcasm in my voice.
"Huwag mong ipapasa sakin ang kasalanan Sandro dahil una sa lahat, hindi ako ang nagloko."
"Alam mo, ako nga dapat ang nagagalit e, after what you did? Umiiyak dapat ako ngayon at kinasusuklaman ka pero diko magawa. Bakit? Dahil alam kong hindi worth it ang luha ko sayo." Natahimik naman siya. Si Kiara naman nanatiling tahimik sa gilid dahil hindi niya naman naiintindihan ang mga sinasabi namin dahil tagalog. She lived in London kaya siya ang mag adjust kung gusto niyang malaman ang pinaguusapan namin ngayon.
Ang ipapaalam ko lang sa kanya ay ang pahihiwalay namin ni Sandro.
"Nag uumpisa palang tayo Sandro pero naggawa mo na kong lokohin. Pano pa kaya sa susunod? Hindi. Wala nang susunod. Dahil Mas mabuti na sigurong tapusin na natin to habang maaga pa. Besides kahit ako hindi sigurado sa mga desisyon ko sa pagsagot sayo."
"We are just getting started with our relationship Sandro, but you already had guts to cheat on me. Don't worry because there will be no next for me to be cheated on because now, I will end things already. I am regretting my decisions I have made while I am with you." Sabi ko na pwanag inulit lang ang mga sinabi ko but in english. Para na din maintindihan ni Kiara.
"Ako na mismo ang nagsasabi sayo, makipag ayos ka sa pamilya mo dahil sila lang ang makakatulong sayo sa lahat ng bagay. Maghihirap ka kung hindi. Magsisisi ka sa huli kung kelan wala ka nang malalapitan." Muli kong iniba ang lenggweaheng ginagamit ko. Ayaw kong maintindihan muli ito ni Kiara. Or maybe gusto din. But I don't care.
"Si Kiara? Ginagamit ka lang niya. Hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang bumalik yan dito? No reason? Isipin mo Sandro. Isa akong Attorney at alam ko ang mga gawain ng mga Kriminal. Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako."
"Sa oras na malaman mo ang tunay na dahilan kung bakit biglang bumalik si Kiara sayo, sana nandito pako. Sana malalapitan mo pa ako. Kaya sana ngayon palang ay mag umpisa kana maghanap ng katotohanan para sa sarili mo. Kasi kami wala kaming pakialam kung nandito ba si Kiara o wala"
YOU ARE READING
FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOS
ФанфикIn our life there are many choices that has a consequences. Hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari kaya we are just going on with the flow. Kahit pa masakit or maganda ito, we are bound to move on not to be stucked on the past. Pe...