Forbidden Life Choices : #26

333 9 0
                                    

STELLE CANONIZADO

"Attorney Stelle Canonizado, Will you be my girlfriend?" Saad ni Sandro habang nakaluhod.

Ako naman na kanina pa nagpipigil ng luha, ay hindi na makapagpigil. Nagunahan na tumulo ang luha ko kasabay ng pagdadalawang isip ko kung ano ang isasagot ko.

Kilala naman namin ang isa't isa pero para sa akin, hindi pa iyon sapat para sagutin ko siya kagaad. Pero mayroon ding part sa akin na nagsasabing dapat sagutin ko na siya. Dahil ang relasyon dapat ang pinapatagal hindi ang panliligaw.

Tila hindi ko na din narinig ang mga maiingay na tao sa paligid dahil ang atensyon ko ay nakay Sandro lang. Nakaluhod parin siya at naghihintay ng sagot ko.

Tumingin naman ako sa gawi nila Tita Liza na ngayo'y naka hawak ang dalawa niyang kamay sa braso ni Tito Bong habang nakatingin samin ni Sandro. Nakita niya naman na tumingin ako sa kanya kaya tumango siya na tila nagpapahiwatig na sumang ayon ako sa itinanong ni Sandro.

Ibinalik ako ang aking tingin kay Sandro saka huminga ng malalim bago tumango. Nagsigawan naman lahat ng taong nanonood kasabay ng pagyakap sakin ni Sandro.

"Yes I will be your girlfriend, Sandro." Bulong ko sa tenga niya dahilan para higpitan niya pa ang yakap namin.

"I love you," bulong naman niya pabalik sakin saka kumalas sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"I love you too," sagot ko naman before he kissed my forehead sweetly.

Ihinarap niya naman ako sa maraming tao saka niya hinawakan ang kamay ko at inakbayan ako.

''''''''''''''''

"Congratulations!!!" Sabay sabay na sigawan ng mga Marcos sa mansion nila. Andito rin si Madame Imelda na nakaupo sa kanyang wheelchair at akay akay ng kanyang nurse.

"Congratulations Apo," sabi ni Madame Imelda saka tumayo ng dahan dahan sa wheelchair niya upang yakapin si Sandro.

Napatingin naman siya sa gawi ko at ngumiti. She even signaled me to go closer to her and opened her arms. Hindi nako nagdalawang isip pa at niyakap siya ng mahigpit.

"Such a wonderful lady, take care of her Apo, I like her." Sabi ni Madame Imelda ng makaalis na kami sa yakap.

Umingay naman dahil sa kakasigaw ng mga Manotocs na tila inaasar pa si Sandro.

"Kasalan na yan, kasalan na yan!" Sigaw ng magkakapatid pero nangibabaw ang boses ni Gov Matt at ni Kuya Borgy.

"Hoy ano kaba, mauuna kayong ikasal ni Jamie Matthew no. Kakasagot lang ni Stelle kanina kay Sandro kasal na agad," saad naman ni Ate Cara, yung asawa ni Kuya Michael na pangalawang anak ni Senator Imee.

"Bakit si Mama Meldy at Apo Lakay, they only knew each other for 11 days and didn't think twice to be married dahil kaya naman daw ligawan ni Apo Lakay si Mama Meldz habang buhay," linyata pa ni Matthew.

"Jamie oh daming dahilan ni Matthew," sumbong ni Borgy na ikinatawa naming lahat.

Pagkatapos ng kulitan ng mga magpipinsan, nagyaya na silang kumain dahil gutom na daw sila. Lahat naman kami ay dumiretso sa dining table at nagkanya kanyang pwesto sa upuan.

It's already 11:43pm. And halos dalawang oras na ang nakakalipas ng matapos ang Grand Rally ng Team Marcos. Nagulat nga kami pag uwi dito sa mansion ay present silang lahat.

"Btw Iha, when are you going back to Zambales? I suggest dumito ka muna hanggang before mag elections para sana makabonding ka naming mga girls." Rinig kong tanong ni Tita Liza. Uminom naman ako ng tubig para malunok ko lahat ng nginunguya ko bago sumagot.

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now