SANDRO MARCOS
10 months has already passed and the only hope that I have is Stelle is coming back anytime soon. Sinabi sakin yan ng kapatid niyang si Brian nung huling punta ko sa Zambales para pilitin siyang sabihin sakin kung nasaan siya.
Imbes na sabihin sakin ni Brian kung nasaan ang kapatid niya, sinabi niya nalang na hintayin ko nalang siyang makabalik. At first I was hesitating dahil sayang ang oras na dapat nagpapaliwanag nako kay Stelle. Pero dahil yun ang sabi ng kapatid niya, wala akong nagawa kundi ang mag antay.
Yun din naman ang sinabi sakin ni Mom, na I should let Stelle take her time. Pero hindi ko alam kung pagbalik niya ay hahayaan niya akong ipaliwanag ang lahat.
Dahil sa palagi kong pagbalik ng Zambales, naging close kami ni Brian. He even insisted on partnering Ilocos and Zambales in some programs. Dahil parehas kaming kongresista sa kongreso, naging matagumpay ang aming mga plano para sa dalawang probinsiya.
"Stelle is back, Sandro. And I am letting you court her again if she let you so, dahil kapatid lang ako, she will be the one who will decide about that. Ang tanging pasasalamat ko sayo ay hindi ka sumuko at pinatunayan mong mahal mo talaga siya." Sabi ni Brian habang nakatingin sa magandang tanawin na nasa harap namin.
We are currently at the Capones Island located in baranggay Pundaquit in the town of San Antonio. Nagyaya siya dito para magrelax dahil sunod sunod ang naging meeting sa congress nang mga nakaraang linggo.
Hindi naman ako nakasagot agad sa sinabi niya. Dahil all this time I've been thinking kung dapat pa ba akong maghintay kay Stelle. We are both sure na pagbalik niya ay nakamove on na siya sa mga nangyari at higit sa lahat,nakamove on nadin siya sakin.
"She's at Russia all this time, Sandro. Alam kong sobrang laki ng Russia kung hahanapin mo pa siya doon kaya pinili ko nalang na huwag sabihin sa iyo. Even me, hindi ko alam kung saan talaga siya nagstay don kaya kahit sabihin kong nasa Russia siya, hindi mo pa din alam kung saan ang specific na lugar." Paliwanag ni Brian.
Wala nakong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Hindi ko na din naman magawang magalit dahil alam kong nakabalik na si Stelle.
"Stelle is a brave woman, Sandro. And what happened is just an easy problem for her dahil may mas malaking problema pa siyang naharap noon. At para sa kanya, ang pinakamabigat na pagsubok na napagdaanan niya ay ang pagkawala ni Mom. She is so young that time and I was too. Kaya kung masasabi mo sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit mo nagawa ang desisyon mo noon, she'll understand it." He said then took a sip on his wine.
Sana nga ay maintindihan niya ang mga rason ko. Sana ay intindihin niya ako. Sana ay pakinggan niya pa ako. All of the wish was dedicated to her. I wsih she will listen to my side if I explain everything to her.
"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yon. Bilib ako sayo dahil mas inuna mo ang kaligtasan ng kapatid ko kahit pa ang kapalit non ay ang pagdudusa niya. We can't blame her, she knows nothing."
Tama si Brian, Stelle knows nothing. Siguro ang naisip niyang dahilan ay talagang mahal ko pa si Kiara. Other than that, maaaring naisip niya ding wala siyang alam dito dahil never akong nagkwento about sa buhay ko.
I can't blame her, ako mismo ang nagsabi na we should get to know each other while in a relationship na. Yun naman talaga ang plano ko. And if we already knew that we are ready,that she is ready, I'll marry her. But at that moment, alam kong alam na niya ang lahat ng tungkol sakin. Wala na akong itinatago pa.
Pero Kiara came and ruined my plan. Lahat ng nangyari ay hindi ayon sa gusto ko. Wala akong nagawa dahil kung mas pinaglaban ko ang kagustuhan kong mangyari, sasaktan ni Kiara si Stelle and the worst is, she might even kill her for real.
Kilala ko si Kiara. Kaya niyang seryosohin lahat ng binibitawan niyang salita. Dahil sa makapangyarihan ang pamilya nila, she can do everything she planned to do so.
"Sa totoo lang Bri, hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumaban para saming dalawa." Pagbasag ko ng katahimikan. Hindi naman siya umimik ay hinayaan akong magsalita
"Kung talagang nakamove on na siya sa nangyari, then I'm happy for her. Sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan niya diba? Kung ayaw niya nang maalala pa ang lahat dahil sa paglapit ko sa kanya, then I should let her free, I'll let myself free too. Hahayaan ko nalang siyang magmahal pa nang mas better sakin kung yon ang gusto niya,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Brian. He took his last sip on his wine before speaking,
"Ngayon ka pa ba susuko kung kelan nakabalik na siya? Kung kelan meron ka nang pag asang linawin sa kanya ang lahat? Sandro, madami ka ding napagdaanan. I witnessed all of that. Bilang kapatid niya, ako ang unang unang po-protekta sa kanya from all of the negative and bad things for her. At dapat isa ka don, pero pinatunayan mo sakin na ikaw ang karapat dapat para sa kanya. You never me failed to do so. Halos mag iisang taon na ang nangyari pero here you are, still proving yourself to me that you deserve my sister." Sabi ni Brian. He is smiling when I saw his face. Napangiti na din ako sa sinabi niya.
Mag iisang taon na simula nung nangyari ang lahat. I am glad that Kiara is already in London imprisoned along side with her family. Pero nandito ako, nagdudusa sa mga nangyari dahil sa maling desisyon ko.
"Sandro, sana sa oras na makita mo ulit siya iparamdam mo sa kanya agad na mahal na mahal mo siya, in that way, she will be aware that you still love her." Paglapit sakin ni Brian sabay tapik ng aking balikat.
"Both of you had gone through a lot. This is not the time for you to give up. You had already proven yourself to me and you can do that to my sister too. Even Dad is proud of what you're doing now, kahit pa isa siya sa mga nagalit dahil sa ginawa mo kay Stelle before."
Their Dad, Governor Canonizado beated me up to death when he knows that I cheated on his one and only daughter. I didn't fought back dahil alam kong mali ako and fighting back will result to something more worst. Stelle will get mad.
"Hindi sa lahat ng oras ay palagi kayong masaya sa isang relasyon. Dadating at dadating kayo sa puntong may problema at pagsubok na hahamak sa pagsasama ninyo, at ang mga nangyari ay isa lang sa mga pagsubok na haharapin niyo sa hinaharap."
"You are destined to be with each other so you need to solve the problem together." He said while gazing at the sunset infront of us.
"Looking at this sunset reminds me the both of you. Sa lahat ng paghihirap ay mawawakasan ng isang magandang pangyayaring magiging daan para mas maging matatag kayo. Sa buhay hindi lahat ay magiging makulay at maliwanag. Kailangan nating harapin ang balakid at dilim na susubok sa katatagan natin bilang tayo. And Sunsets are the proof that every sun that brighten up the world needs to rest too. We need to face the moon who shines at the darkest night." He continued while his other arm is resting on my shoulder.
"And I want to thank you for loving my sister. Siya ang nag iisang babaeng pinakamamahal ko rather than my Mom, Sandro. Sana ay mahalin mo siya ng buong buo, I want you to be with her at the times she's crying, I want you to lend your shoulder for her to lean on dahil alam kong hindi sa lahat ng oras ay nandito ako/kami para sa kanya." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Why does it sounds like he's saying his last will?
~~~~
We are nearing to the book's end! Thank you for the support, I hope you continue to my second book, Simon's story.
YOU ARE READING
FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOS
FanficIn our life there are many choices that has a consequences. Hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari kaya we are just going on with the flow. Kahit pa masakit or maganda ito, we are bound to move on not to be stucked on the past. Pe...