Forbidden Life Choices : #12

322 6 1
                                    


JEMMY RAMOS

"Stelle  is fluent in 7 languages. Hindi ko alam kung kailan siya nag-aral pero I guess, nung nasa Korea pa siya. I guess lang naman." Saad ni Nicole.

"What languages?" Tanong ni Simon

"Korean, shempre tumira yan siya sa Korea ng 2 taon, Japanese kasi sabi nung Kuya niyang si Brian na nagtatrabaho sa Japan,Mandarin dahil sabi naman nung Daddy niya,French, Italian, English shempre nag aral saka tumira yan ng America ng 7 years, pang 8 na pala yung Tagalog." Mahabang linyata ko

"How about Ilocano, Ilongo, saka Bisaya?" Tanong ni Jane.

"Dialects yon hindi language." Sabi ni Nicole.

"Jusko How to be Stelle" dugtong ni Nicole.

"Ang talino nung babaitang yon sobra. Nakakahiya na nga sumama sa kanya eh, why? Because almost all of the people kahit san kami magpunta kilala siya!" Sabi ko sabay peke ng iyak.

"Ang layo na nang narating ng baby naten mga baks." Saad naman ni Jane.

Sa sinabi ni Jane, tunay ng tumulo ang luha ko kasama ni Nicole. Then I realised, Stelle is the youngest among our circle. Tapos siya yung pinaka successful sa kanila na sa sobrang yaman niya in the young age, kahit anong kailangan mo basta sabihin mo sa kanya, she'll help.

"Naalala ko dati sabi niya pagod na daw siya mag-aral. Mga bandang ga-graduate na tayo ng high school non. Yung part na sobrang daming projects na binigay saten halos lahat ata ng subject yon! Tapos siya pa yung leader sa lahat!" Saad ko.

Totoo naman. Nung mga panahon na yon halos wala nang tulog si Stelle. Nagpapatulong na nga sakin yan gumawa ng project  eh. Pero the funny part? Ginawa niya padin lahat even I'm with her. Ang ginawa ko lang is I-puncher lahat ng project niya sa folder yun lang!

Bilib nga ko eh dahil kahit anong hirap namin nung high school, siya yung nauunang magpasa. Pero shempre, magrereklamo muna yan bago gumawa.

"Oy! Naalala ko yon! Yung nagrereklamo muna siya bago gumawa. Kesyo 'nag-aral ako para matuto hindi oara gumawa ng project' tapos 'walang hiya naman! Pagod na pagod nako tapos ang hirap pa nito!' Tapos maya maya tapos na niya yung pinapagawa." Sabi ni Nicole habang natatawa.

"Alam niyo, I hope I have this kind of friends. Imagine, since high school magkakasama na kayo until now tapos ang successful niyo pang lahat." Nagulat ako kasi biglang nagsalita si Simon. Andiyan pala siya.

"Kahit nga kami thankful eh. Actually nung pag-ka graduate namin hindi namin inaasahan na magkikita ulit kami especially we have separated school nang college." Sabi ni Nicole sabay tingin saken. Gaga neto. Crush ata si Simon.

"Lalo na si Jem at Stelle na nag-ibang bansa! Jusko. Buti nalang that time smartphones already existed kaya kahit papano mah contact kami sa kanila." Sabat ni Jane.

"Oo alam ko yan, kinuwento ni Stelle sakin yan nung kelan. Jem went to Los Angeles while she went on Cambridge right?" Sabi ulit ni Simon. Hindi nako magtataka kung kelan sinabi ni Stelle. Palagi naman silang magkasama.

"Harvard siya nag-aral. Shet sana all." Sabi ni Nicole. Tumawa naman si Simon, tapos yung babaita. Kinilig. Aha. May pang-blackmail nako sa kanya.

"Siya pinaka-unang nakagraduate samin. 3 years lang yung course niya eh. Tapos nagpahinga ata siya ng isang taon bago mag-bar exam." Sabi ko.

"Tapos yun naboring ata ng walang ginagawa habang hinihintay resulta nung exam, nag-aral ulit. Kaya Interior Designer din siya at the same time." Sabi ni Jane.

"Oh. Btw, Sandro's birthday is next week na. Mom wanted you to come. Shempre pati si Stelle pero sigurado akong kasama yon, kasama ni Mommy mag-arrange ng venue eh." Pag-iiba ni Simon ng topic. Oo nga pala, malapit na birthday ni Sandro.

Parang kahapon lang nangyari yung plano ni Vinny habang nasa HQ kami ah. Last week pa pala yon.

"Hindi kaya nakahalata si Sandro?" Tanong ko. Kasi last week after nung nangyari sa headquarters ang weird niyang makatingin samin, parang nagtataka ba.

"Hindi yon. Distracted naman siya sa campaign ni Dad eh." napatango nalang ako sa sagot ni Simon.

Tapos nanahimik kami ng konti. Nagbukas kasi ng Cellphone si Nicole eh, sinundan nadin namin. Andami na palang ganap, puro about politics kasi malapit na ang election.

Habang nagii-scroll ako sa Facebook, may nakita akong post. Tungkol kay Sandro at Stelle. Andaming reacts at share madami ding comments. Kanina lang na post kasi 1 hour ago eh. Mukhang viral ata.

Pinindot ko yung post tapos at the same time nag-load yung mga comments. Kesyo "bagay silang dalawa" , "Girlfriend kaya yan ni Sandro?" , "lubayan mo bebe Sandro ko." Atbp. Ang harot ha. Lubayan si Sandro sino kaba?

Focus na focus nako magbasa nung comment ng bumukas yung pinto. Hindi ko nalang pinansin baka may lumabas lang sa isa samin. Pero pinagsisisihan ko nung hindi ko tinignan yon,

"Wahhhh!" Sigaw ng kung sino. Mapapatay ko ng de oras kung sino 'to.

Napaangat yung tingin ko saka tinignan kung saan at sino yon. Nakita ko sa pintuan nakatayo si Stelle, may bitbit na boxes of donuts saka mga drinks. Joke lang pala yung papatayin ko kung sino yung nanggulat ehe.

"Juskooo! Mamamatay ako ng de oras eh!" Sabi ni Nicole habang nakahawak sa dibdib niya.

"Oh eto pagkain, para di ka mamatay." Sabi ni Stelle sabay lapag nung hawak niya sa coffee table sa harap namin.

"Eyooww!" Sabi nanaman nang kung sino sa pintuan banda, this time si Vinny with Sandro on his back. May dala dala ding food containers.

"Andami naman neto, may kasama paba kayo?" Tanong ni Jane, tumango naman si Stelle saka nagsipasukan yung mga kasama pa nila. Yung mga pinsan din nila Simon, of course with their girls.

"Oh eto pa." Saad ni Gov. Matthew saka inilapag din yung box ng pizza sa lamesa.

"Wait, andami ata nating nabili." Sabi ni Ate Jamie.

"Walang madami madami pag kasama natin sila Borgy. Kaya nilang ubusin yan lahat." Sabi ni Sandro, sinuntok naman siya ng pabiro nung Borgy ata.

Wala kong kilala dito, kaya tinignan ko sila Jane at Nicole. Nakatingin nadin sakin. Nabasa ata nila yung nasa isip ko.

"Hoy kayong tatlo. Alam ko yang iniisip niyo. Bawal umalis." Sabi ni Stelle. Napansin atang nagtitinginan na kami nila Nicole ng may meaning.

"Yes Madam." Saad naming tatlo na ikinatawa nilang lahat.

---

Boring ata nitong chapter nato, btw I'll be busy na ehe. Start na kasi ng second sem namin. Saka I will update naman if I have time. Nakadraft naman na lahat ng chapters up-to 25 eh. Maglalagay nalang ako ng author's note sa baba if I wanted too. See ya!






FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now