Forbidden Life Choices : #13

325 10 1
                                    

STELLE CANONIZADO


"I will go back to Zambales this weekend pala guys." Narinig kong sabi ni Nicole.

Napatingin naman kaming tatlo sa kanya saka tumango. Well, hindi naman namin siya mapipigilan. Engineer yan eh shempre kailangan niyang i-check yung site nung latest na tinatayo nila.

"Babalik din naman ako mga 3 days lang ako don since sabi nung nagpapagawa, ire redesigning daw yung balcony." Sabi niya.

"Uwi kaya muna tayo? Madami din akong kailangan kunin eh." Sabi ni Jem. Oo nga. Pwede naman sigurong umuwi muna kami.

"Paalam lang pala ako kay Tito Bong. Gusto ko din bisitahin si Mom." Sabi ko. Tumango naman sila saka nagsitayuan para magimpake. Busy kasi kaming lahat sa Friday which is bukas kaya wala kaming time if kinabukasan aalis na kami.

Lumabas din ako sa tinutuluyan silang kwarto para hanapin si Tito Bong. Luckily andon siya sa Dining Room kasama si Tita Liza, nagluluto. Napatingin naman sila sa direksyon ko nang pababa nako sa hagdanan.

"Oh, Hija. Good Morning." Bati sakin ni Tita Liza sabay nakipag-beso.

"Good Morning po Tita, Tito." Sabi ko

"Ang aga mo ata. Tulog pa sila Sandro." Sabi ni Tito Bong. Bakit kada punta ko sa kanila si Sandro yung binabanggit? Hindi naman siya yung sadya ko e.

"Ah hindi po. Magpapaalam lang po sana." Saad ko dahilan para ibaba ni Tito Bong yung spatula na hawak hawak niya.

"Ano? Itatanan mo si Sandro? Sige kahit wag mo na ibalik." Sabi ni Tito Bong na ikinatawa ko,hinampas naman siya ni Tita Liza ng pabiro saka hinayaan ako magsalita.

"Uuwi po sana ako sa Zambales actually kaming barkada po, may bibisitahin lang." Sabi ko na ikinatango nilang dalawa.

"Yes you can. Akala ko kung ano na," sabi naman niya.

After non inalok ko silang tulungan ko silang magluto but they declined. Kaya umakyat nalang ako ulit sa kanila para sabihin na pumayag sila Tito at Tita.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko silang tatlo na nakahilatasa kama, may kanya kanyang mundo. Si Nicole nakaharap sa laptop niya, si Jem nagbabasa at si Jane naman nag seselpon. 'Tong mga babaitang to talaga. Tapos na ata sila mag ayos ng gamit nila. Ako nalang hindi.

"Ano pumayag?" Tanong ni Nicole saka umupo at pinatong yung laptop sa lap niya. Prank ko kaya sila.

I shooked my head as a no. Surprisingly, wala silang sinagot o nireact man lang.

"Ayaw siguro nilang paalisin ka kasi mamimiss ka ni Sandro." Bulong ni Jem pero narinig ko padin.

"De joke lang. Pumayag sila." Sabi ko. Napabuntong hininga naman si Jem.

---

"See you on Monday Tita!" Sabi ko saka kumaway sa kanya bago pumasok sa loob ng Van.

"Okay See you!" Kaway naman niya pabalik. Our driver started the Van and drove away from the Marcos' mansion. Tumingin ako pabalik at nakitang kabababa lang ng kamay ni Tita bago siya pumasok.

Actually they insisted to let us borrow on of their helicopters. Kaso hindi ako pumayag, nakakahiya kasi. After all may dalang sariling Driver at Van si Nicole kaya why not yun yung gamitin namin diba?

Naalala ko hindi ko pala pinaalam kila Sandro na aalis kami. I looked at my wrist watch to see what's the time since medyo maaga pa, 7:49 am. Tulog pa yun sila.

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now