Forbidden Life Choices : #35

288 5 0
                                    

SIMON MARCOS

"Masyadong delikado kung papatuluyin natin dito yung babae ni Sandro. Kaya mas mabuti nang itakwil si Sandro sa kabila nang pagpili niya kay Kiara." Sabi ni Mom. Nagsitanguan naman kami ni Vinny samantalang ang iba ay kunot noo sa sinabi ni Mom.

Mom actually helped us to discover kung ano ang meron kay Kiara. And Stelle accidentaly saw us the other day kaya wala kaming choice kundi isama siya dahil isa rin naman siyang attorney.

Marami kaming nalaman kay Kiara. Hindi lang ang mga sikretong itinatago ng kumpanya nila sa London pati ang underground business ng Pamilya nila kaya isa sila sa mga pinakamayaman sa buong mundo.

"Kiara's family are dangerous. Kaya hindi ako sang ayon na makasama natin yon sa iisang bahay. She might be planning something or maybe her family against us. Anong alam natin?" Dugtong ni Mom.

"Ha? What are you talking about? We can't understand." Sabi ni Tita Imee.

"Houstons are one of the biggest drug dealers in the world. Yan ang underground business nila maliban sa pinapatakbo nilang Houston Industries" sabi ni Mom sabay labas ng isang brown envelope.

"Stelle knows about this. Hindi ko siya hinayaang maglabas ng galit kay Kiara kanina dahil baka kung ano ang mangyari. We don't know if Kiara already told what happen to her parents back in London. Kaya sana palagi kayong magdadala ng security with you kahit secretly."

"Sandro doesn't know about this. Hayaan niyo siyang makaalam nang tungkol dito. Ano bang malay niya kung naka drugs pala yang si Kiara." Sabat ko.

"So itinakwil mo si Sandro with a purpose?" Tanong ni Tita Irene, Mom nodded.

"In that way, we can protect our Family also Sandro. I assigned someone na magmamasid kay Sandro don't worry." Saad ni Mom.

"Hindi ko alam kung nagbigay ng Warning si Stelle kay Sandro katulad ng napag usapan kung sakaling magkausap sila. Alam kong kahit papano ay magiging aware si Sandro around Kiara." Mom

"Stelle is not around with us anymore. Hindi natin malalaman kung ano ang mga mangyayari at kung ano ang gagawin kung sakaling magkagulo dahil sa pinasok ni Sandro. Wala siyang kaalam alam sa mga desisyon niya kaya wala din tayong choice kundi ang manahimik at hayaan siya." Saad ko.

"But when he discover the truth, sigurado akong tayo tayo lang ang magtutulungan lalo na't wala yung isa pang Attorney na makakatulong dito. Sandro lose someone who is important to him and he will regret that when everything seems to be on its downfall." Sabi naman ni Vinny.

Its already 3 am in the morning pero heto kami at nagdidiscusiyon sa mga nangyayari sa pamilya namin at kay Sandro.

Masyadong unexpected na aalis si Stelle pero hindi naman hawak ang desisyon niya kaya sinuportahan nalang namin since hindi rin naman mababago iyon.

Kay Kiara, we are aware na about her presence pero hindi namin pinahalata yon at hinayaan silang dalawa ni Sandro.

Pero ang malaman na isang malaking drug cindicate ang pamilya nila? Labas na yon sa usapan dahil kaligtasan ni Sandro ang nakasalalay dito.

Nakakapagtaka lang, pero kahit kelan ay hindi umamin si Sandro kung mahal niya pa si Kiara. He never said that he really is, nakakabigla is one day sila nalang ulit.

Kiara's comeback is already suspicious but Sandro's decision in the past weeks is more suspicious. Parang andali naman lahat ng nangyari.

Nagsi uwian nadin kami pagdating ni Dad after niyang maihatid si Stelle sa airport pabalik ng Zambales. Dad said na baka hindi na bumalik si Stelle ulit dito after nang mangyari. Her brother's won't let her too.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa kisame. Masyadong maraming nangyari sa isang buong araw. Alam kong napagplanuhan nila Ate Jamie ito pero hindi naman din nila inasahan na ganto ang kahahantungan.

Stelle is in politics. Sigurado akong hindi siya basta bastang aalis dahil may ginagampanan din siyang tungkulin sa Zambales. Kahit pa councilor lang yon ay malaking responsibilidad rin ang kanyang dala lalo na't baguhan pa siya.

Dahil sa mga nangyari, sana ay maging maayos ang lahat pagdaan ng nga araw buwan o taon. Alam kong hindi madali pero sana maging worth it ang paglayo ni Stelle.

STELLE CANONIZADO

"You will never go back to Ilocos. Ako na ang nagsasabi sayo. Hinding hindi na kita pababalikin doon kahit kailan." Sabi ni Kuya Brian. Kababalik lang niyang galing Japan.

Tama nga ang sabi ko hinding hindu nako papayagan pang bumalik nito kaya tama lang din ang sinabi ko kay Tito Bong na hindi ako sigurado kung kelan ako babalik dahil dito sa kapatid ko.

"Yeah, I know. From now on, I'll focus on my career here. Don't worry about me Kuya." Sabi ko. Napasapo naman siya sa ulo. Tinawanan ko lang siya saka tumayo.

"Glad that you're not affected with your break up with Sandro. You can still laugh the same way you do." Sabi niya saka ako hinila para yakapin.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na lamang itong tumulo. Siguro pagod nang magpanggap na okay pako kahit hindi. Sobrang sakit ng ginawang pagpili ni Sandro kay Kiara kaysa sakin.

Kuya Brian frozed when he heard my sobs. Umiiyak nako sa balikat niya habang nakayakap sa kanya.

"I-I guess I'm wrong," bulong niya saka hinagod ang likod ko.

"Don't worry bunso. You'll find someone who is more worth for your heart." Sabi niya saka dahan dahang inangat ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Wala man ako sa Ilocos para suntukin ng personal si Sandro ay ayos lang. As long as you cried to me and I comforted you, I am proud of that. Nag iisa ka na nga lang na kapatid naming babae pero gagaguhin kapa," sabi ni Kuya Brian. Tumawa nalang ako. He never failed to make me smile. Ang swerte kong naging kapatid ko ang gaya niya.

"Ayos lang ako Kuya. Siguro panahon lang ang makakapagpagaling at makakapaglimot sakin sa mga nangyari. Ayoko nang isipin na nasaktan ako, ang gusto ko ay mag focus kung ano ang meron ngayon." Sagot ko. He just nodded and kissed my forehead.

"Kuya will always with you, Stelle. No matter what happens you can cry on me, laugh or even be mad at me. As long as maging maayos ka, andito lang ako parati para suportahan ka." Saad muli ni Kuya Brian.

I just nodded and hugged him tighter. Sobra ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng panginoon ng ganitong Kuya. He is always by my side when I needed someone to cry on.

"Go upstairs and take a long rest, you deserve that. I'll be the one who will carry these bags later." Sabi niya saka itinulak ako papunta sa hagdan.

Its already 4:30 am nang makarating ako dito sa Zambales. Tinawagan ko agad si Kuya Brian para sunduin ako, luckily gising na siya nang mga oras na iyon.

Agad akong humiga sa kama, hindi ko na inalintana ang mga damit na suot ko at basta nalang humiga. Wala akong lakas para magbihis pa. Pagod nako sa byahe at higit sa lahat ay pagod nako sa mga nangyari.

Sana ay panaginip lahat ng ito at paggising ko ay walang kahit na anong nangyari. Pero hindi, gising na gising ako nang mangyari ang lahat at kailangan ko itong tanggapin at mag move on para sa susunod na bukas.

-----

Hi, hindi po ako nag update ng ilang araw dahil naquarantine kaming buong pamilya as me and my father tested positive sa covid. Kaya I advice na mag iingat po kayo parati! Stay safe everyone!

FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOSWhere stories live. Discover now