STELLE CANONIZADO
"That girl is Kiara Leuise Houston. The heiress of the Houston Industries that originated and founded in London. Ex-Girlfriend ni Sandro bago siya bumalik dito sa Pilipinas." Sabi ni Simon, habang ako nakatingin sa isang magazine na na-feature si Kiara. It was the Forbes Magazine in America.
Sobrang ganda ni Kiara at masyadong famous, hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ni Sandro 'to. Ideal girl nang kahit na sinong lalaki.
"Pero Sandro broke up with her, he found out that Kiara is cheating on him with Zack. This man." Saad pa ni Simon habang naglapag ulit siya ng isa pang magazine sa harap ko, this time, a Time Magazine. Isa ding kilalang magazine sa America.
"Zack Malik." Basa ko sa Magazine.
"His last name sounds familiar? Is he somewhat related to Zayn Malik?" Tanong ko.
"Zack is Zayn Malik's younger brother." Sabi ni Nicole. Nanlaki nalang ang mga mata ko sa narinig.
"No wonder why Kiara cheated on Sandro just for Zack." Dugtong ni Jem.
"Ha?"
"Gaga mo naman, shempre kung ako si Sandro masasaktan ako no, minahal ko si Kiara tapos ipapalit lang ako diyan sa Zack Malik na yan." Sabi naman ni Jane.
"Makapagsalita naman 'to, btw oo nga, mukhang mahal pa ni Sandro si Kiara." Sabat naman ni Nicole. Natawa nalang ako. Hindi ko alam kung magagalit bako dahil sa sinasabi nila pero kahit papano ay nawawala yung galit ko sa ginawa ni Sandro."Makatawa naman 'to parang 'di prinoproblema si Sandro." Jem said, napairap nalang ako.
"'Bat naman ako mamomroblema kay Sandro. If he loves Kiara then so be it. Easy. Ang punto ko lang, sana sinabi niya diba?" Sabi ko naman.
"He never told that he has exes back in London?" Tanong naman ni Simon, umiling ako.
"No. Actually, we never talk about his past. Kaya wala akong kaalam-alam kay Sandro. Nagtataka nga ako bakit sinagot ko siya eh, siguro naniwala ako sa sinabi niyang get-to-know each other nalang kami habang in a relationship na. Hais. Ewan." Saad ko.
"Tanga mo naman pala no." Sabi ni Nicole. Binatukan naman siya nila Jem at Jane ng sabay.
Napatahimik naman ako sa sinabi ni Nicole. Oo nga, siguro nagpakatanga ako kay Sandro. Umpisa pa lang 'yon ha what if pa kaya sa mga susunod.
Narealize ko din na hindi kami masyadong nag uusap about sa buhay niya, or kung ano man ang nangyari sa kanya sa past lalong lalo na nung nasa London pa siya.
Nakakapanghinayang dahil bilang girlfriend niya, wala akong alam kung sino ba yung mga nakarelasyon o nakasama niya sa London, hindi ko din alam yung mga accomplishments na nangyari at ginawa niya sa ibang bansa kaya labis nalang ang paghihinagpis ko dahil nga pagdating sa mga bagay na iyon, wala akong alam.
"Joke lang ano kaba," sabi ni Nicole.
"Hindi okay lang, narealize ko lang kasi. Wala akong kaalam alam sa nangyari kay Sandro. Itong recent lang talaga na nakasama ko na siya at sila Tito Bong. Rather than that? Wala na. Out of place nako if pag uusapan pa." Sabi ko. Tinapik tapik naman ni Simon yung likod ko.
"Nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon. Ngayon na nalalaman ko in a different way yung past niya. Mukhang hindi ko kayang harapin si Sandro, dahil kagaya nga ng sinabi ko, girlfriend na niya ako pero wala akong alam sa kanya." Sabi ko at bahagyang napayuko.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Simon. Buti pa itong kapatid ni Sandro naglalaan ng oras para magpaliwanag sa akin, pero si Sandro mismo wala.
After ng pag uusap namin kagabi ni Simon, tumawag ulit siya after 3 hours. Kinuwento niya yung mga nangyari habang sinesermunan si Sandro. Matagal din kaming nagusap sa telepono dahil don at hindi pa man natatapos magkwento si Simon, ay inabot na kami ng madaling araw. Kaya naman naisipan nalang niyang bumyahe papunta dito sa Zambales.
Nakakadismaya dahil wala daw itinanggi si Sandro nung tinanong siya ni Tita Liza na mahal niya pa daw ba si Kiara. Natahimik daw si Sandro non kaya naman umiyak nanaman ako dahil don.
Kung tunay mang mahal pa ni Sandro si Kiara, then why did he courted me in the first place diba? Rebound lang ba ako para makalimutan niya si Kiara?
"Huwag kang magpakasasa kay Sandro, Stelle. Ako na mismo ang nagsasabi sayo dahil alam kong hindi sigurado si Sandro sa relasyon niyo." Sabi ni Simon. Tumango naman ako nang hindi namamalayan na tumutulo na ang luha.
"Hindi ko maikukwento ang nangyari kay Sandro at KIara dahil wala din akong gaanong alam. Ang alam ko lang nagloko si Kiara kay Sandro. Hindi rin naman nagkukwento ang kapatid ko sakin about sa kanila kaya yun lang ang alam ko. The rest, si Vinny or si Sandro ang may alam." Saad ni Simon.
"Si Vinny kasi ang palaging nagpupunta sa dorm ni Sandro sa London kaya sigurado akong may alam yun sa nangyari kay Kiara at Sandro." Dugtong niya pa.
Hindi naman yung past ni Sandro at Kiara ang gusto kong malaman, ang gusto ko sabihin sakin ni Sandro kung bakit ayaw niyang magsabi sakin tungkol sa nakaraan niya
Gusto ko man sabihin kay Simon ng diretso yan ay hindi ko masabi. Tumahimik nalang ako.
JEM RAMOS
"Umpisa palang, sabi ko na sa inyo. Hindi bagay si Sandro at Stelle. Mas bet ko silang dalawa ni Gabby. Red flag masyado si Sandro no."saad ko.
"Oo nga Nicole, kay Gabby mas bagay si Stelle." Saad din ni Jane.
"Oh edi sila na. After ko din kasing malaman yung ginawa ni Sandro parang nakaka turn off siya no?" Sabi naman ni nicole.
"Hindi ko din inexpect na magagawa yon ni Sandro. Saka if ever na mahal niya pa si Kiara, bakit niya niligawan niya si Stelle diba?" Dugtong niya pa.
Tumingin naman ako sa paligid kung may nakakarinig. Luckily wala. Andito kami sa meeting room ng mga officials, tatlo lang kami. Si Stelle ay hinatid si Simon na babalik nang Manila para sa aattendan daw na Board Meeting.
Kahit ako hindi makapaniwala na magagawa yon ni Sandro. Hindi din namin inasahan na may Ex girlfriend pa pala yung loko na mahal niya pa.
At ang worst, bumalik yung babae para magpakita ulit kay Sandro. Si Stelle naman walang kaalam alam sa mga nangyayari sa boyfriend niya sa Ilocos until nagviral sa social media.
Pati si Simon wala ding kaalam alam na nagkikita na pala si Sandro at yung Kiara. What if hindi pa nakita ng iba yon at ipinost sa social media diba? Edi ang ending nagkabalikan na yung dalawa ng walang alam si stelle?
"Sabi ko naman sa inyo, mas bagay sila ni Gab." Sabi naman ni Jane.
"Si Nicole lang naman pabor kay Sandro at Stelle ih," sagot ko naman. Napairap nalang si Nicole.
"Malay ko bang mala red flag yun si Sandro." Depensa naman ni Nicole.
"Basta Marcos Red Flag, andaming babaeng naghahabol e," sambit ni Jane.
'''''''''
Hi hoomans
Kiara Leuise Houston is pronouced as
"Kiara" - Ki-Ya-Ra
"Leuise" -Lo-wi-si
"Houston" -hos-tuneThen about sa Zack Malik at Zayn Malik as brothers, echos echos lang yon hehe, sadyang si Zayn Malik lang kilala ko sa 1D na nagleave then tapos saktong Zack yung name ng character na naisip ko, kskskskskks
Btw, STREAM WORLD BY SEVENTEEN on YouTube!♡
YOU ARE READING
FORBIDDEN LIFE CHOICES : SANDRO MARCOS
FanfictionIn our life there are many choices that has a consequences. Hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari kaya we are just going on with the flow. Kahit pa masakit or maganda ito, we are bound to move on not to be stucked on the past. Pe...