SIMULA:

5.4K 96 0
                                    

SIMULA

Tahimik.

Punong-puno ng lungkot ang bumabalot ngayon sa bahay ng mga santos. Maraming nagluluksa sa kanilang pagkawala. Ilang araw ang lumipas nang mangyari ang bangungot ng iyon.

Marami ang nagtataka kung bakit nangyari ito sa kanila. Kilala sila sa pagiging mabait sa bayan na iyon. At kahit na wala naman silang negosyo na hinahawakan ay marami parin silang kakilala. Ang Ginang na santos ay tanyag rin sa pagiging palakaibigan nito sa kanilang bayan. Ang lalaking santos ay kilala rin sa pagiging isang mahusay na mangingisda.

Meron silang isang anak na nagngangalang Celine o mas kilala sa tawag na "Seli" ay may angking kagandahan. Maraming kalalakihan ang siyang nahuhumaling rito. Ngunit ni isa man sa kanila ay di naging nobyo ng dalaga, takot lang nila sa kanyang ama.

"Iha, kumain ka muna, karuman ka ni ag mamangan (iha, kahapon ka pa hindi ka pa kumakain)"- sambit ng isang may edad na babae sa dalaga na hanggang ngayon ay nakatulala paring nakatingin sa kabaong ng kanyang magulang.

"Wala pa po akong gana manang karol."-sabi ng dalaga sa may edad na ginang. Hanggang ngayon kasi ay di parin niya matanggap ng dalaga ay biglaang pagkamatay ng magilang niya. Hindi na niya alam kung pano pa siya mabubuhay. Mahal na mahal niya ang kanyang inang at tatang.

At isa pa doon ay nag-iisa lamang din siyang anak nito. Hindi rin niya alam kung pano siya makakapasok sa trabaho, hindi kasi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang hayskul lamang siya. Hindi naman pwedeng pumunta siya kay manang karol at doon ay ipapaalaga ang kanyang sarili.

Hindi siya ganoon.

Hindi niya kayang maging palamunin. Wala rin siyang alam na kamag-anak nila, sapagkat wala sinsabi o kinukwento sa kanya, ang kanyang magulang.

"O sige, ilalagay ko nalamang itong pagkain mo sa lamesa, kung gusto mong kumain, nasa lamesa lamang ang pagkain, o siya ilalagay ko na"- wika ng ginang at pumanhik papunta sa kusina at inilagay sa lamesa ang pagkaing para sa dalaga.


Nang makabalik na ang ginang ay bahagya na itong umupo sa tabi ng dalaga at nagimula nang magdasal. Ngunit hindi pa nakakapikit ang ginang ay nagsalita nang muli nag dalaga.

"Manang, alam niyo po ba kung sino ang malapit naming kamag-anak?"-tahimik at mahinhin na tanong niya sa dalaga sa ginang.

Nagulat ang ginang sa tanong ng dalaga. Isa rin kasi siya sa mga nakakaalam sa pangyayaring nangyari ilang taon na ang nakalipas. Silang tatlo rin kasi ang mga nakasaksi sa pangyayaring iyon. Kaya maingat siya sa pagbibigay ng sagot sa dalaga.

Ang ginang ring ito kasi ang siyang umaruga sa babaeng santos. At labis rin ang kanyang pighati ng malaman ang nangyari sa kanilang dalawa. Alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon upang sabihin sa dalaga ang totoo.

Alam niyang maty tamang oras para dito. Hindi parin siya magaling sa pagbibigay ng sagit sa dalaga. Kung kaya't gagawin nalang niya ang palaging ginagawa ng mag-asawa sa kaniya.



Ang pag-iiba ng usapan.



"Iha, ano nang balak mo pagkatapos nito?"- nakonsensiya siya dahil sag a ginawa niya. Ngunit alam niyang para nmamam sa ikabubuti ng dalaga iyon. Alam niyang pagdating ng panahon ay maiintindihan rin siya ng dalaga.

San lang....San lang.

Napabuga ng hangin ang dalaga at inayos ang kanyang pag-upo sa silya. Sa isip niya'y siguro'y ito na ang tamang panahon para sanayin na niya ang kaniyang sarili; na walang ibang taon ang nag-aalaga sa kanya, kundi siya lang, wala nang iba.

Tumingala siya at iginilid ang ulo upang tignan ang orasan nila, na nakasabit sa tapat ng kwarto niya.


'Alas-siyete na pala'- sabi niya sa sarili.

'Sabado ngayon at bukas na ang libing nila amang'- isa pang sabi niya.

"Pagkatapos po ng libing bukas, ay didiretso nap o ako sa terminal ng bus papuntang maynila'- ani ng dalaga at bumaling sa ginang.



"Kung iyon ang desisiyion mo iha, sige suportahan taka "- sabi naman ng ginang sa kanya. Napamahal na kasi sa kanya ang dalaga. Kaya kahit masakit ay susuportahan parin niya ito sa pag-alis papuntang maynila.

"Salamat po manang..."- niyakap niya ang ginang at dito isinandal ang kanyang ulo ng ilang Segundo lamang.

Kahgit papano kasi ay mamimiss niya an gang ginang. Naging parte na kasi ito ng buhay niya. Alam niyang simula bukas, ay magbabago na ang takbo nang buhay niya. Alam niyang simula bukas, ay magbabago na ang takbo ng buhay niya. At sana kahit papano ay bantayan parin siya ng kaniyang amang at inang kahit wala na ito sa piling niya.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon