C-5
Ingay sa paligid ang siyang naging dahilan kung bakit nagising si seli. Kinuskos niya ang kaniyang magkabilang palad sa kaniyang mga mata. Nagtakang napalingon-lingon siya. Nagsimula na kasing magsi-alisan ang mga kasama niyang pasahero.
Kumunot ang kaniyang noo habang tinitignan ang mga taong Nagsisimulang ayusin ang kani-kanilang mga gamit. Nagtataka pa siya kung ano ba nag ginagawa nila.
Ngunit ng tignan niyang mabuti ang paligid ay napansin niyang nasa terminal na pala sila ng pasay. Terminal? sa isip niya, at doon niya napagtanto na nakarating na pala siya.
Dali-dali naman niyang inayos ang kaniyang sarili at tumayo upang kunin ang isa pa niyang bag na nasa itaas na bahagi ng bus. At nang nakuha na niya ito ay saka niya ito ibinaba para mailapag muna sa may upuan.
Ngunit laking gulat niya ng tumambad sa kaniya ang lalaking katabi niya. Oo nga pala may katabi pala siya. Piniling niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang ano mang pwede niyan maisip sa mga sandaling iyon.
Doon siya nagkaroon ng pagkakataon upang matitigang muli ang binatang katabi niya. Prenteng-prente itong nakaupo habang may headphone na nasa magkabilang tenga.
Suot-suot at ang alam niya'y mamahaling salamin sa kaniyang mata. Matangos ang ilong ng lalaki. Mapapansin ito dahil narin sa shades na nakalagay sa mata nito.
Maputi ito at mapula ang mga labi. At kung titignan ay mahihiya pa si seli na tumabi rito. Hindi niya ata kaya iyon, ang layo kasi ang itsura niya sa lalaking ito. Kahit sabihin natin na babae siya.
Hindi kasi siya maputi sa totoo lang, iyong mga kulay ng mga taong nakatira sa gilid ng dagat, iyon mismo ang kulay niya ngayon. Pwede na nga siyang bansagan na 'The Great Manang' ng ibang mga tao.
Napabuntong-hininga nalang siya at pagkuwa'y yumuko upang gisingin ang lalaki. Dahan-dahan siyang lumapit papalapit rito habang nanginginig ang kaniyang mga tuhod.
'Wag naman sana akong mapasubsob dahil kung hindi ay patay ako nito' sabi niya sa sarili. Lumapit pa siya upang gisingin ang lalaki, at sa pagkakataong iyon ay doon niya mas nakita ang mala-perpekto niyang mukha.
Sa kilay pa lang niya Pababa sa kaniya mga mata, pero sayang dahil naka-shades ito kung kaya't hindi niya makita at itsura ng mga mata nito. Pababa sa kaniyang Matangos na ilong na mas matangos pa sa kaniya.
At pababa pa sa kaniya mga labi na kanina lamang ay pinagmamasdan niya sa malayo. At ngayon ay abot kamaya na niya, ay hindi pala abot labi na rin pala niya.
Narinig niyang umungol ang lalaki at doon ay bigla siyang nakaramdam ng kung anong kumiliti sa kaibuturan niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kaniya dibdib dahil naramdaman niya ang biglang pagkalabog nito.
Nawewerduhan na siya sa kilos ng kaniyang katawan. 'Ano bang nangyayare sa akin?' sabi niya sa sarili. Inaamin niya na kagabi palang ay nagkaroon na siya ng pagkahanga sa lalaki.
Paghanga lang naman, at wala nang iba. Hindi naman siguro iyon masama hindi ba?
Muli niyang iniwaksi ang mga iniisip niya at agad nang kumilos ang kaniyang mga kamay upang gisingin ang gwapog nilalang na katabi niya. "u-uy gising na, a-andito na tayo" niyug-yog niya ang balikat nito at nakita niyang lumukot ang magandang hugis ng kilay nito.
"Urrgh fck" narinig niyang sabi ng binata. "Uy!" niyug-yog pa niya. Ngunit hindi parin natinag ang lalaki sa pagkakaupo nito.
Yugyog pa,
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Acak(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...