Kabanata 15

1.7K 41 0
                                    

C-15

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.

Pilit ko pa paring hinihila ang aking dalawang paa na nakatali sa makapal na kadena. Kanina ko parin iniinda ang hapdi at sakit habang hinihila ko ang paa ko.

Nakatakip din ng masking tape ang aking bibig dahilan kung kaya’t kahit na gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko magawa.

Pakiramdam ko, hindi na mauubos pa ang luha na lumalabas sa mga mata ko.

Mahapdi narin ito dahil kanina pa ako umiiyak at hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang aking sarili.

Hanggang sa tuluyang humina ang pag-iyak ko at tanging paghikbi ko na lamang ang naririnig ko.

Pagod na pagod na ako at nauuhaw pa ilang oras na kasi akong nakatali sa kwartong tinulugan ko at wala paring laman ang tiyan ko.

Naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

“Saan ka pupunta?” kita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang mariing nakatingin sa akin.

Napaatras ako at hindi alam ang gagawin. Umiiling-iling ako habang sinasabi na hayaan niya akong makaalis at hindi naman ako magsusumbong sa pulis.

Ngunit hindi siya naniwala roon bagkus ay marahas niya akong tinulak hanggang mapaupo ako sa matigas na kama at bigla na lamang itinali ang dalawa kong paa.

Hindi ko iyon napansin dahil sa luha na humaharang sa aking mata.

Pagod narin akong lumaban kaya hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginawa.

Patuloy ako sa pagmamakaawa sa kaniyang ngunit hindi siya kumikibo bagkus ay nakaramdam ako ng kaonting dugo sa aking labi nang maramdaman ko ang kaniyang palad na dumapo sa aking pisngi.

Sobrang lakas no’n na para bang ilang Segundo lang ay maalis na ang aking pisngi.

“A-ate l-linda, nangmamakaawa ho ako sa inyo! P-pakawalan niyo na ho ako, pangako hong hindi ako magsusumbong sa mga pulis”

Nilingon niya ako at saka umiling na may malawak na ngisi sa kaniyang labi.

“Manahimik ka! Kung gusto mo pang mabuhay, manahimik ka! Malaki ang makukuha kong pera sayo kaya umayos ka mamaya. Ikaw rin, makikinabang sa mga perang makukuha ko at malay mo doblehin pa nila at ang kalahati ay ibigay sa’yo!”

Sabay halakhak niya na parang demonyo.

Nanggagaglaiti ako sag alit at gusto ko siyang sabunutan ngunit hindi koi yon magagawa.

Ni hindi ko na maigalaw ang aking mga paa dahil sa higpit ng pagkakakadena niya rito.

“A-ano ho bang gagawin niyo sa akin?” kinilabutan ako nang tinanong ko iyon sa kaniya.

“Simple lang naman, susundin mo ang utos nila at pak! May pera kana! Swerte mo kung bibilhin ka pa diba? Malay mo”

Sabi niya na may ngisi sa labi at nangingintab pa ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako sa isang nakakawang sitwasyon.

“I-ibebenta niyo a-ako ate linda?” pinuno ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.

“Ahh hindi naman, sabihin nalang na natin na magbibigay ka lamang ng aliw sa kanila at malaking pera na kaagad ang ibibigay ay makukuha mo. Ayaw mo ba iyon seli?” may naglalarong mala-demonyo na ngiti sa kaniyang labi habang sinasabi iyon sa akin.

Marahas akong umiling.

“pakawalan mo na ako! Pakawalan niyo ako ahh! Tulong!!! Huhuhuhu…” sigaw at hindi narin napigilan ang pag-labas ng panibagong luha sa aking mga mata.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon