“Hindi ka pa ba uuwi seli?” umiling ako kay rana habang ibinibigay ang produkto na binili ng isang kostumer.
“Bakit kayo? Uuwi naba kayo?” bumaling ako kay leni na ngayon ay inaayos na ang kagamitan sa kaniyang maliit na bag.
“Oo eh, inaantay na ako ng kapatid ko sa bahay namin, at ayoko rin kasing maabuutan ng gabi sa daanan, delikado pa” aniya. Tumango na lamang ako sa kaniya.
“Sige ingat nalang leni” ngumiti siya at ganun din ako.
“Ikaw rana? Hindi ka paba uuwi?”
“Hindi pa seli, ako kasi ang nag-sasarado nitong tindahan, kaya kung kung gusto mo nang umuwi, ay pwede na”
Umiling kaagad ako, at kahit na gustuhin ko mang umuwi na kaagad dahil kumakagat na ang dilim, ay hindi ko pwedeng pabayaan rito mag-isa si rana.
“Hindi, sasamahan kita rito” sabi ko.
“Okay lang naman kasi ako seli, kita mo oh may mga CCTV ritong nakakabit” tinuro niya sa aking iyong mga CCTV na nakasabit sa bawat sulok ng tindahan.
Umalis na kasi iyong ibang mga kasama namin kaya kami na lang bale ang natitira sa tindahan. Maski si Aling Marina at kanina pa umalis dahil may importante pa daw na pupuntahan.
Napabuntong-hininga ako habang sinisilip ang labas ng tindahan. Marami pa namang tindera ang nag-aayos ng kani-kanilang mga paninda at ang iba nama’y nagliligpit na.
“Sige na seli, kung gusto mo nang umuwi, hindi kita pipigilan, ayos lang naman iyon eh” umiling lang ako sa kaniya at saka ngumiti. Ngunit mamaya-maya’y sinitsitan niya ako habang inaayos ang ilang mga gatas sa kanilang paglagyan.
Nasa harapan ko siya kaya hindi naging mahirap sa akin na lumingon sa kaniya. “Bakit?” pagtatanong ko. Ngumuso lamang siya at parang may itinuturo sa harapan.
“Ano ba ‘yun rana?” tanong ko ulit dahil hindi siya nagsasalita. Nanatiling nakapukol ang paningin niya sa may harapan maski ang kaniyang labi, nakapukol narin.
Ano bang tinuturo niya? At hindi na siya makagalaw? Tumayo ako at bahagyang naginat-inat dahil bigla nalang nanakit ang aking likod at tuhod dahil ilang minuto narin akong naka-upo habang isinasalang-sang ang mga gatas.
Umikot ako para tignan ang tinuturo niya at nagulat ako sa aking nakita. Nung una ay hindi ko alam kung anong gagawin ko, ngunit ilang segundo lamang ay lumapit na ako sa kaniya.
“Anong ginagawa mo rito Vhin?” Magulo ang kaniyang buhok at namumungay ang kaniyang mga mata, wari’y inaantok. Gusot-gusot naman ang kulay asul niyang polo, ano kaya ginawa nito? San kaya pumunta?
“Iuuwi na kita seli” saad niya at ibinaling ang tingin sa aking likod.
“A-ah ano saglit lang” naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Rana na hanggang ngayon ay hindi parin nakakagalaw sa kinaroroonan niya. Ngunit ang pagkakanguso niya ay nawala na, at ngayon ay nakanga-nga naman siya.
Napatapik nalang ako ng wala sa oras sa noo ko.
“Rana, laway mo tumutulo na” bulong ko sa kaniya. Tila bumalik naman siya sa kaniyang huwisyo at mabilis niyang pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang braso.
“Wala naman eh! ‘kaw talaga seli” nakasimangot na sabi niya. Napatawa lang ako ng bahagya sa kaniyang ekspresiyon.
Muli siyang tumingin sa harapan at doon ko na muntik makalimutan na may iba palang tao kaming kasama. Mabilis kong hinila ang palapulsuhan niya at iniharap kay vhin na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Acak(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...