Thank you for making me go this Far! Lovelots!
@Lessianneleigh
CELINE
All rights reservedWAKAS:
Ikiniskis ko ang dalawa kong palad sa aking itim na slacks habang papunta sa opisina ni Mr. Amoroso. Kasabay ng kaniyang sekretarya ay ang pagkabog naman ng dibdib ko sa kaba na kanina ko pa nararamdaman nang ipatawag niya ako.
Ano kayang nagawa ko? Baka siguro’y may ipapagawa lang siya sa akin. At sana hindi naman niya ako tanggalin sa trabaho.
Iminuwestra sa akin ng sekretarya niya ang pintuan ng kaniyang opisina. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok doon. Pahabol kong inayos ang aking kurbata at tuluyan ng pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
Ngiti ang sinalubong sa akin ni Mr. Amoroso at walang pag-aalinlangan ko naman iyong sinuklian. Pinaupo niya ako sa upuang katabi lamang ng kaniyang lamesa. Umiiling siya habang nakangiti sa akin. “Hindi ka parin pala nagbabago drake” aniya. Tipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kaniya. Tama siya, sa ilang taon na nagserbisyo ako sa kompanya na pagmamayari niya ay hindi parin ako sanay na tawagin siyang ‘tito’ sadyang umiiwas lang ako sa isyu lalo na’t malapit kami ni sir sa isa’t-isa.
Marami siyang sinabi sa akin at isa na doon ay ang nais niyang pagliban ko sa trabaho ng ilang buwan. Kahit nagtataka’y pinakinggan ko siya kahit gustong-gusto ko nang magtanong.
“Kaya ayun nga, napagisip-isip kong kailangan mo munang magpahinga, mapagisip-isip kahit papano, makabawi ako sayo..” kahit nagtataka ako ay pinilit ko paring magsalita.
"A-ah t-tito, hindi ko naman ho kailangan ang pahinga, at saka kaya ko naman pong magtrabaho pa. Unless gusto niyo na akong paalisin rito sa kompanya."
Mabilis iyang umiling at nagsalita muli.
"NO! Of course not! I will not going to do that, listen drake, I'm just saying na kailangan mo munang makalanghap ng sariwang hangin, let's just say it's time for you to relax.."
Marami pa kaming napagargumentuhan pero sa kabila ng lahat ng iyon ay babagsak lang pala sa isang misyon. Alam kong bihira lang siyang magbigay ng mga ganitong proyekto o Gawain sa akin, kaya wala akong nagawa kundi ang makinig ng mabuti sa kaniya dahil alam kong seryuso ang lahat ng sasabihin niya.
“I’ll give you a mission, and that’s mission is to find my long-lost daughter”
Dala-dala ang misyon na sinabi niya sa akin ay umalis na ako kaagad roon upang makapag-umpisa na gagawing pananaliksik tungkol sa kaniyang nawawalang anak na babae. Maski ako ay nagulat ng malaman na mayroon pa pala siyang isang anak bukod kay Alex Jazztine.
Inumpisahan ko ang pangangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa kaniyang anak ngunit kasabay ng panlalamig ng kape na nasa gilid ko ay ang unti-unti kong pagsuko sa paghahanap sa kaniyang anak.
Ni isa wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa kaniya. Ni walang mga accounts sa mga social media. Iniisip ko nab aka patay na ang anak niya. Pero hindi naman niya siguro ipapahanap sa akin kung alam niyang patay ito hindi ba?
Inubos ko ang oras sa sarili kong opisina sa pagkuha ng mga datos sa kaniyang anak. May sarili akong opisina na siyang inilaan sa akin ni Mr. Amoroso bilang Manager ng kaniyang kompanya. Ubos na ang kapeng iniinom ko pero sa tingin ko ay aabot ako ng ilang buwan para tuluyang Makita at makilala ko ang kaniyang anak.
Napatingin ako kalendaryo na nakasabit ‘di kalayuan sa may pader na nasa gilid na bahagi ko. ‘January 10’ na pala ang date ngayon. At ngayon ang uwi ng kapatid kong si fer galling pangasinan. Alam kong wala naman akong dadatnang pagkain roon kaya mas mabuti nang dito nalang muna ako magpalipas ng gabi.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Random(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...