C-13
Bilin sakin dati ni nanay, napaka-importante raw ang pagkabirhen ng isang babae dahil isa itong mahalagang regalo sa mapapangasawa mo. Isa pa, mahalaga iyon sa isang babae. Tanda iyon ng pagiging malinis at pagkakaraoon ng respeto sa kaniyang sarili.
Ngunit sa sandaling ito ay hindi ko na maisasagawa ang bilin ni nanay sa akin. Pero alam kong panaginip lang ang lahat. Babangon ako at mapagtatantong isang kakaibang bangungot ang nangyari. Pero nakakapagtaka dahil parang totoo ang mga nangyare sa aking panaginip.
Naisuko ko raw kasi ang pagkabirhen ko sa isang taong kilalang-kilala ko. Napamulat ako sa aking mga naisip. Napatingin ako sa may binatana na siyang natatakpan ng makapal at kulay abong kurtina. Para kasi talagang totoo ang panaginip ko.
Ngunit ang mas ipinagtataka ko ay parang hindi naman ito ang kwarto ko. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong wala nga ako sa aking sariling kwarto. Napatingin rin ako sa aking ibaba at doon ay nanlaki ang aking mga mata ng makitang wala akong saplot ni isa!
Napansin ko rin na parang may katabi ako kaya agad akong tumingin sa may gilid ko.
Hindi! Hindi maaari ito! Hindi pwedeng magkatotoo ang panaginip ko!
Mas lalong lumaki at napanganga ako dahil sa taong katabi ko ngayon. Ibig-sabihin, hindi panaginip ang nangyari? Totoo ang lahat?! Pero hindi ito pwede! Wala ito sa plano naming ni fer! Hindi ko napigilan ang hindi mapaiyak dahil sa pangyayari.
Wala sa sarili kong isinubsob ang aking mukha sa aking mga tuhod at doon inilabas ang lahat ng mga hinanakit ko na kasalukuyan kong nararamdaman. Habang tuloy-tuloy ang pag-agos ang aking luha ay doon ko rin naramdaman ang pagkirot ng bagay na nasa gitna ng aking hita.
Naiyukom ko ang aking dalawang kamao dahil sa inis ko sa aking sarili. Kung nilabanan ko lang ang mga nangyari kagabi! Kung pinigilan ko lang ang aking sarili na lamunin ng tukso ngayon sana ay hindi ko ito nararanasan!
Biglang gumalaw ang nasa tabi ko pero hindi ko parin binabago ang aking Pwesto. Ganun pai ako, nakayuko at umiiyak sa aking braso na nakapatong sa aking tuhod. Napansin kong tuluyan nang umupo ang katabi ko at doon lang ako natigil sa aking pag-iyak.
Hindi ko alam ngunit kusa na lamang umaangat ang aking mukha nang hindi ko namamalayan. Sinalubong ako ng mala-perpektong mukha niya. Mukha ng lalaking nakakuha ng pagkabirhen ko kagabi lang.
At alam kong pagkatapos nito ay magiging hangin na lamang ako sa kaniya. Alam kong masakit iyon para sa akin. Lalo na't tuluyan nang umusbong ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam kong iisipin niyang napaka dumi kong babae dahil agad kong ibinigay sa kaniyang bagay na pinagiingatan ko.
Pero mula sa araw na ito, pagkatapos kong makalabas sa kwarto niyang ito. Ako na mismo ang siyang iiwas para wala nang mangyaring gulo. Para hindi narin masira ang kaniyang imahe nang dahil sa akin. Magbubuluntaryo na akong upang umalis sa bahay na ito. Sa lugar na ito.
"What happen?!" galit niyang tanong sa akin na para bang hindi siya nagkaroon ng amnesia. Possible kayang bumalik na ang alalaa niya? Magiging masaya ako kung ganoon ang mangyayari. Umiiling ako habang patuloy na bumabagsak ang aking mga luha.
Bumalatay sa akin ang takot nang bigla niya akong hawakan sa aking magkabilang braso at mariin iyong hinawakan. Nakatingin sa akin ang galit niyang mga mata. "Fcking tell me! What the hell happen last night?!!" sigaw niya sa aking harapan.
Napapikit ako dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Ramdam kong nanginginig na ang aking katawan dahil sa takot ngunit pilit ko parin iyong nilalabanan. Gusto kong magsalita sa kaniya pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Celine✔️
Acak(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Hindi niya lubusang kilala ang sarili niya, kung kaya't lumuwas siya sa siyudad at doon ay nagbaka-s...